Chapter 3: Kuya wag mo ko iiwan

5.1K 78 17
                                    

[Kyle's POV]

Hmmm.. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko ang oras sa alarm clock namin..

5:00 am

Maaga pa pero sige babangon na ako. Napalingon naman ako at nakita ko si Ava o AC na natutulog sa tabi ko. Napangiti naman ako. Ang cute nya talaga! Pero bakit ganon? kahit ilang beses kong titigan ang mukha niya, hindi kami magkamukha? Siguro hindi kami identical twins pero wala talaga kaming hawig sa isa't-isa. Baka naman namamalik-mata lang ako..

Babangon na sana ako sa kama pero bigla akong hinigit ni AC at niyakap ako! Hindi tuloy ako makagalaw! Wellm okay na rin, niyakap ko na rin siya..

"AC, gising na, ang higpit naman ng yakap mo sakin.." sabi ko sa kanya pero hindi siya sumagot..

"Hoy?!"

Gumalaw lang sya at dumako ang yakap nya sa may bewang ko, ayan tuloy sa dib dib ko siya nakahiga. Naks naman! Gawin ba naman akong unan!

"Kuya wag mo ko iwan.." mahina nyang bulong pero dinig na dinig ko

"Sus, hindi naman kita iiwan eh, gising na nga AC at baka mapisa na ako" saka ko siya tinapik-tapik sa mukha. Bigla naman atang nagising at pagmulat niya ng mata niya, titig na titig sakin. Sabay alis ng pagkakayakap sakin. Heh XD

"Buti naman nagising ka na, ginawa mo pa akong unan eh" sabi ko pagkatapos nakita ko naman syang namula.. haha nahihiya ba siya sakin? Whahaha! Hindi na sya nakapag-salita pa at bumangon na.

[Ava's POV]

Andito na kami ngayon sa school ni kuya. Grabe! Nahiya talaga ako dun sa mga pangyayari kanina! Nakayakap daw ba naman ako kay kuya habang natutulog?! Gosh! Pano ko kaya sya haharapin?

HAbang nagmumuni-muni ako, biglang may umakbay sakin..

"Keith ikaw pala.." malungkot na sabi ko sa kanya

"Oh, bakit parang ang lungkot naman ata ng Ava of my life ko? May nangyari bang masama?" sabi nya habang tinitingnan ako ng mabuti. Parang sinusuri kung may mali sakin.

"Wala naman, pagod lang siguro to, si Pamela nga pala?"

"Sus tinatanong pa ba yan? ayun oh.." sabay turo nya sa direksyon ni kuya at ayun nga si pamela, nakapalupot na naman kay kuya..

"Sige punta na tayo ng classroom, baka ma-late pa tayo eh" sabi ko sa kanya sabay higit si kanya

"Oh sige" tanging nasabi na lang ni Keith habang hinihila ko siya papuntang classroom.

Naging tahimik ang buong araw namin,, hanggang sa makalipas na ang 3 months at ganun pa rin, walang kathrill-thrill ang mga lessons namin..

Saturday ngayon at niyaya ko sina Pamela at Keith dito sa bahay namin para maglaro. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako sa sofa.. Bigla naman may nagsalita sa likod ko.

"Ang ganda ng kakambal ko ah, para ba yan kay Keith?"  pang-aasar sakin ni kuya na nasa likod ko pala..

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko nung mapansin ko na sobrang lapit na pala ng mukha nya sa mukha ko. Hindi na ako nakasagot kasi biglang may nag-doorbell na sa pintuan namin. Agad ko namang tinakbo ang pintuan namin at binuksan iyon.

Nakita ko naman na naupo na lang si Kuya sa sofa at nagpatugtog sa IPod niya.

Pagbukas naman ng pinto, ang cute na cute na mukha ni Keith ang bumungad sakin. Napangiti naman ako saka niyakap si Keith.

"Si Pamela?" tanong ko sa kanya. Bigla na lang syang tumuro sa likuran niya. Nakita ko si Pamela na bihis na bihis at patakbo sa direksyon ko pero nilagpasan niya ako at yumakap kay kuya CK. Syempre? anu pa bang aasahan mo? Edi ba nga mahal na mahal nun si Kuya.

"Kyle my labs!" sabi pa ni Pamela saka tuluyang niyakap si Kuya. Nagulat naman si kuya, hindi niya siguro inexpect yun kaya nahulog siya sa sofa. Napatawa naman kami ni Keith saka tumingin sakin si Keith.

"Ang ganda mo naman ngayon Ava my labs" sabi niya sakin saka ako tinitigan sa mata. Syempre napatitig din ako sa kanya.

Hanubey Ava maghulos dili ka nga! Hindi naman ganon ka-cute si Keith ah? Sobrang cute lang! NAku nalandi na naman ang lola mo!

"Ehem.." napalingon tuloy kaming dalawa ni Keith sa umubo na yun. Si kuya pala at parang bad mood ata.

"Kung titigan mo naman Keith ang kapatid ko parang gusto mong kainin ah!" sabi ni Kuya

"Sorry kuya-- este Kyle pala, ang ganda at cute kasi ng kapatid mo.."  sabi ni Keith na nag-peace sign pa

"Bahala na nga kayo!" sabi ni Kuya sabay wlk-out.

HALA?! Anu yun? Walk-out ang drama ng kuya ko? bakit kaya? Galit ba? bakit naman yun magagalit eh wala naman akong ginagawang masama? Minsan hindi ko talaga maintindihan si kuya eh. Masyadong demanding at ang dami nyang rules, nakakasakal na! If Kuya loves me, hindi agad siya magagalit noh! Pumasok na nga lang kami ni Keith sa loob at saka kami nag-kwentuhan sa sofa. baka sakaling lumamig ang ulo ko! Hmmppff!

(A/N: Ganon? walk-out ang drama ni Kyle? Hmm baka naman nagseselos lang.. hahaha go go go Keith, ipakita mo lang kay Kyle ang feelings mo para kay Ava nang matauhan naman yang kakambal na yan! A si Pamela grabeng makalingkis kay Kyle ah! Parang ahas lang! Thanks you for reading po! Sana po mag-vote ang comment kayo )

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now