Chapter 29: We are REUNITED

2.2K 30 6
                                    

[Ava’s POV]

“We need to talk Ava…” i was left there, wondering. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni Pamela? Para malaman ko, i just nodded and followed her out of the room and found myself standing before her in the side of the hallway.

Huminga muna sya ng malalim bago mag-salita…

“I don’t know where to start Ava. Alam kong marami na akong nagawang mga pagkakamali sayo at hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sayo para sa lahat ng mga nagawa ko. I know, naging isang b*tch ako and for that, I’m sorry. Minahal ko lang talaga noon si Kyle pero ngayon, tanggap ko na na hindi nya ako pwedeng mahalin dahil ikaw ang tunay na mahal nya. I know din na hindi pala kayo tunay na magkapatid” then, saglit syang natahimik at tumulo ang mga luha nya mula sa mga mata nya at tsaka sya umiyak.

“I’m sorry Ava. Hindi ko ginustong magkaganito tayo. Hindi ko rin ginusto na umabot tayo sa pag-aaway. Pasensya na kung naging isang napaka-samang kaibigan ko sayo. Wala akong ginawa noon kundi ang pahirapan ka dahil naiinggit ako sayo, sa inyo ni Kyle. I know na napaka-laki ng kasalanan ko sayo at hindi sapat ang pagsosorry lamang para mapatawad mo ako. Ayos lang sakin kung hindi pa ngayon pero sana, dumating ang panahon na mahanap mo ang kapatawaran dyan sa puso mo at mapatawad mo ako. I’m so sorry Ava” at tumalikod na sya.

Paalis na sana sya pero hinawakan ko ang kamay nya at niyakap ko sya ng mahigpit. Hindi ko na-realize, umiiyak narin pala ako.

“Gaga ka talaga! Magagawa ko ba namang magalit sayo? Edi ba nga best friend kita? Siguro, pagsubok lang yung nangyari sa atin para malaman kung talagang matibay ang friendship natin. SA totoo nga, hanga ako sako Pam eh, biruin mo, nalunok mo ng bonggang-bongga ang pride mo makapag-sorry lang sakin? I really love you sis! Bati na tayo ha?” at umiyak ulit sya at niyakap ulit ako.

“Sorry talaga Ava”

“Shh… Okay lang yun. Ang mahalaga, okay na tayo ngayon okay?” at tumango naman sya. Ang saya ko naman. Napaka-swerte pala ng araw na ito. Napakadaming good news ang natanggap ko. Nung una, naka-usap ko na si Chups at pangalawa, bati na kami ni Pamela. :DD

I’m so happy!

And after that, pumasok na kami sa loob at umupo sa mga upuan namin.

--------*

Lunch time na at pumunta ako sa garden kung saan kami tumatambay ng Barkada at syempre, kasama ko si Reunited best friend, Pamela. Nagulat nga sina Alexa nung makita kaming magkasama eh.

“Totoo ba itong nakikita ko?” tanong ni Alexa kay Roxanne

“Mukhang totoo nga Alex”

“Wala ng bagyo?” tanong naman ni Ian

“Ulol! Nasa mata pa lang tayo!” sabi ni Kevin  at binatukan naman ni Alexa ang kawawang boyfriend nyang si Kevin. Naku, sorry ka na lang Kevin, brutal yang girlfriend mo eh. ^______^

“Bati na kami ni Pamela guys and i hope, maging friends din kayo” naka-ngiting sagot ko naman sa kanila.

“Well, kung friend mo na ulit sya edi kaibigan narin namin sya.” Nakangiting sagot naman ni Nicole na sumandal kay Keith.

“Okay, so guys, meet Pamela. Our new kabarkada ^______^”

“Hi Pam!” chorus nilang sagot at tsaka isa isang hinug si Pamela.

“Thank you guys, despite my past attitude, I promise, magbabago na talaga ako :D”

At ayun, after class, nag-bonding kaming lahat. Ang saya diba? Best friend ko na ulit si Pamela.

(A/N: Yehey! Bati na ulit sila ni Ava! Buti naman, paso na ang utak ko sa kaiisip ng awayan scene eh. It’s time for PEACE naman hehehe... VOTE COMMENT AND PA-FAN NARIN PO KUNG GUSTO NYO! Thanks for reading and god bless!)

I Heart You Kuya [FIN]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora