Naisipan ni Ah Ki maglaro ng UNO para ma divert yung atensyon namin sa problema namin kahit sandali. Habang naglalaro ay naisipan kong tanungin sila tungkol dun sa surprise na ginawa nila sa akin kanina lang.


"Sino ang nakaisip noon?", inosenteng tanong ko.


"Alin?", tanong din ni Haruki.


"Yung surprise, astig lang. Nakalimutan ko na birthday ko pala ngayon, kung di lang dahil sa surprise niyo malamang ay hindi ko na maaalala", natatawang usal ko sa kanila. Napangiti naman sila.


"Siya ang nakaisip nun", tinuro ni Natsumi si Ah Ki. Napatingin ako kay Ah Ki na nahihiya na ngayon.


"Ako lang ang nakaisip pero lahat kami ang gumawa! Grabe ang rush namin dun, halos mataranta kami ng sobra. Mabuti nalang at naisipan mong bisitahin si Tita, kung hindi ay inutusan namin si Kuya Ashden na ayain ka manood ng movie sa inyo para tumagal pa ang oras", natatawang kwento ni Ah Ki.


"I even thought that it wouldn'tbe successful because it's rush", sabat naman ni Haruki saka natawa.


"Akala ko din. Ang hirap din humanap ng suit na sasakto sa amin ah, nanghula nalang nga kami ng size nung kay Ashden kasi masyado na ngang rush. Mabuti nalang at sumakto", si Natsumi naman ngayon ang nagkwento. Natatawa lang ako sa mga kwento nila.


"Kinilig ako dun sa confession ni Ashden sayo! Kahit na halata namang may gusto sayo, iba parin talaga kapag harapan sinabi!", tila kinikilig na sambit ni Ah Ki. Natawa nalang ako at inalala sandali ang mga nangyari kanina. Nawala ang ngiti ko nang maalala nanaman yung sagutan namin kanina lang. Napansin nila yun kaya natahimik din sila at biglang naging seryoso ang atmosphere.


"Anong balak mo sa lalaking yun?", bigla ay tanong ni Natsumi.


"Balak?", nalilitong tanong ko din.


"Kapag nanligaw yun, papayagan mo?", tanong pa niya. Napaiwas naman ako ng tingin at tumingin nalang sa cards. Turn ko na pala! Pumili muna ako ng ibababa bago sumagot.


"Kung ngayon siya manliligaw ay hindi muna ako papayag, masyado pa akong madaming problemang kailangan harapin. Saka na ang lovelife", sagot ko. Tumango naman si Natsumi at nagbaba din.


"Alam mo, ayos sana yun si Ashden e. Pero hindi ko talaga maiwasang mabadtrip sa kanya tuwing ganun ang reaction niya kapag nadadamay or madadamay palang yung Judge", ani Haruki saka nagbaba din ng cards. +4 iyon, napanguso si Ah Ki at kumuha ng 4 cards.


"Ako din, naweweirduhan ako sa kanya tuwing nag gaganun siya. Siguro ay importante sa kanya yung judge na yun", sang ayon ni Ah Ki. Inalala ko naman ang mga nagiging reactions niya kapag nababanggit nga yung judge.


"May alam ba kayo sa family background ni Ashden? Malay mo, Papa niya pala yun", biglang sabi ko habang nagbababa ng cards. Akmang magbababa na din si Natsumi ngunit bigla siyang napahinto at tila napaisip din.


"Paano nga kung ganun?", tanong pa niya.


"Bakit mo naman naisip na papa niya yung judge?", tanong naman ni Haruki saka kinalabit si Natsumi at sinenyasan na magbaba na ng card. Nagbaba si Natsumi ng +4 kaya napangiwi si Haruki at sinamaan siya ng tingin.


"Ewan. Just a random thought that crossed my mind", kibit balikat na sagot ko.


"Pwedeng totoo yun! Kasi yung mga reactions talaga niya iba e. Tsaka I haven't heard anything about his father, puro mother lang ang naririnig kong binabanggit niya", pabulong na usal sa amin ni Ah Ki. Napabuntong hininga ako.


Doon na natapos ang usapan namin at nagtagal lang ng ilang minuto ang laban at sa huli ay si Haruki ang natalo. Hindi na kami naglaro pa ulit dahil nag aya na din matulog si Haruki dahil maaga pa daw kami bukas.


Si Ah Ki ay sa kwarto ni Yoon Gi natulog kasama si Natsumi. Hindi sanay si Haruki na may katabi kaya mag isa siya sa guest room.


Ang akala ko ay makakatulog ako agad ngunit akala ko lang pala iyon. Matagal muna akong tumitig sa kisame at inisip lahat ng pinagdaanan ko sa loob ng isang buwan.


"Pakatatag kapa, Yoo Ki. Malapit ng matapos ito", pangungumbinsi ko sa sarili bago makatulog.


---♡



Never Be ApartWhere stories live. Discover now