~♥~ Flashbacks (42) ~♥~

Comincia dall'inizio
                                        

p→_→q

  Malay koba kung maayos lang talaga ang ungas na'yan. Baka naman mamaya bigla nalang mangisay 'yan. Kapag nangyari talaga 'yan sisiguraduhin kong hindi ko sya bibigyan ng magandang libingan!

'Aba! Walang iwanan.'

p-_-#q

  Tumingin ako kay Frances na pagaling na ang mga sugat sa mukha at katawan.

  Naghihilom na ang mga sugat at pasa nya sa mukha't katawan pero hindi parin sya nagigising. Hindi naman sa prinoproblema ko ang mga gastusin sa paggagamot ng isang 'to pero hindi talaga ako makapakali. Pakiramdam ko habang patagal ng patagal ang panahon ay paunti ng paunti ang pag-asang na magigising ang isang 'to.

'At 'yon ang ikonakatakot ko. Huwag naman sana.'

  Naisip ko minsan na tanggalin kona kaya ang mga makinang 'to? Para hindi kona marinig at matanggal na ang pag-aalala ko. Kung pwede lang gawin ay ginawa kona. Ayoko sa lahat ay nakakarinig ng ganitong tunog pero mas ayokong ako ang maging dahilan ng pagkamatay ng isang 'to.

p(¬_¬)q

  Habang patagal ng patagal ang isang 'yan dito ay lumalala ang pag-aalala kong lalong nadaragdagan.

  Huminga ako ng malalim.

pv_vq

  Hindi ko alam kung kailan magigising ang isang 'to. Maaring sa isang araw, linggo, buwan, taon o higit pa.

'Worst, hindi na.'

  Wala akong alam kung kailan. Hindi ko nakikita ang kinabukasan para malaman lang kung gigising pa ang isang 'to. Ang paggising nya ay nakabase sa katawan nya at kung gaano katatag ang ungas na'to.

pv_vq

'Hanggat kailan ako mag-aalala sa isang 'to? Psh!'

  Humiga ako sa sofa at pumikit. Ipinaubaya ko ang likod ko sa sofang 'to, nakakangawit din ang magdamag na nakaupo. Kinalma ko ang sarili ko at tinanggal ang mga negatibong bagay at pangyayari na dumadaloy sa sistema't pag-iisip ko.

'Hindi 'to nakakatulong, hayyst!'

  Lumilipas ang panahon at lalong nadaragdagan ang mga gawain ko. Hindi nagiging madali pero buhay pa naman ako, humihinga pa naman. Naumpisahan narin namin ang pinapatayong bahay na gagawin naming lungga ng mga animal na'to. Ang bahay na'yon ay ang magiging saksi sa mga mangyayari sa buhay namin. Do'n kami habang walang ginagawa at do'n kami uuwi kapag galusan.

p‹•.•›q

  Sa buwang lumipas na nakahiga si Frances sa kamang 'to ay ako ang gumagawa ng trabaho nya. Hindi naman ako nabihirapan pero iba ang pakiramdam ng may kulang. Walang maingay, walang matakaw at wala ng magaslaw. Sa buwan na'yon ay nabawasan din ang sigla sa loob ng condo.

'Hindi kami sanay.'

" Malala." Mahinang sabi ko sabay iling namay ngiti sa labi.

'Psh. Nakakabakla na ang pinagsasabi ko.'

  Sa nagdaang mga araw ay gumawa ako ng paraan at hinanap ang mga taong gumawa sa'min nito.

'Whahah!'

  Mag-isa kong ginawa 'yon dahil may ginagawang trabaho si Jakxic sa building nila.  Marami naring nangyari at hinahayaan ko muna sya dahil may gawain din 'yang kailangang gawin sa Clan nila. Nakakatulong din 'yon para mahasa sya at hindi matatakot na kumilos kung wala man ako.

'Si Ethan naman ay patuloy na nagpapanggap na mabuti at masunuring tauhan sa Demogorgons. Hindi kona sya pinahinto dahil napakalaking tulong no'n.'

'Til The Perfect DayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora