022: With Him

57 10 3
                                    

NAYEE KIM JUNG
REAL WORLD
Saturday, 7:56 am

It's finally saturday pero hindi parin ako makapag-pahinga dahil kailangan ko pang pumunta sa bahay nina Lukas dahil nga babysitter ako ng kapatid niya.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa side table at binuksan ang chat namin ni Lukas. Maaga akong gumising ngayon dahil yun ang sabi ni Lukas at nakakahiya namang palagi nalang ako late diba?

Nayee Kim Jung
Hoy, asan ka na?

Lukas Maximo
On my way.

Nayee Kim JungNaks, hindi ko naman hinihingi ang picture mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nayee Kim Jung
Naks, hindi ko naman hinihingi ang picture mo.

Lukas Maximo
The hell you care.

Nayee Kim Jung
nyenye.

Lukas Maximo
Shut up, I'm driving.

Seen.

Mabangga ka sana.

Eme, baka hindi ko na makuha yung sweldo ko pag nawala na siya sa mundo.

Bumaba na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina, as usual wala si Kuya, ewan ko ba don kung saan pumupunta. Which is a good thing din naman dahil paniguradong kukulitin niya ako kapag nakita niyang sinundo ako ni Lukas dito.

Naudlot ang pagkain ko ng may bumusina sa labas.

"Oh, andiyan na ata si Lukas," wika ni mama. "Tama na yang kain mo na yan," wika niya pa at sinimulan ng ligpitin ang pinagkainan ko.

"Mama naman e, di pa nga ako tapos," nakanguso kong sabi.

"Bilisan mo na," tanging tugon niya.

Agad akong nagsipilyo, sinukbit ko na ang bag ko sa aking balikat at sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mahirap na, baka pagsabihan nanaman ako ng isa diyan na panget ako, tss.

Nagpaalam muna ako kay mama bago ako lumabas ng bahay. Napatingin ako kay Lukas na nakasandal sa kotse niya habang pinapaikot-ikot ang susi sa daliri niya. Magulo ang buhok niya, yung tipong kakagising lang. Nakabusangot ang mukha, as usual at nakasuot ng jersey.

"Ba't ka naka jersey? may practice pa kayo?" tanong ko.

"Yep, kaya ihahatid lang kita sa bahay tapos didiretso na ako sa school," wika niya at pumasok na sa loob.

Game on, Gangsters! (Online Game Romance) | ✓Where stories live. Discover now