"Ah thanks oppa."

Amethyst's POV

Sandali lang kami nagkwentuhan nang mapagisipan namin umuwi. Nagpresinta naman si Keith na ihatid ako sa bahay.
"Bye." seryosong sabi niya.

"Are you okay?" tanong ko dahil wala man lang siyang reaksyon. Tumango lang siya at naglakad na paalis.

"Keith." tawag ko. Agad naman siyang lumingon at hinintay ang sasabihin ko.
"Ingat." pagkasabi ko non ay ngumiti siya at tumango.

---------------------/

Hindi kami magkikita ni Keith ngayon dahil wala naman kaming pinag-usapan. Naisipan ko na mag-mall pero hindi pa ako nakakalabas ng bahay ay hinarang ako ng kapatid ko.

"Sis, tara mag-shopping."
Napangiwi naman ako dahil ang lakas ng boses niya. Parang bata eh.
"Libre mo?" tanong ko kaya napaisip siya.

"Sige."
Nagpantalon at shirt lang ako dahil sa mall lang naman iyon. Pagpunta namin sa mall ay inaya niya agad ako sa mga boutique.

Dahil hindi ko naman tipo ang mga pinupuntahan niya ay umupo lang ako sa gilid at naglaro ng phone.
"Sukat mo." biglang sabi niya habang may dalang damit sa harap ko.

"Ano na naman–"

"Dali na."
Kahit tumanggi ako ay hindi siya magpapatinag kaya tumayo ako at sinukat sa fitting room ang ibinigay niya. Paglabas ko ay ngumiti naman siya at pumalakpak pa.
"Perfect.Miss, kukunin ko ito pati rin yang isa."

Pagtapos namin doon ay inaya naman niya ako sa shop ng mga sapatos. Ayos lang yung binili niyang dress. Simple lang iyon pero maganda. Ang kaso lang ay ang ikli nito.

Pinasukat niya pa ako ng ilang mga high heels na sapatos. Aangal pa sana ako eh pero syempre hindi siya magpapatinag dahil binili niya pa rin.

Nang nakaramdam kami ng gutom at pagod ay inaya niya ako sa isang korean restaurant.
"Gusto ko maganda tayong dalawa mamaya.Kahit–"

"Ano bang meron?" tanong ko.

"Birthday nung kaibigan ni Keith,si Andrae." ngiting ngiti na sagot niya. Teka bakit kasama ako? Eh hindi nga ako non inimbitahan.

"Oh?Hindi naman ako inimbitahan non eh."
Ngumiwi naman siya sa akin at pinanliitan ako ng mata.
"Tch.Inaabot ko sayo nung isang araw.Tapos hindi mo naman pinansin."

Pagkatapos namin magshopping ay umuwi na kami para daw makapag-ayos kami. Hindi na ako umangal sa mga pinag-gagawa niya sa itsura ko. Magaling siyang mag-ayos kaya hinayaan ko na lamang siya.

Hinatid na kami ni Manong sa party nung Andrae. Hindi naman ganoon kalayo ang lugar nila pero nasa executive village ang bahay nila.

Andrae's POV

"Pre, dadating ba yun?" tanong ni Keith habang tumitingin sa mga dumadating na bisita. Kanina pa siya hindi mapakali kaya napangiwi ako.

"Oo. Pwede ba Keith umupo ka muna? Kanina pa ako nahihilo sayo eh. Ba't ka ba hindi mapakali?" tanong ko.

"Wala." nailing na sagot niya. Mabuti naman at tumigil na siya kakalakad.

"Andrae."
Napatingin naman agad ako nang may tumawag sa akin. Boses pa lang niya ay kilala ko na.
"Selene." nakangiting bati ko.

Nakita ko namang kasama niya si Miss Amethyst. Teka bakit–
"She's my sister.I guess, magkakilala naman siguro kayo."

"Yeah.Umupo na kayo doon oh."
Tinuro ko sa kanila yung upuan ng mga bisita.Hindi naman engrande ang birthday ko.Medyo maraming bisita lang.
Kumain muna yung lahat bago nagsalita yung host.

Amethyst's POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa ako ginginaw dahil sa suot ko.Nandito lang ako sa sulok kumakain. Nakalimutan ko pa kasi yung coat eh. Si Ate naman kausap si Andrae.

"Yo." napalingon ako at nakita ko si Keith na nakangiti. Tinignan ko lang siya.
"Ba't andito ka?Hindi ka nag-eenjoy?Bored?"  tanong niya.

"Nah.Gusto ko lang dito." sagot ko.
Naramdaman ko namang may pumatong ng coat sa likod ko. Napansin niya siguro ang suot ko.

"Thanks." sabi ko at ngumiti.

Busy ako sa pagkain ng pasta at busy naman siya sa pag-inom. Hindi kami nag-iimikan.

Pansin ko na kinuha niya ang phone niya at nagtype kaya kinuha ko yung maliit na memo pad sa pouch ko at nagsulat ng isang fact tungkol sa kanya.

Pagtapos niyang magtype ay nakatingin lang siya sa malayo at ngiting ngiti kaya napakunot ang noo ko. Ang weird niya.
"Problema mo?"tanong ko.

"Wala. Napansin ko kasi na minsan mo nalang ako sinusungitan. Hindi tulad ng dati na kada maguusap tayo ang sinusungitan mo ako."
Dahil sa sagot niya ay napairap ako. Ang dami niya talagang sinasabi. Tumawa naman siya ng mahina.

Pagtapos ng party ay nakareceive ako ng message kay Ate na mauna na daw siya dahil ihahatid daw siya ni Andrae. Teka, hindi niya ba naisip na wala akong masyadong kilala dito? Tsk.

Nakatingin lang ako sa phone ko habang nakatayo sa harapan ng gate nila Andrae.
"Hatid na kita."
Paglingon ko ay nakita ko si Keith na nakangiti sa akin kaya napairap na naman ako.

"Ayaw mo ba? Sige–"

"Wala akong sinabing ayaw ko.Tara na.Ang bagal mo."
Wala naman akong choice dahil ayoko naman tawagan ang mga kaibigan ko para puntahan lang ako dito. Dahil sa sagot ko ay ngiting ngiti siya na naglakad papunta sa kotse niya. Pagpunta namin doon ay pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

--

Hindi ko alam kung bakit pero bigla siya nagpark sa harap ng convenience store. Ayoko naman maiwan sa kotse kaya sumunod na lang ako sa kanya.
"May bibilhin ka ba?" tanong ko.

Sinenyasan niya ako na magantay na lang at patakbo siyang pumasok sa shop. Sandali lang naman siya dahil lumabas agad siya at inabot sa akin ang isang ice cream.

"Tara?"
Naglakad kami papunta sa likod ng convenience store kung saan may playground. Tahimik ko lang siya sinundan at umupo rin sa swing. Bakit ba kami andito?

"Amethyst,mag–"
Napatigil siya sa pagsasalita nang makarinig kami ng tunog ng bakal. Tunog iyon kapag sinasadsad ang bakal sa semento.

"Hi." nakangising bati nito sa akin. Napangiwi naman agad ako. Bakit ba sila andito?
"Kamusta?" tanong nito na nakatingin pa rin sa akin. Napatayo naman si Keith at lumapit sa kanila.

"Anong kailangan niyo sa kanya?"

"Chill.Mag-uusap lang kami,Pre."
Kumunot ang noo ni Keith at agad na kinuwelyuhan ang lalaki. Haynako.
"Sabi ko,Mag-uusap lang kami."

Sinuntok niya si Keith pero agad itong nakailag kaya napangisi ang lalaki at sinenyasan ang mga kasama. Naglapitan naman ang mga ito kay Keith. Panigurado ay walang laban si Keith sa kanila dahil marami sila at may mga dala pa silang pamalo. Hahampasin na sana nila si Keith pero agad akong nagsalita.

"Stop." kalmado kong sambit habang nakatingin sa lalaki.
Tumigil naman sila at napatingin sa akin. Agad na napangiti ang lalaki at lumapit sa akin. Naiisip niya siguro na lalabanan ko siya.

Tinignan niya ako at agad na hinataw ang pamalo sa akin. Mabilis ko naman siyang nailagan kaya lalo siyang napangisi.

--------------x

He's A Casanova,She's A Gangster [SLOWLY REVISING]Место, где живут истории. Откройте их для себя