Chapter 23: The Reason

2.5K 33 8
                                    

[Kyle’s POV]

“You’re adopted Kyle”

A-ano daw? A-adopted ako? Bigla na lamang akong nanlumo at napauppo sa sahig. Ampon ako? Kelan pa? Sino ang mga tunay kong magulang? Hindi ko alam pero punong-puno ng mga katanungan ang utak ko ngayon.

“D-dad, y-you’re not serious are you?” at tinitigan ko sya ng isang mapanuring tingin. Parang hinihingi ko na bawiin nya yung sinabi nya. Na sabihin na joke lang ang lahat pero hindi. Umiwas ng tingin sakin si Dad at tsaka tumango.

Parang gumuho ang buong mundo ko...

“Bakit?! Bakit hindi nyo kaagad sinabi sakin!!” medyo sumisigaw na ako noon. Hindi ko alam pero galit na galit ako ngayon. All this time, ang daming pag-hihirap ang naranasan ko only to find out na ampon pala ako!!

Hindi sumagot si Dad at imbes ay inalis lang sakin ang tingin nya.

“Kyle, let us explain...”

“NO!!! AYOKO MUNA KAYONG MAKITA! I WANT TO BE ALONE!!” at pagkasabi ko noon ay tumakbo ako papuntang kwarto ko at isinara ito. I feel so betrayed! Bakit hindi kaagad nila sinabi sa akin? Bakit kailangan pa nilang paabutin ng ganito?!?! Bakit?!?!!!

[Ava’s POV]

“Kyle sandali!” susundan ko na sana sya nang biglang hawakab ni Daddy ang braso ko.

“Let him alone Ava. He needs time to re-think this one out” sabi sakin ni Dad. Kahit ako, hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Dad. Si Kyle ay ampon? Hindi kami magkapatid? Ibig sabihin, pwede maging kami?

“Dad, totoo po ba na ampon lang si Kyle?” tanong ko kay Dad. I need to know the truth!

“Yes”

“Kung ganoon, sino po ang tunay na mga magulang ni Kyle?”

“Kyle’s parents are a very close friend of mine. He is the son of Mr. Stanford Monteverde and Richelle Monteverde ang may-ari ng Monteverde Group of Companies”

“Monteverde Group of Companies?! Hindi ba sila ang pinaka-malaking trading company dito sa buong Pilipinas??” manghang tanong ko kay Dad.

“Yup. At dahil mayaman sila at napaka-sucessful pagdating sa business industry, marami silang kaaway at isa na doon si Armano Ponce na may-ari ng isang companyang nabili ng Monteverde Group of Companies. Nagbigay siya ng death threat kay Stanford at Richelle na papatayin daw ang kanilang magiging anak. Dahil sa takot, ipinagkatiwala muna samin si Kyle nina Stanford nung ipanganak ito at palabasin daw muna na anak namin ng mommy mo so we make up a story na kambal kayong dalawa. Sinabi din nila sa media dati na nawawala ang kanilang anak na lalaki kaya walang nagawa si Armano. Kagabi ay tumawag sila samin ng mommy mo at sinabing nahuli na daw si Armano at gusto na nilang bawiin si Kyle”

“What?! Babawiin na nila si Kyle?” tumango naman si daddy. No! This is bad! Pag-binawi nila si Kyle, there’s a possibility na hindi ko na sya makita pang muli! And i won’t let that happen.

“Dad please, huwag mong ibigay si Kyle sa kanila...” at doon ko lamang na-realize, umiiyak na pala ako. I really don’t want to lose Kyle. Lalo pa ngayon na alam ko ng hindi talaga kami tunay na magkapatid. Ngayon na alam ko nang pwedeng maging kami. Bakit ka ba ganyan Destiny? Masyado kang complicated!

“Ava, talk to him...” napatingin naman ako kay Daddy noon.

“Po?”

“Go to him and talk to him. Make his mind clear” at as soon as i get what he said, dali-dali akong tumakbo sa room ni Kyle at kumatok.

*tok tok tok

“Chups?”

*Tok tok tok

“Chups?”

*Tok tok tok

“Chups!”

*tok tok tok!

“Anak naman ng tokwa oh! Chups buksan mo to!” at nang hindi parin nya binuksan ay sinipa ko yung pintuan nya and voila! Nabuksan ko na ang pintuan nya! Pumasok ako sa loob at tiningnan ang paligid.

At nagulat na lamang ako sa nakita ko....

Nakahandusay sya sa sahig...

Walang malay...

“Chups!”

(A/N: Hala! What happened to Kyle? Bakit sya nakahandusay sa sahig? Grabe naiintriga talaga  ako dito sa story ko! Please VOTE COMMENT AND FAN NARIN PO! SALAMAT PO SA PAGBABASA!!)

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon