Chapter 5: My secret crush

4.4K 66 10
                                    

[Kyle's POV]

Kakatapos ko pa lamang magshower at nakabalot pa yung tuwalya sa bewang ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si AC. Bigla naman natigilan ang kapatid ko nang makita ako. Parang nakakita ng multo? Sus! Ang gwapo naman ng multong ito!

"Hoy! Anung nanyari at tulala ka dyan?" sabi ko na sa kanya ng mapansin ko na tulala talaga siya. Tapos saka lang sya napapitlag at nagsalita

"Eh kuya kasi! Bakit ganyan ang suot mo! Nakatapis ka lang!"  sabi niya sakin.

"Eh sino ba naman ang may sabi sayo na pumasok ka sa boy's locker room?!"

"Sorry naman! Edi lalabas na!" pagka-sabi niya noon ay lumabas na siya.

Dali-dali naman akong nagbihis at saka lumabas.

[Ava's POV]

 Lumabas na ako at sinara ang pinto saka sumandal dun. Wow grabe! Hindi ko inaasahan na ganon ang makikita kong senaryo! Kahit pa ba kuya ko yon, lalaki pa rin yon! >////////////////////////////////<

It's so embarrassing! Grrrr, nakita pa ako ni kuya! Shets!

Habang naka-upo ako sa bench, bumukas naman ang pinto ng boy's locker room at lumabas na si kuya. Tumingin naman siya sakin at.......

O___O

Nag-blush si kuya?! Totoo ba ito? nagbu-blush si kuya? Bakit? Sobra ba siyang nahihiya dahil sa nangyari kanina? Ewan ko rin but i felt na parang uminit din ang mga pisngi ko. Nang dumating na ang driver namin, sumakay na kami ni kuya.

Awkward kami ni kuya sa sasakyan maging pag-dating namin sa bahay ay hindi kami masyadong nagsasalita sa isa't-isa. Hanggang sa pagkain ng dinner wala talagang kumikibo. NApansin ata kami ni yaya kaya nag-salita siya..

"CK, AC, may problema ba kayong dalawa?" concerned na tanong ni yaya sa amin

"Wala po" nagkasabay pa kami ni kuya. Nagkatinginan kami tapos ay sabay din namang binawi ang tingin namin sa isa't-isa. Grabe! Hindi ko na talaga ma-take toh! Todo iwas sakin si kuya pagkatapos naming kumain. Naisipan ko na lang na kausapin yung yaya namin tungkol sa sitwasyon namin ni kuya..

"yaya, may-ihihingi ako sayo ng advice.."

"Ano yun?"

Pagkatapos nun ay ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari. Natawa pa nga siya nung sinabi ko sa kanya na naabutan ko si kuya sa boy's locker room na naka-tapis lang! Echoserang yaya to! Kung makatawa wagas! hanggang sa matapos ko na ang kwento ko.

"Alam mo, humingi ka na lang ng sorry sa kuya mo para hindi na magalit.."

"Sa tingin mo yaya galit siya?"

"Hindi naman sa ganun pero mas maganda pa rin kung hihingi ka ng sorry sa kanya.."

"Okay.."  saka ako nag-pout. Si kuya kasi nasa kwarto niya at nag-papahinga, hindi pa rin siguro maka get-over sa mga pangyayari. Syempre, mabait naman ako kaya mag-sosorry na lang ako sa kanya...

-------*

Nung nasa harapan na ako ng kwarto niya, kumatok ako pero walang sumagot. Kumatok ulit ako pero wala na namang sagot. Nainis na ako kaya pumasok na lang ako sa kwarto niya. Medyo madilim sa kwarto ni kuya. Nung binuksan ko ang ilaw nakita ko ang kalat sa kwarto niya.. Nakita ko rin si kuya na nakahiga sa higaan niya at natutulog..

(Picture ng kwarto ni Kyle ---------------------------------->)

Ang cute talaga ng kuya ko   >/////////////////////////<

Pinuntahan ko siya at tinapik ang balikat.

"Kuya gising..."

"Hmmmm..." umungol lang siya. Tulog mantika talaga!

"Kuya gising na!"

"Mamaya.."

"Gising na..."

"Ayaw pa..."

"GISING NA KASI!!!" hindi na ako nakatiis at binatukan na siya. hehehe nagising tuloy at parang gulat na gulat.

"Bakit mo ginawa yun?!"  medyo naiinis niyang tanong sakin

"Kanina pa kita ginigising eh, ayaw mo lang gumising kaya binatukan na lang kita.."

"Aish, napaka-brutal mo naman kasi! Mang-gigising lang kailangan pang may batok sa ulo!"

"Gusto ko lang naman sanang mag-sorry.."

"Para saan?"

"Para dun sa nangyari kanina.." tapos umupo ako sa gilid ng kama niya.

"Sorry na talaga kuya.."

"Okay lang yun. hindi mo naman sinasadya. Sorry din nasigawan kita"  ako naman sa sobrang tuwa ko, niyakap ko na lang si kuya. Niyakap din naman niya ako. Nang bumitaw na siya, bumitaw na rin ako. Mas gusto ko pa sanang tumagal kaso bumitaw na si kuya eh =_=

Tinanong ko na lang si kuya..

"Kuya, meron ka bang girlfriend ngayon?"  tanong ko sa kanya. Curious ako eh!

"Wala"

"Eh crush?"

"Hmmmm...."

"Ano?"

"Meron.."  bigla namang gumuho ang world ko. So may crush pala si kuya.. Ang swerte naman nung girl..

"Pero.."  pagdudugtong nya..  "Pakiramdam ko dapat  hindi ko sya maging crush eh, kasi mali"

"Pano naman naging mali yun kuya?"

"Basta. Eh ikaw? Meron ka bang crush?"

"Wala pa sa ngayon kuya eh kaya ikaw muna.." sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at nginitian ko lang siya.

"Ikaw muna ang secret crush ko.."  bulong ko sa sarili ko..

(A/N: Eto na po ang chapter 5 ng I Heart You Kuya sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa. Like nyo ba yung chapter ngayon? Comment and vote na lang po kau para naman may feedbacks kahit papano. Medyo bored po kasi ngayon si Author at walang inspirasyon kaya yan lang muna sa ngayon. Sana magustuhan nyo)

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now