Chapter 32: Bonding Time with Aster

2K 20 5
                                    

Meet papa Aster! XDD Since ayaw kong agawan si Kyle kay Ava, i'll just admire Aster! Chos! khayce098, enjoy this chapter!! :DD

Aster beside ------------------------------>

=======================================================

[Ava's POV]

So ayun nga, hindi pa kami umuwi kasi masyado pang maaga. Nag-decide kaming manuod ng sine since wala naman kaming ibang papanoorin. Nanood kami ng "Sisterakas." Syempre, bumili muna kami ng popcorn and drinks. Nakapila ako at si Pamela sa ticket line habang sina David at Keith naman sa snack bar. Dumating na yung turn namin at nag-smile sakin yung cashier.

"Yes? How may i help you?" tanong nya samin. Nginitian ko rin sya at iniabot ang cash sa kanya.

"10 tickets po sa Sisterakas" sabi ko naman sa kanya. Ngumiti ulit sya saka nya ako binigyan ng 10 tickets at sukli. After nun, nagpasalamat ako sa kanya at naglakad na kami papunta kayna Keith. After nun, pumasok na kami ng cinema 1 at naghanap na ng pwedeng upuan. Well, since lovebirds nga sila, ayun, nagtabi-tabi sila.

Ako, eto since kakilala ko naman si Aster, kami na lang yung nagtabi. Ayun, habang nanood, tawa lang kami ng tawa. Kumuha narin kami ng sarili naming popcorn kasi hindi magtatagal yung popcorn nina Pamela. Tinitingnan na nga nila kami kasi halos mautas na kami ng katatawa pero dinedma na lang namin sila.

Bakit? Sila lang ba may karapatang tumawa at magsaya?? XDD

Hanggang sa matapos na yung movie, utas parin kaming dalawa. Nandun na kami sa looby ng cinema at pinapakalma na yung sarili namin. Sila naman, nakatingin lang samin ni Aster.

"Grabe si Vice ha! Laughtrip ako!" sabi ko na medyo humahalakhak pa. Tumatawa din si Aster. Malma palang tumawa itong lalaking ito. Hanep! Kahit mamatay-matay na sa katatawa, ang gwapo pa rin!

"I know! He was hilarious!" comment naman ni Aster. Well, friends na kami ngayon kasi kanina, habang nanunuod kami, nagkakwentuhan na rin kami. Nalaman kong marami pala kaming pagkakatulad. We both like happy endings at mahilig kami pareho sa sports at music. Although soccer ang sports na nilalaro ni Aster, okay lang kasi relate naman kami sa mga isyung sports.

"Sabi ko na nga ba magkakasundo kayong dalawa eh. Pareho kasi kayong baliw!" comment naman ni David. Binatukan ko naman siya at nagtawanan kaming lahat.

"Hoy! FYI ha! Hindi ko kasalanan na kung sa kabaliwan eh magkasundo kami ni Aster! Aba, eh sa pareho kaming baliw eh, ano ba magagawa ko?!" panenermon ko sa kanila. Tumango na lang sila at tsaka ulit tumawa. Hay, ang sarap ng feeling na may new friend ka na sobrang kasundo mo. Ayun, nagdecide kaming umuwi na. Well, naka-day off ngayon ang driver namin so kinakailangan kong mag-commute pauwi. T_________T wala pa naman akong kasama!

Syempre ang mga bruha, hinatid ng kanya-kanyang boyfriend. Si Pamela ayun, ihahatid na ni David. Pinapasama na ni David si Aster sa kanya pauwi pero tumanggi si Aster.

"Oh bakit bro? Ayaw mo pang umuwi?" tanong nya kay Aster. Umiling naman si Aster tsaka nagsmile sa kuya nya. Cute nya nga eh, parang aso lang! XDD

"No kuya, i just realized na walang kasama si Ava pauwi. Mind if i escort her back home?" tanong nya. Nagkatinginan naman si David at Pamela tsaka ngumiti sa isa't-isa.

"Sure, muntik ko ng makalimutan, wala nga pala dito yung maghahatid kay Ava" sabi naman ni Pamela tsaka siniko si David.

"Ah oo nga. Sorry. well sunod ka na lang pauwi ha? I'll just text you the address" sabi naman ni Davod tsaka kumaway samin at umalis. Kami naman, ayun naiwan dun sa may mall. Tumingin sya sakin at ngumiti.

"So, ihahatid na kita Ava. It's getting late narin eh" sabi nya. Tumango naman ako sa kanya and i flashed a beautiful smile.

"Salamat Aster sa concern ha? I appreciate it so much" sincere na sabi ko and i mean it. Nagpapasalamat talaga ako ngayon. Ngumiti naman sya sakin at ginulo ang buhok ko at tsaka tumawa ng mahina.

"It's alright Ava. Safety is always first lalo na at isa kang babae" Awww. Ang sarap pala talaga ng may friend ka na lalaki. May magtatanggol sayo kapag kailangan mo na ang tulong.

"Thank you talaga Aster. I swear, i'm really happy that i met you"

"Your welcome. I'm really happy that i met you too..." at ayun, pumara kami ng taxi at binigay ko yung address ng bahay namin sa driver. After nya akong maihatid, binayaran nya yung taxi. Aww, such a gentleman.

"So pano ba yan. Dito na ako. Salamat uli Aster ha. I really enjoyed our time together" sabi ko sa kanya at nagkipag-shake hands ako. Wow, for a boy, ang lambot ng mga kamay nya ha. Ngumiti naman sya sakin and he ruffled my hair.

"Wala yun. I really enjoyed your company too Ava. I hope that we can be bestfriends?" tanong nya. Tumango naman ako at nginitian sya.

"Oo ba! Walang problema sakin yun!"

"Great! So, see you tomorrow?" tanong nya. Tumango naman ako.

"Okay! See you tomorrow" at tuluyan na syang nagpaalam. I watched his walking figure slowly walking away. Hmmm, napaka-manly ng aura nya at isa syang true gentleman. Ngumiti ako sa sarili ko at tsaka masayang pumasok sa loob.

Aster Jake Cuevas, i'm glad i made a new friend sa pagkatao mo...

===========================================================

(A/N: Oh ayan ha! Sorry po sa matagal na update! You know, 4th grading na at kailangan kong mag-ayos sa aking studies or else, goodbye wattpad T_______T Anyways, ayan meet Aster Jake Cuevas, ang newest bestfriend ni Ava Courtny Villamayor! Pero wait!!! --------------- THERE'S MORE TO COME.....)

VOTE

COMMENT

AND BE MY FRIEND!!! XDD <///3

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon