Chapter 42: He's Gone

1.2K 20 0
                                    

[Ava’s POV]

So eto nga, 3 weeks ko nang binabantayan si Kyle pero… wala pa rin eh. Hindi parin sya nagising. Minsan nga, iniisip ko, sa bawat iyak at pakiusap ko kaya sa kanya, naririnig nya ako? Kasi sa totoo lang, ayokong umayaw.

Ayaw kong sumuko.

Ayokong panghinaan ng loob…

Kasi may tiwala ako kay Kyle. Alam kong hindi nya ako iiwan. Mahal nya ako eh kaya hindi nya ako iiwan. Katulad ngayon, inilipat na kasi si Kyle sa panibagong room. Actually, inilipat sya sa private room kaya medyo mas kumportable na sya at yung ibang visitors nya. Nanggaling na dito ang barkada last weekat bumibisita naman sila twice or thrice a week so okay naman sakin. Hindi rin naman ako lonely dito kasi nandito naman and iPad, cellphone, tablet at kung ano-ano pang gadgets ko kaya hindi ako bored.

Naka-upo ako ngayon sa tabi ni Kyle, pinagmamasdan sya habang hawak-hawak ko yung kamay nya. Ayos naman sya eh, gwapo pa rin… yun nga lang, pumayat ng konti pero wala naman syang mga peklat or sugat sa mukha. Konting injury lang naman talaga inabot nya kaso ayun nga, medyo traumatic daw yung event para sa kanya so hindi kinaya ng nervous system nya kaya nag-shut down eto kaya sya na-coma…

Ang sakit lang eh…

Yung nakikita mong naghihirap yung taong mahal mo pero wala ka namang magawa para mabawasan yung paghihirap nya…

Pinahid ko yung luha na natulo mula sa mata ko at hinawakan ang kamay ni Chups.

“Chups, gising ka na… miss na kita eh…”

“…..”

“Naaalala mo pa ba nung Christmas at nung birthday ko? Hindi ko talaga inaasahan na pupunta ka kahit busy ka…” sabi ko ng medyo may pagka-hina.

“Kinantahan mo pa nga ako diba?” napatawa naman ako ng bahagya dun. I interlaced my fingers with him tsaka ako kumanta.

“S-sampung mga daliri nawala ang lima… hinanap ko.. h-hinanap… nasayo pala…” at napaluha na naman ako tsaka ko hinalikan yung kamay nya ng biglang magbeep ng mabilis yung box na nagdedetermine ng buhay ng tao and next thing I knew…

Nag-flat na yung line….

Wala na sya…

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now