CHAPTER 23

25 5 0
                                    



Nagulat ako sa pag alog sa akin ni Ah Ki kaya naalipungatan nanaman ako. Napapansin kong lagi nalang siya ang gumigising sa akin at naninira ng tulog ko. Tuloy ay masama ko siyang tinignan at nag peace sign naman siya. Umayos ako ng upo at tumingin sa paligid, wala pa pala kami sa bahay bakit pa ako ginising nito?


"I'm sorry to interrupt your sleep but.. I think, you need to see this", aniya saka inabot sa akin ang cellphone. Kunot noo ko muna siyang tinignan at tinanggap iyon saka seryosong tinignan yung pinapakita niya.


"Pinaghihinalaan na ang upcoming Mayor na si Mr. Vincent Santos ang dahilan ng pagkamatay ni Mr. Hyun Joo Lee. Para sa imbestigasyon ay inimbitahan na si Mr. Santos para kuhanan ng pahayag. Kasalukuyan silang nasa South Police Station-"


"Kuya! Pahatid po sa South Police Station", hindi ko na tinapos ang balitang pinapanood ni Ah Ki. Mabilis ko iyong sinabi sa driver namin. Nagulat ako ng hawakan ni Ashden ang balikat ko, napalingon naman ako sa kanya sa likod. Umiling ito sa akin ngunit hindi ko yun naintindihan kaya pinag kunutan ko siya ng noo.


"Hayaan mo munang ang mga police ang umasikaso", aniya. Tinignan ko siya ng masama dahil dun, lumingon ako kila Haruki at tango lang ang isinagot nila,tila sumasang ayon sa sinabi ni Ashden.


"Don't get involved in them this early, we are minors, they won't believe what will you say either. All you have to do is talk to your Lawyer for now", ani Natsumi. Napabuntong hininga ako saka nag isip nang mabuti. Siguro nga ay dapat ko unahin yung pakikipag usap sa Lawyer.


"Kuya, deretso na po pala sa bahay", utos ko. Tumango lang ito at tinuloy ang pagmamaneho. Humarap ako kay Haruki kaya napalingon siya sa akin. "Can you contact your friend's father for me? You said her father is a Lawyer", nahihiyang pakiusap ko. Tumango naman siya saka kinuha ang cellphone at may tinawagan. Umayos na ako ng upo pagkatapos nun at tumingin nalang sa bintana.


When they finished talking, Haruki tapped my shoulder so I looked back again. She thumbs-up at me then smiled. "He wants to talk to you, I sent your address to him", nakangiting aniya. Ginantihan ko naman ang ngiting iyon saka nagpasalamat at umayos ulit ng upo.


Our car stopped because of a traffic jam. I just kept staring out the window but I almost jumped when Ah Ki suddenly moved in her chair while pointing at the window in her side.


Inis ko siyang tinignan at kinalabit, napatingin din tuloy sa kanya sila Haruki dahil doon. Sinundan namin ng tingin ang tinuturo niya at nakita ulit namin yung tatlong mokong na nakaalitan namin sa coffee shop.


"Sila nanaman?", reklamo ni Natsumi. They are eating inside a coffee shop, there is only a large glass in between us so we can still see them even if they are inside. Patuloy lang kaming nakatingin sa kanila nang bigla din silang lumingon! Iba na ang sasakyan na gamit namin at hindi na ito tinted kaya mabilis na napaayos kaming lahat ng upo maliban kay Haruki na nanatiling nakatingin doon.


I was annoyed because the car was still not moving so we still stayed in front of the coffee shop. Maya maya'y may babaeng dumating at pumasok ng coffee shop at agad na umupo sa tabi ni Mr. Camouflage, niyakap niya si Mr. Camouflage kaya napa "ohh" ako, lumingon ulit si Mr. Camouflage sa gawi namin matapos yakapin iyon. Deretsong nakatingin si Mr. Camouflage kay Haruki na nilabanan naman ni Haruki ng tingin.

Never Be ApartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora