Chapter 32: Harana

Começar do início
                                    

"Ano?!"

"You heard me, mayroon akong coffee dito. G-Gusto mo?"

"Labas ka!"

"B-Bakit naman?"

"Baka dumating sila Kristine, kung ano pang isipin ng mga iyon. Labas!"

"Eh ano naman, alam naman na nila tungkol sa atin."

Nakaramdam ako ng init sa mukha sa sinabi niyang iyon.

S-Siraulo talaga siya! Anong pinagsasabi niyang 'sa atin?!'

"Basta labas ka don!"

"Ayoko," pagmamatigas niya.

Mukhang lalo lang tumigas ang ulo niya.

"Pinapalabas kita kasi magbibihis ako, sige na labas na don!" nahihiyang paliwanag. Dali-dali naman siyang tumayo at iniwan ako.

Nang masigurong nakalabas na siya nagmamadali akong nagbihis. Matapos kong magbihis lumabas ako at naglakad ng kasama siya.

Dala-dala ko ang kape na dinala niya at sinumulan inumin iyon.

Habang pikit-pikit pa ako sa daan, rinig na rinig ko ang bulungan sa paligid ko.

"Anong ginagawa dito ni Hendrix?"

"Si Hendrix ba iyon?"

"Look kung sinong kasama niya!"

"Sila na ba?"

Napatigil ako sa paglakad na kinatigil din ni Hendrix sa paglalakad. Nakaramdam kasi ako ng hilo at hindi pa masyadong magaling ang tuhod ko kaya mabagal ako maglakad.

"Are you okay?" tanong niya sa akin at nginitian ko siya bilang tugon.

Nagsimula na muli ako maglakad. Ininom ko ang kape na dala niya at infairness pasok yon sa panlasa ko. Nang makalayo sa girls dormitory umupo kami sa isang bench.

Antok na antok pa ako.

"Masakit pa ba ang sugat mo?"

"Hmm kaunti."

"Patingin nga ako—"

"Sabi ng okay na! Okay na."

Adik ba siya, ang dami-daming tao sa paligid tapos gusto niyang tignan tuhod ko.

"I'm sorry,"

Hays. Sabi ng wag siyang magso-sorry.

"It's okay, bakit nga pala ang aga mong nagising? hindi ka ba inaantok? kasi ako antok pa nga."

"Maaga ako lagi nagigising," paliwanag niya at tumango ako.

Edi siya na maagang nagigising. Basta ako tanghali talaga ako nagigising.

Tahimik ang namutawi sa pagitan namin na kinakailang ko lang.

Ano bang ngini-ngiti ngiti niya jan? nagmumukha siyang baliw.

Sabagay mas gusto kong ganito siya kaysa naman kahapon na halos hindi ko na makontrol. Daig ko pa nagpapa-amo ng tigre o nang isang halimaw.

Hindi ko makakalimutan ang pinaggagawa niya kagabi.

Gusto ko na lang bumalik sa dorm, nanakit talaga ang ulo ko.

"Dre!"

Nako may dumating pang isang sakit sa ulo.

Si Author naging EXTRA?! Onde as histórias ganham vida. Descobre agora