Chapter 6: Secret Admirer?!?

4.4K 67 15
                                    

[Kyle's POV]

Ikaw muna ang crush ko.....

Ikaw muna ang crush ko.....

Ikaw muna ang crush ko.....

Ikaw muna ang crush ko.....

Ikaw muna ang crush ko.....

Ikaw muna ang crush ko.....

Argh! Anu ba yan! Hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabing yun ni AC. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Para akong kinikilig na ewan dun sa sinabi niya? Oo, aaminin ko, siya yung crush ko kahit medyo mali pero ang ibig sabihin lang naman nun ay hinahangaan ko siya. Wala namang masama sa paghanga sa kakambal mo diba?

Nandito na ako ngayon sa kwarto at nakahiga sa kama. Hindi talaga matanggal sa isipan ko yung sinabi ni AC. So what naman ngayon kung crush nya ako? Pang-samantala lang naman ang sabi niya diba? Ang sabi niya habang wala pa daw syang crush ako muna kaya dapat wag akong assuming! Hay naku! Anu ba yan, daig ko pa ang bakla kung kiligin pero hindi ako bakla promise!

Magmumuni-muni pa sana ako pero bigla akong dinalaw ng antok kaya hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako...

-----------*

*krrrriiiiiiiinnnnnngggggggg!

Nagmulat ako ng isang mata at tiningnan ang alarm clock ko.

4:30 am

Hmm. Maaga pa pero sinadya kong gumising ng maaga para hindi na ako ang hinihintay ng driver namin. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ako ni yaya at sinabihan akong gisingin na lang si AC. Ako naman ay parang sunud-sunuran na umakyat ulit at nagtungo sa kwarto ni AC. Binuksan ko iyon at nakita kong natutulog pa si AC. Tinitigan ko na lang ang kanyang napaka-gandang mukha hanggang sa hindi ko namalayan papalapit na pala ng papalapit ang mukha ko sa kanya ng biglang...

*tsup

O_O

Anong ginawa ko! Hinalikan ko siya! Nakita ko naman siyang umiktad at nag-unat sabay mulat ng mata.

"gigisingin na sana kita eh.."

"sorry kuya ha.. sige tara na"

[Ava's POV]

 AC below ----------------------------------------------->

Ang weird ng panaginip ko! HInalikan daw ako ni kuya! Para namang mangyayari yun noh?! Pag-gising ko naman ay nakita ko ang mukha ni kuya na malapit na sa mukha ko. NAmula tuloy ako.

"gigisingin sana kita.."  sabi niya

Ayun naman pala eh! Gigisingin lang, wag ka ngang assuming!

"sorry kuya ha, sige tara na.."  pagkatapos nun ay bumaba na kami ni kuya.

------*

Pagdating namin ni kuya sa school, kaagad naman kaming pumasok sa classroom namin nang biglang nagtinginan sakin yung mga kaklase namin. Kahit medyo naguguluhan ako ay dumiretso na lang ako sa upuan ko, uupo na sana ako nang mapansin kong may isang boquet ng pink roses at isang letter na nasa stationary na lilac.

Hmmm... Pano kaya nalaman ng nagbigay ng sulat na lilac ang favorite stationary ko? Ang weird at sino naman kaya ang nagbigay nito?

kinuha ko ang sulat at binuksan iyon. Binasa ko ang laman.

Dear Ava,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at pagsasabi sayo kung gaano ka ka-importante sa akin. Alam kong minsan ay naiinis ka na sa akin pero sana pagpasessyahan mo na ako dahil kung hindi kita aasarin baka mahalata mo ang feelings ko para sayo. Siguro pwede mo akong sabihan ng corny dahil totoo naman talaga na corny itong ginagawa ko pero sana kahit papano pakinggan mo ang sasabihin ko.

Ava, mahal na mahal kita. Hindi ko alam kung kelan ito nagsimula at kung paano to nangyari pero gumising na lamang ako isang araw na ikaw ang hinahanap-hanap ng puso ko at ikaw ang isinisigaw ng puso ko. Okay lang kahit hindi mo ako mahalin ng pabalik. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo rin ako. Ang sa akin lang eh sana pabayaan mo akong mahalin ka ng palihim at sana huwag mo munang alamin kung sino ako dahil sa pagsusulat pa lamang nito ay naubusan na ako ng lakas ng loob kaya hindi muna ako magpapakilala sayo, pero sana tandaan mo na mahal na mahal kita at magpapakita rin ako sayo sa tamang pagkakataon.. I Love You!

Love,

Your Secret Admirer

O_O

>////////////////////////////////////<

Anu ba yan! BAkit bigla akong kinilig? Isa lang naman itong sulat galing sa isang taong hindi ko naman ata kilala.. Pero bakit ganoon? Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang tatalon ito mula sa kinalalagyan nito. Tumingin naman ako kay kuya at nakatingin lang din siya sakin at naka-ngiti pa. Anung problema nito?

"Wow! KAnino galing yan?" hindi ko ba maiintindihan kung nangaasar o natutuwa si kuya? Ang weird grabe!

"Wala! Pero sabi niya secret admirer ko daw siya.."

"Sus! Style niya bulok! IF i know, popormahan ka lang niyan"

"And so? Wag ka nga maki-alam kuya! t's none of your business!"

"Okay! anu ba yan! Ang aga-aga ang sungit mo! Pano ka ba nagustuhan ng secret admirer na yan?!"

"Siguro may nakita siya sakin na wala sa iba.."

Pagkasabi ko noon tinitigan ko ulit yung sulat. Kinikilig talaga ako ng sobra! My gosh! First time na may nag-effort ng ganito para sakin! Lumingon ako sa paligid pero wala namang kahina-hinalang lalaki. Ibinulsa ko na lang yung sulat.. Kumuha ako ng papel at sinulatan ko siya pabalik..

Salamat secret admirer dahil ipinaramdam mo sakin ang mahalin. Okay lang sakin kung hindi ka muna magpakita ngayon pero sana, someday, magtapat din ang landas natin... :)

Nung awasan na kami, iniwan ko yung letter ko sa upuan ko. Sigurado akong makikita nya yon. Noong nasa malayo na ako at papaalis na ako, may nakita akong pumasok sa room na lalaki pero hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil kay PAmela na humarang sakin..

"Hoy AC! Tara na uwi na tayo!"

"Teka sandali lang..." pagkatapos noon ay tinakbo ko yun layong iyon para makita kung sino ang secret admirer ko pero pagpasok ko ng room, wala nang tao pero may nakita akong papel na naka-tape sa upuan ko na nagsasabing..

Walang anuman, basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo para mahalin ka...

Kinilig na naman ako! Grabe! Lumingon ulit ako sa paligid para hanapin kung may tao pero wala na talaga. saka naman sumulpot si Pamela sa tabi ko..

"Ang bilis mong tumakbo, napagod ako.."  pagkatapos mula sa labas may kumatok. Napalingon naman ako at inaasahang secret admirer ko na iyon pero nagkamali pala ako..

Si kuya lang pala =_=

"Tara na, hinihintay na tayo ni manong driver.."

"Okay.." pagkatapos noon ay sumunod na lang ako kay kuya tapos umuwi na kami..

(A/N: Nagustuhan nyo po ba yung chapter? Sorry late na po ako nakapag-update kasi busy po ako sa school namin.. Comment ang like na lang po kayo kung nagustuhan nyo po ang chapter na to, abangan nyo na lang po ang i-uupdate ko pagkatapos nito..)

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon