Chapter 20: The Truth

2.8K 38 6
                                    

[Pamela’s POV]

She thinks she’s better than me? I don’t think so! Kung nagtataka kayo kung nasaan na ang dating Pamela na best ni Ava, wala na sya! Ibang Pamela na ang nasa harapan ninyo ngayon! I’m already tired of living under her shadows! Palagi na lamang si Ava this and Ava that! Sya na lang palagi ang nakikita ng iba!

Si kyle na nga lamang ang meron ako, inagaw nya pa! Well, hindi ako magpapatalo sa kanya! I’ll do whatever it takes to bring Kyle back to me!

I’ll think of a better plan!

Be prepared Ava because you’re really gonna get it this time!

[Kyle’s POV]

“Chups, may sasabihin ka ba sakin?” tanong ko kay Ava. Nandito kami ngayon sa kwarto nya. Tumawag kasi sya sakin kanina eh. May sasabihin daw syang mahalaga sakin.

“Chups, diba alam mo naman na mahal na mahal kita?” sa halip na sa sagutin ang tanong ko, tinanong nya lamang ulit ako…

“Syempre naman!”

“Chups, basta kahit anu mang mangyari mangako ka sakin na hinding-hindi tayo maghihiwalay. Kahit ano pang pag-subok ang maranasan natin. Promise me that we’ll always be faithful to each other” pagkatapos noon ay humarap sya sakin at hinawakan ang mga kamay ko.

Napatingin naman ako sa kanya noon. Namumula sya ng husto at parang papa-iyak na naman.

“Ava... may problema ba?” parang nagulat naman sya sa tanong ko. Inilayo nya sakin ang tingin nya.

Hinawakan ko naman ang mga pisngi nya at iniharap sya sakin. Tiningnan ko sya sa mga mata.

“Honestly Ava, ano bang problema?” tanong ko sa kanya. Tuluyan ng tumulo ang mga luha nya.

“I’m sorry... I’m sorry hindi kita kayang protektahan. I’m sorry i can’t fight her anymore. I’m sorry dahil wala akong magawa para sating dalawa... I’m sorry Kyle... I’m sorry”

“Teka... Naguguluhan na ako Ava. Ano bang problema?”

“S-si Pamela.. S-she knows about u-us” natulala naman ako ng mga oras na iyon. Kaya pala she’s acting weird around us.

“Sabi nya sakin, kung hindi daw ako makikipag-break sayo, sasabihin nya daw sa parents natin na tayo na and i don’t want that to happen. Ayokong masira ang image nila. Hinamon nya ako na patatagan ng loob pero i think wala na akong magawa. I don’t know how much will i last”

Niyakap ko naman sya ng mahigpit.

“Shhh.. Stop crying Ava. Kahit pagbalibaliktarin pa ni Pamela ang mundo. I’ll always fall in love with you. Don’t worry, we’ll work things out. Kahit pa sabihin ni Pamela kay mommy and daddy ang tungkol satin, i don’t care. Ipaglalaban kita. No matter what happpens, i’m always at your side” pagkatapos noon, hinalikan ko ang noo nya. Lalo namang humigpit ang yakap nya sakin.

“Salamat Kyle... Salamat”

Kakayanin natin to Ava. I know, LOVE WILL FIND A WAY....

(A/N: Sorry po readers kung masyadong maikli tong chapter na ito. Wala na akong maisip na ibang scene eh. VOTE AND COMMENT NA LAMANG PO!!)

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon