Chapter Thirty-two

Start from the beginning
                                    

"Sa tingin mo ba may magkakagusto sa'yo? Ang taba mo na nga, ang pangit mo pa. Asa ka namang may papatol sa isang baboy na katulad mo. Sorry ha, pero 'yong type kasi ng mga lalaki, e mga sexy, at hindi ka qualified."

Niyakap ako ni Kuya Austin. Palagi naman siyang ganito. Hinaplos niya ang buhok ko. "Sige lang. Umiyak ka lang." Hinawakan niya ako sa balikat ko nang napakaingat.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam. Blangko ang utak ko. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa kakaunting mga salita lamang ang nakaya kong sabihin. "Kuya... Maganda ba ako?" Sumunod ang mga paghikbi.

Narinig kong tumawa si Kuya Austin. Humiwalay siya sa akin para harapin ako. Tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata at may ngiti sa kanyang mga labi. "Seryoso ka ba r'yan sa tinatanong mo?"

Masakit. Nasaktan ako noon. Muntikan ko na siyang itulak nang palayo nang dinugtungan niya pa 'yong sinabi niya.

"Hindi naman 'yan isang bagay na dapat tinatanong. Isang bagay 'yan na dapat pinaniniwalaan. Maganda ka, Tabby. Walang question mark. Walang tanong, walang doubt. Maganda ka."

Alam kong hindi sinungaling si Kuya, pero hindi ko maiwasang hindi isipin na pampalubag-loob lamang iyon dahil sa malungkot ako at dahil sa kapatid niya ako kaya niya ako sinasabihang maganda. Gusto kong maniwala, pero ayaw maniwala ng isipan ko. Patuloy pa rin 'yong mga boses sa aking utak sa pagbulong ng mga bagay-bagay na nakakasakit sa aking damdamin.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Tabby, ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Sana paniwalaan mo 'yan. Alam mo bang hindi lang sa hitsura masasabi kung maganda ang isang tao?"

I rolled my eyes. "Don't start with your inner beauty stuff again. Hindi naman mahalaga 'yon! Hindi naman nakikita 'yon ng mga tao. The truth is, nobody cares about your personality. They only care about your looks. They only care about the things they see."

"At 'yong mga bagay na nakikita natin, 'yon ba talaga ang mahahalaga, ha?"

Natahimik ako.

"Katulad ng hangin. Hindi natin siya nakikita pero mahalaga siya kasi hindi tayo makakahinga kung wala ito. In the deeper sense, katulad ng abstract stuff. Corny man pakinggan, but say, for instance... Love. Hindi natin nakikita ang Love pero napakagandang bagay 'to, Tabby. Love is the most beautiful thing in this world. Sabihin man ng mga shallow na mga tao na looks lang ang mahalaga, pero kung iisipin mo, mas mahalaga 'yong mga bagay na hindi natin nakikita pero nararamdaman natin. Siguro rin kaya hindi natin nakikita kasi kailangan natin 'tong pakiramdaman nang mabuti. Love. Tabby. Love. Siguro, kailangan mo ring maramdamang mahalin ang iyong sarili, Tabby, para makita mo ang tunay mong kagandahan. 'Yong kagandahang nakikita ko, hindi gamit ng mga mata, kundi gamit ang aking puso."

Niyakap ako ni Kuya. Hindi ko pa rin talaga lubusang naintindihan noon kung anoman 'yong mga pinagsasabi niya, pero alam kong naramdaman ko noon na mahal na mahal niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik at umiyak. Hanggang sa nawalan na ako ng mga luha. Naramdaman ko noon na napakaswerte ko dahil may nagmamahal sa akin.

Nang mapatingin ako sa gawing kanan, nakita kong may magandang babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko siya nakilala, pero 'yong masayang ngiti niya kaagad ang napansin ko, na para bang puno ng pagmamahal ang babaeng iyon. Mga ilang segundo ang lumipas bago ko napagtantong nakatingin pala ako sa salamin.

'Yon ang unang pagkakataong naramdaman kong maganda ako.

***

"Ano nga ba ang beauty para sa akin, tanong mo?" I asked.

Tumango 'yong nag-iinterview para sa isang talk show.

I smiled. "May nagsabi sa akin noon na ang mga tunay na kagandahan daw rito sa mundo ay 'yong mga hindi nakikita n gating mga mata. Dati, iniisip ko na ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay 'yong maging physically attractive ka. Akala ko kung gano'n ka, makukuha mo ang lahat at sasaya ka. Pero sabi nga nila, dekorasyon lang 'yon kung wala namang nilalaman. Kung wala namang substance. Kagandahan ba ang pagiging maputi, ang pagiging sexy, at anu-ano pa? Siguro. Sa mata ng mga tao. But I don't intend to do the same anymore. I don't want to see beauty that way. Dahil ang kagandahan, hindi naman talaga nakikita ng mga mata. Dahil ang kagandahan, tulad ng love, ay abstract. Hindi natin nakikita. Hindi natin nahahawakan. So, if that's the case, then there is no need to make it objective, right? Ibig-sabihin, wala naman talaga dapat na standard. Walang basehan.

The XL Beauty: Double Trouble (PUBLISHED)Where stories live. Discover now