Chapter 4: Highschool Life <3

4.7K 67 16
                                    

[Kyle's POV]

Nandito ako sa sofa at nakatingin sa dalawang naghaharutan na si Keith at Ava.

Sige! Magharutan pa kayo! Ni hindi nyo ako pinapansin dito, iniwan nyo pa ako dito sa Pamela na ito! Mag-enjoy lan kayo ha habang ako nagdurusa dito!

Sarkastikong sabi ko sa utak ko pero hindi ko naman masabi-sabi sa kanila kasi nakakahiya naman. Ewan ko ba pero pagnakikita ko silang dalawa na masaya at nagtatawanan, bigla na lang sumasakit o kaya naman ay kumikirot ang dibdib ko, bakit ba ganun? Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko..

Tumayo naman ako at dumiretso ng kitchen. Kumuha ako ng juice at ininom ko, habang umiinom naman ako, biglang may sumulpot sa likod ko kaya nagulat ako. Muntik ko na tuloy mabasag yung baso na hawak ko.

"Ano ba?! Pano kung nabasag yung hawak ko na baso?" napatigil naman ako sa pagsasalita nung makita ko sa harapan ko si Ava.. Mukhang nagulat sa biglaang pagtaas ng boses ko ah..

"AC, ikaw pala yan. Hindi ka naman agad nagsalita.." sabi ko saka ako nagpakawala ng buntong hininga.

"Sorry kuya ha, hindi ko naman sinasadyang gulatin ka eh, nakita ko kasi na umalis ka eh akala ko bad mood ka, sasamahan sana kita pero mukhang mas gusto mo ang mapag-isa, sige puntahan ko muna si Keith" saka siya umalis. Ay shets! Anu ba yan! Tinawag ko siya pero hindi na siya lumingon, mukhang nasaktan ata eh.

Nang kaka-kain na kami ng tanghalian, naglaro kami ng spin the bottle. Oh diba? Spin the bottle ang laro namin =))

Habang naikot yung bote, tumapat ito kay Keith. Ngumiti naman si Pamela ng nakakaloko. Haha, anu kaya ang ipagagawa niya kay Keith..

"Keith.." sabi ni Pamela

"Eto ang dare mo, isigaw mo dito sa buong bahay na mahal na mahal mo si Ava"

"Mahal na mahal kita Ava Courtny Villamayor!!" pagsigaw ni Keith sa bahay namin. Bigla na namang nag-init ang ulo ko... Mabilis namang lumipas ang panahon..

[Ava's POV]

Mabilis nga ang paglipas ng panahon. Hindi na lang namin namalayan ni kuya na first year highschool na pala kami. Syempre, ngayon matanda na kami, nagka-separate na ang mga kwarto namin pero ganun parin naman kasi magkatabi lang ang kwarto namin.

(Picture ng kwarto ni Ava below ---------------------------->)

Sabi nila sobra naman daw ang kagandahan ko at ako ang naging campus sweetheart samantalang si Kuya CK naman ang campus hearthrob kahit na freshman pa lamang kami.

Sa ngayon, marami akong manliligaw at pati na rin mga stalkers. Syempre sabi ni kuya hindi naman daw maiiwasan yun kasi sobrang ganda ko daw. Siya rin naman eh, kung makatitig nga yung mga babae sa kanya parang kakainin na siya.

Papasok na kami ni kuya ng classroom namin kasi magkaklase ulit kami at what's worse? Kaklase pa rin namin si Keith at Pamela. SI Keith naman ngayon ang 2nd hearthrob sa school namin kasi sobrang gwapo rin niya pero syempre mas gwapo pa rin ang kuya ko.

Pagkapasok namin ni kuya ng room, agad naman siyang niyakap ni Pamela.

"Kyle my labs! Buti naman at maaga ka ngayon at hindi mo inuna ang basketball practice nyo!"

"Pamela, tigilan mo muna ako please, medyo masakit ang ulo ko eh" saka kami umupo sa upuan namin. Magkatabi lang kami ni kuya kasi gusto ni kuya na palagi kaming magkatabi sa upuan kaya ang mga teachers namin no-choice kundi sundin na lang ang request nya since effective ang charm niya sa mga teachers dito lalo na sa principal namin.

Nang mag-lunchbreak naman, pumunta na kami ni Kuya sa canteen, habang naglalakad ako, biglang may umakbay sakin. Napatingin naman ako sa umakbay sakin.

"Keith ikaw pala" hindi na ako nasurprise, kalat na kasi sa buong campus namin na manliligaw ko si Keith at simula nung kumalat yun, medyo uminit ang dugo ni Kuya kay Keith. Hindi ko alam kung bakit basta bigla na lang nangyari yun..

Nang natapos na kaming kumain, bumalik na kami sa room, mabilis namang lumipas ang oras at hindi ko namalayan na awasan na pala. Syempre ako, hindi agad ako uuwi dahil kailangan kong mapanuod si Kuya na mag-practice ng basket ball.

"AC, tayo na! Mag i-start na yung practice game nina Kyle my labs!" sabi ni Pamela sabay higit sakin. Habang papunta naman kami sa gym, napapansin kong marami na namang lalaki ang ngumingiti sakin. Syempre, hindi ko na lang pinappansin kasi sanay na naman ako.

Nang dumating na kami dun, nakita ko na simula na pala yung practice game nina kuya, nakita ko pa nga siya na naka-shoot ng 3 points eh. haha kahit kasi freshman pa lamang si kuya eh sobrang galing na niya sa basketball kaya naging rookie siya. Pagkatapos naman niyang maka-shoot ng 3 points, nag-iritan naman yung mga babae at kasama na dun si Pamela pero ako, nakatingin lang ako kay kuya.

Para kasing may kung ano na nagtutulak sakin na titigan si kuya ng mas matagal pa. Pagkatapos ay bigla siyang napatingin sa direksyon ko saka ako nginitian. Pakiramdam ko naman, tumigil ang buong mundo ko noong nginitian niya ako.

Natapos naman ang game nila at nanalo sina kuya. Pagkatapos noon ay dumiretso ang team sa boy's locker room tsaka nagbihis. Nang makasiguro naman akong naka-alis na ang lahat at si kuya na lang ang nasa locker room, binuksan ko naman ang pinto.

"Kuya congrats!" pero napatigil naman ako sa nakita ko...

(A/N: Ayan, ito na po ang 4th chapter ng I heart you kuya. Anu kaya ang nakita ni Ava sa boys locker room at nagulat siya? Multo ba? Joke! Hindi naman to horror eh! Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Vote and comment na lang po kayo.. PA-fan na rin po ako kung gusto nyo :*>  )

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now