Chapter 30: Meeting a new friend

2K 25 5
                                    

[Ava’s POV]

It’s been months since nung christmas celebration namin at nung magkabati kami ni Pamela and so far, masaya kami ngayong mag-babarkada at syempre ako, masaya nadin ako kahit kinakailangang umalis ni Chups dahil kailangan na nyang bumalik sa states. Si Pam? Eto, tuluyan ng nakalimutan si Chups kasi may lovelife na. Sino? Well, ang lang naman ni Alexa na si David. It all started nung gumala kami…

Flashback

Nasa mall grounds kami ng Barkada with Pamela ng biglang huminto si Alexa sa paglalakad dahil nagriring yug phone nya. After nung conversation nila nung nasa phone, nagyaya si Alexa sa Yellow Cab dahil dun daw nya imemeet yung pinsan nya na kakagaling lang ng States. Well, since mababait naman kaming mga kaibigan nya, sinamahan namin sya.

After naming dumating doon, nakita namin ang isang matangkad na lalaki. Ng tawagin sya ni Alexa ay kaagad namang lumingon yung David samin at lumapit samin. Isa-isa naman kaming pinakilala ni Alexa sa kanyang cousin.

“David this is Ava, Roxanne, Nicole, Ian, Keith, my boyfriend Kevin and our newest kabarkada, Pamela” at kay Pamela lang sya nakipag-kamay! Yiieeh! Alam ko namang kinilig ang aking bff sa kanya kaya pinabayaan na lang namin.

“Nice meeting you” at nag-smile naman sya kay Pam. Si Pam naman, ayun, nakatulala lamang si Pam at hindi mo maintindihan kung kikiligin ba or matatae or mapaparalize na ewan. Si Pam naman ang sumagot para samin.

“Nice meeting you too” at nagkamayan sila. Napatitig pa nga sila sa isa’t-isa kaya tinukso na namin. Si Alexa naman, happy para sa kanila kasi ngayon na lang daw ulit nya nakita na nagka-interes ang pinsan nya sa isang girl mula nang magbreak sila nung ex-girlfriend nya. Mas matanda daw kasi samin si David ng 1 year at nasa 1st year college na ito. Kaya daw ito umuwi ay para dito na sa Pilipinas i-pursue ang studies nito.

And after that meeting, palagi nang sumasama samin si David at last week lang, idineklara nito kay Pamela ang pag-ibig nito para dito. Syempre si sis naman, umamin na din pero nasa ligawan stage pa lang sila ngayon. HANGGANG NGAYON.

End of flashback

And so ito, ang aking best friend, may lovelife na. Oh diba? Halos lahat sa barkada meron! Meron din naman ako eh, hindi nga lang present. Hay, 2 weeks na lang at graduation na namin. Na-eexcite na ako. Ano kayang mangyayari samin ni Chups noh? 2 weeks na lang pala ang ipaghihintay ko at makakasama ko na ulit sya. Hay...

Nandito ako ngayon sa classroom at nagmumuni-muni ng biglang tumabi sakin si Pamela at inakbayan ako.

“Best! Oh, nanaginip ka na naman ng gising! Ay hindi maganda yan! Magmumukha kang tanga sige ka!” at binatukan ko naman sya. Itong babaeng ito, sagad talaga sa buto ang pagkabaliw. Well, baliw din naman ako eh, kaya nga kami nagkasundo eh :D

“Gaga! Iniisip ko lang naman si Chups eh” tapos nagsmile ako sa kanya. Sya naman, ayun, inasar pa ako ng inasar.

“Oy best, baka naman sa kakaisip mo dyan kay Kyle eh tubuan ka na ng pimples. Naku wag ka! Ikaw pa naman ang Face of the Year ng campus natin!” sabi naman nya na ikinatawa ko. Oo, may ganun dito sa university namin. By the end of the year, pinipili nila ang pinaka-magandang babae at pinaka-gwapong lalaki sa campus at yun ang ginagawa nilang best face of the year. Funny right? Well, hindi naman talaga ako interesado dyan eh. I just wanna live my life peacefully with the one i love the most.

Hanggang sa nag-ring na pala yung bell at ang ibig sabihin nun eh tapos na ang klase. Since tinatamad akong magpasundo sa driver namin, nagdesisyon na lamang akong maglakad kasi parang gusto ko ring mag-shopping eh. Hmm...

So ang ginawa ko, nilagay ko na ang books ko sa locker ko at nagsimula ng maglakad sa labas. Nakita ko ang iba’t-ibang botique ng mga branded na damit and i decided to go to each store at bumili ako.

I went to Lacoste, Chanel, Louis Vuitton, Calvin Klein and DKNY. After kong mag-shopping doon, may nakita akong isang jwelry store kaya nag-decide ako na pumunta at pumasok dun. Naglibot-libot ako ng tingin at may nakita akong isang magandang pendant na diamond tapos yung outline nya ang ganda.

See Picture below -------------à

Lumapit ako at nung kukunin ko na sana para ipakita dun sa sales lady, biglang may humawak din nung necklace na kukunin ko sana kaya nagkasabay kami ng paghawak.

Itinaas ko ang tingin ko at nahinto ako ng saglit. Wow. Ang gwapo naman neto. Nakatingin lang ako sa kanya tapos tumingin din sya sakin at nag-smile.

“Ah, kukunin mo ba ito miss?” tanong nung lalaki. Tumango naman ako.

“Ah ganon ba? Sige sayo na lang” At binitawan nya yung pagkakahawak ng kamay nya sa necklace na yun at tumingin-tingin ng ibang necklace. Nahiyan naman daw ako kaya lumapit ako sa kanya at tinapik sya. Tumingin naman kaagad sya sakin at ngumiti.

“Ahm, thank you nga pala” sabi ko sa kanya tapso nagsmile sya. Iniabot naman nya sakin yung kamay nya.

“You’re welcome miss. By the way, I’m Aster” at ngumiti sya. Seriously, this boy is like, super gwapo pero mas gwapo parin ang chups ko. Tinanggap ko iyon at nakipag shake-hands sa kanya.

“I’m Ava” sabi ko. Tumingin sya sa relo nya at parang nagmamadali.

“I have to go. Nice meeting you Ava” At umalis na sya...

That was an interesting guy...

(A/N: OMG! Sino si Aster at ano ang magiging papel nya sa story ng mga bida natin?! Let’s find out na lang sa mga susunod na chapters! Sorry sa matagal na update. Busy sa school eh. VOTE and COMMENT po kayo! Thank you!)

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon