Chapter 10: Please lang sana, huwag mo syang iiwan...

3.5K 42 8
                                    

[Keith’s POV]

Naglalakad ako sa may sidewalk malapit sa playground ng may nakita akong isang babae na naglalakad sa daan. Mukhang wala sa sarili eh, pagewang-gewang pa nga eh. Lumapit ako ng konti at nung makita ko kung sino yun, nakita ko na si AC pala yun. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya para iligtas nya. Itinulak ko sya papalayo pero sa hindi inaasahang dahilan, ako ang nabundol ng  truck.

*BLAG!!

[Ava’s POV]

Bigla ko na lang naramdaman na parang may tumulak sakin. Nung makita ko kung sino yun, nakita ko si Keith pala ang tumulak sakin at nakabulagta sya sa daan at duguaan. Lumapit ako sa kanya at tinawagan ang hospital para magpadala ng ambulansya.Ilang saglit pa ay dumating na nga ang ambulansya at isinakay na sya papuntang hospital. Pagdating namin sa hospital, hinawakan ko ang kamay nya...

“Keith wag kang susuko kaya mo yan! Andito lang ako para sayo” umiiyak na sabi ko sa kanya hanggang sa ipasok na sya sa emergency room. Umupo na lang ako sa labas ng E.R at doon umiyak ng umiyak. Tinawagan ko si kuya kahit na medyo galit pa sya sakin.

“K-kuya...” sabi ko sa kanya pero hindi ko magawang makumpleto ang mga salita na sinasabi ko dahil sa shock dun sa nangyari.

“AC? Bakit parang umiiyak ka? Anung nangyari?” tanong nya sakin na may halong concern sa salita.

“K-kuya s-si K-keith kasi n-nabangga sya n-ng t-truck dahil sa p-pagliligtas sa akin..” at doon na ako humagulgol ng iyak.

“Oh sige pupuntahan kita dyan..” pagkatapos noon ay binaba na ni kuya ang telepono.

After 10 mins, dumating na si kuya. Bongga diba? Nagawa ko pang bilangin ang minuto... Lumapit sya sakin at niyakap ako.

“Shhhhh... than na Ava, hindi mo kasalanan yun” niyakap ko din sya pabalik

“Kuya, s-sorry ha. Hindi ko talaga sinasadyang matapunan ka noon ng tubig”

“Hindi, ako dapat ang mag-sorry sayo, bigla na lang kasi akong nagalit sayo. Pasensya ha, may problema kasi ako kanina” sabi ni kuya saka pinunasan ang mga luha ko.

“Kuya bati na tayo ha..”

“Oo bati na tayo. Kalimutan na lang natin ang lahat ng nangyari...”

-----*

Makalipas ang 4 na oras, natapos na ang operation at nailipat na si Keith sa isang private room. Pumunta na kami sa room ni Keith at nag-dala kami ng fruits. Pag-bukas namin ng pinto, nakita namin si Keith na natutulog pa..

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan ko ang kamay niya at saka nagsalita..

“Keith, gumising ka na... wag mo naman sana akong takutin ng ganyan please?” pero no response pa rin. Hindi ko namalayan, tumabi na pala sakin si kuya.

“Sige na Ava, umuwi ka muna at magpahinga. Ako muna ang mag-babantay kay Keith”

”Ah sige kuya, okay ka lang ba diyan?” tanong ko kay Kuya

“Oo, okay lang ako dito” pagkatapos noon lumabas na ako at umuwi. Grabe, kailangan ko na sigurong magpahinga.

[Kyle’s POV]

“Salamat Keith sa pagliligtas kay Ava. Siguro nga mas kaya mo syang protektahan kaysa sakin. Ipinapaubaya ko na sya sayo ha, sana alagaan mo sya at huwag mo syang iiwan at sasaktan...” pagkasabi ko noon, tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Tama na, buburahin ko na lang mga feeling ko para sayo Ava. Paalam na, alam kong kaya ka namang alagaan ni Keith. Mahal ka nya at balang araw magagawa mo rin siyang mahalin..

“Isa lang sana ipapaki-usap ko sayo Keith, wag mo syang papaiyakin..”

“Oo, syempre naman dude... Aalagaan ko sya para sayo” napatingin ako dun sa nag-salita..

“Keith?! Gising ka na tol!”

(A/N: Oh diba? Ganun?! Nagising si Keith kung kelan umalis si Ava tsaka nagising si Keith!? At ipapaubaya na talaga ni Kyle si Ava kay Keith?! Sumusuko na ba sya?! Nawindang ako sa sudden turn-out ng mga events. VOTE AND COMMENT PO!!)

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now