Chapter 12: Confession and courting my little sister

3.7K 56 11
                                    

[Kyle's POV]

2 months na simula nung makipag-break ako kay Pamela at ngayon, palagi akong nakiki hang-out kasama sina Keith at Ava at ngayon, nandito kami ngayon sa mall at nanunuod ng isang horror movie. Si Ava ang nasa gitna at nasa gilid naman kami ni Keith. Natatawa nga ako kay Ava kasi wala syang ginawa kundi umirit ng umirit. Hindi pa rin talaga sya nagbabago!! Nang malapit ng matapos yung movie, nag-paalam na samin si Keith.

"Ah guys, una na ako ha may problem kasi sa company namin, aayusin ko lang" sabi nya. Tumango na lang kami ni Ava sa kanya pagkatapos ay umalis na si Keith.

Naiwan na lamang kami doon ni Ava. Tumingin ako sa kanya pero hindi sya tumingin. Siguro awkward pa rin ang atmosphere namin ngayon dahil sa past namin pero kailangan ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Kung ano yun? Syempre.... Mahal ko na sya at hindi ko na sya kayang ibigay pa sa iba.

"Ava..." hinawakan ko ang kamay niya, tumingin sya sakin at ng akmang aalisin nya ang kamay nya sa kamay ko, pinigilan ko sya.

"Ava mahal kita.." sabi ko sa kanya tsaka pinisil ang kanyang malalambot na kamay. Tumingin sya sakin at tsaka ko napansin na may namumuo na palang luha sa mga mata niya.

"Mahal? Mahal mo ako kuya? Nag-papatawa ka ba?!" ngumiti sya sakin ng pagak at tsaka kinuha ang kamay niya ng marahas mula sa pagkakahawak ko.

"Ava totoo ang sinabi ko, mahal kita..." tiningnan ko sya sa mga mata at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Kuya alam mo ba yang pinag-sasasabi mo ha?! Alam mo ba kung anong hirap ang pinagdaanan ko dati para lang mahalin mo rin ako pero anung ginawa mo? Sinaktan mo ako kuya! Pinagtabuyan! Inapakan mo ang puso ko at unti-unti mo yong dinurog! Pagkatapos ngayon, sasabihin mo sakin na mahal mo ako?!" umiiyak na sya. Sobrang nasasaktan talaga ako kapag nakikita ko syang umiiyak.

"Ava noon pa man minahal na kita pero pinigilan ko lang ipakita at iparamdam sayo kasi alam kong mali! Alam mo ba kung gaano kasakit kapag tadhana na mismo ang nag-pamukha sayo na hindi pwedeng maging tayo? Ilang taon kong tiniis yung nakikita ko kayong dalawa ni Keith na magkasama pero ngayon hindi ko na kayang magtiis pa, ipapakita ko sayo kung gaano kita kamahal kaya Ava.... pwede ba kitang ligawan?"

[Ava's POV]

Pwede ba kitang ligawan?

Pwede ba kitang ligawan?

Pwede ba kitang ligawan?

Pwede ba kitang ligawan?

Pwede ba kitang ligawan?

Pwede ba kitang ligawan?

Paulit-ulit na nag-eecho sa utak ko ang tanong sakin ni kuya nung nasa sinehan pa kami, ngayon ay nasa mansion na kami at si kuya, ayun nasa kwarto nya nagmumukmok. Kanina kasi may nasabi ata ako sa kanya..

"Pwede ba kitang ligawan?"

"Hindi ko alam sayo kuya, ang labo mong kausap! Dahil pakiramdam ko niloloko mo lang ako"

Yun ang sinabi ko kaya siguro ayun nagtampo. Well, mahal ko parin naman sya eh kaya lang, natatakot ako sa pwedeng mangyari sa mga buhay namin. Well, ano pa ba ang silbi ng buhay ko kung hindi ko rin naman sya makakasama?! Hala! Pupuntahan ko na nga sya sa kwarto nya at sasabihin ko sa kanya ang totoo. I don't care what will happen next but the only thing that i know is that i love him!

Dali-dali akong pumunta sa kwarto nya at binuksan ang pinto pero nagulat ako sa nakita ko. Si kuya, bagong ligo at naka-towel lang. O////////////////////////////////////O

Yiiieeeeeeeeeeeeh!!!!!!!!!!! HEAVEN!!!

"A-anong ginagawa mo dito Ava?" tanong nya sakin pero hindi na lang ako sumagot at sa halip, lumapit ako sa kanya, ipinalupot ang mga kamay ko sa leeg nya at tsaka sya hinalikan. Smack lang naman yun pero sa sandaling nag-lapat ang mga labi namin, feeling ko tumigil ang mundo ko sa pag-ikot. Nang humiwalay ako sa kanya, kitang-kita ko sa mukha nya ang pagka-gulat.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong nya sakin pero hindi nya mapigilang itago ang ngiti nya.

"Yes kuya. Pumapayag na akong manligaw ka or kung gusto mo nga tayo na eh! Joke! Basta dapat sincere ka ha?!" sabi ko sa kanya. Tumawa naman sya tsaka ako niyakap.

"Thank you Ava! Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya!"

"Umm sige kuya, bihis ka muna lalabas muna ako at baka mamaya eh kung ano pa ang magawa ko sayo! Oh sige, mamaya na lang ulit" pagkalabas ko ng pinto ni kuya ay umirit ako ng malakas.

"This is it!" tumatalon-talon ko pang sabi bago ako bumaba.

(A/N: Hay! Sorry po kung ngayon lang nakapag-update kasi sobrang busy po ako sa school eh. Pero i'm working on it po! Vote and comment po at kung gusto nyo po pa-fan na rin sakin para updated kayo sa mga stories ko. Thanks po!! GOd Bless!!)

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now