"Talaga? Sige nga, lutuan mo ako!"

Biglang umasim ang mukha nito.

"Magpahinga ka na nga muna!"

I rolled my eyes and leaned on the bamboo chair. Na-miss ko ang probinsya. Malayong-malayo sa maingay na busina ng mga sasakyan at tren. Malayong-malayo sa usok ng Maynila.

Gawa ng pagod, hindi ko na namalayan ang oras. Nagising na lang ako na madilim na sa labas at bukas na ang mga ilaw sa loob at labas ng bahay.

"Oh, gising ka na pala! Halika na at kumain na tayo!" bungad ni Nanay.

Kinusot-kusot ko ang aking mga mata at humikab.

"Si Tatay po, nakauwi na?"

"Hindi pa. Sige na, uuwi rin 'yon mamaya."

Tumayo ako at nagtungo sa hapagkainan.

"Ikaw? Kumusta roon? Ayos lang baa ng pag-aaral mo?"

"Ayos lang po. Babalik lang ako para sa competition."

"Mabuti naman at break niyo na. Makakatulong ka rito."

I nodded. Napadaing ako sa sakit nang sinipa ang aking paa sa ilalim ng mesa. Ngumisi si Alex habang tahimik lang na nakaupo si Lyn. Agad akong sumimangot.

"Hoy, magdadalaga ka na, pero ang barumbada mo pa rin!"

"Ano naman?" balik nito. "Maganda naman ako, ah?"

"Sino'ng may sabi?"

"Si Nanay!"

"Naniwala ka naman?"

"Wave!" sita ni Nanay.

Pinakitaan ko ng nagmamalaking ngisi si Alex, na ngayon ay hindi na mapangalanan ang iritasyon na nakabalandra sa kanyang mukha. Tahimik lang si Evelyn sa upuan niya at pinagmamasdan ang pagbabangayan namin.

Alex is 4 years younger than me. Habang si Evelyn naman ay 6 years old pa lang pero magaling nang manalita. Maaga kaming namulat sa kahirapan namin, kaya kahit paano ay natutunan na rin naming maging madiskarte sa buhay.

It was a hearty dinner. Maaga kaming natapos sa kusina at nagpapahinga na sa sala. Abala naman sa panonood ng TV ang dalawa kong kapatid. Si Nanay naman ay nagtatahi ng sirang pantalon.

Inangat ko ang paningin ko sa orasan na nasa itaas ng TV at nakitang mag-aalas otso na pala ng gabi.

"Nay, ba't wala pa si Tatay?"

Mula sa kanyang ginagawa, saglit siyang tumingin sa akin.

"Siguro'y napainom na naman nang todo," bumuntong-hininga siya.

"'Di po ba bawal na siyang mag-inom?"

"Ewan ko ba diyan. Hinahayaan ko na lang. Kaysa kami ang pagbuntungan niya ng galit sa kung ano man ang kinagagalit niya."

Base sa narinig ko, mukhang may hindi magandang nangyayari rito sa bahay.

Nangunot ang aking noo.

"Sinasaktan niya po kayo?"

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay hindi niya kami kinakausap dito. At mainitin ang ulo. Sa pananakit," tumigil siya saglit at humugot ng malalim na hininga. "Minsan... napagbubuhatan niya ng kamay si Alex—"

"Ano?!" I cut her off.

Naaalala ko pa rin ang mga pamamahiyang ginawa ni Tatay sa akin noon. Pero ni minsan ay hindi iyon umabot sa pamimisikal niya.

"Wave, anak, makulit din kasi itong si Alex—"

"Sapat na rason na ba 'yan? Siyempre makulit 'yan kasi bata 'yan!"

Shot Through the LightsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora