Chapter 36: On Quarrel~~ Reconciliation?

1.9K 28 5
                                    

[Ava's POV]

1 week na kaming hindi nagpapansinan ni Chups. Aba! Kung ayaw nyang makipag-bati sakin at kung palagi nyang paiiralin ang lintek na pride na yan, walang mangyayari saming dalawa! Nakikipag-matigasan sya?! Fine! Makikipag-matigasan din ako sa kanya! Pati si Aster idinadamay pa nya sa mga insecuroties nya! Pati yung taong walang alam, idinadamay nya sa galit nya! Hay! I still can't believe na magagalit sya dahil lang sa konting bagay na yun! Ano bang nangyayari sa kanya?!

Naglalakad kami ngayon ng barkada sa mall at syempre, kasama namin is Aster. Kasama din ang asungot na Kyle na yan. Dun sya sa likod kasama nina Kevin at Keith samantalang ako, eto, busy sa pakikipag-kwentuhan kay Aster. Hmmm... nahuhuli ko nga sya minsan eh, grabeng tumingin kay Aster parang papatayi na! Sige, mamatay ka sa selos dyan! Wala naman kaming ginagawang masama eh!

"Guys ano, movie tayo?" tanong naman ni Pamela. Tumango kaming lahat at pumunta sa Movie House. Bumili kami ng tickets. Nung nagpipilian na kung sino-sino ang magkakatabi, uupo na sana si Kyle sa tabi ko pero hinigit ko si Aster at pinaupo sa tabi ko.

"Dito ka Aster ha. Baka kasi may KUNG SINO dyan na umupo dio" tapos ngumiti ako kay Aster. Hehehe tama yan, tamaan ka sana Kyle! You'll regret making your dear girlfriend cry! Pero mahal pa din kita! Kekeke~~~ Gantihan lang to dre!

Inirapan naman kami ni Kyle at tsaka sya umupo sa tabi ni Keith at nanuod. Hmm.. sige, tama yan Kyle! Mag-selos ka pa! Na-hurt kaya ako sa sinabi mo nung gabing yun! Hmmpph!

[Kyle's POV]

Is it just me or talagang pinagseselos ako ni Ava? Well, pasensya na lang pero hindi na yan gagana sakin dahil selos na selos na ako at hindi ko alam kung pwede pang mai-level up ito dahil nanggagalaiti na ako ngayon sa selos. Uupo na dapat ako sa tabi nya eh kaso hinila si Aster sa tabi nya. Okay! Di magsama kayo! I don't care! Teka---- i do care pala.

All through out the movie, habang silang dalawa, tawanan ng tawanan dun, ako dito, nagmumukmok sa isang tabi at sumasakit ang puso. Pano ba namang hindi?

Ikaw kaya yung makita mo ang girlfriend mo na may kasamang iba tapos yung kasama pa nya eh yung pinagseselosan mo? Saklap lang diba? Pero wala naman akong magawa kasi unang-una, ako ang unang nagalit. Siguro nga hindi tama na magalit kaagad ako pero wala naman akong magagawa diba? Tao lang ako... nagmamahal at nasasaktan. Hindi ko naman kasalanan na minahal ko sya at mas lalong hindi ko kasalanan kung nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang magkasama.

Tiningnan ko ulit silang dalawa at mukhang masayang-masaya si Ava. Pasensya na Ava. Natatakot lang ako na baka mawala ka. Matagal na akong naghintay noon at ayaw ko sana na mawala ka sakin dahil baka mamatay ako kapag nawala ka...

"Bro, tama na ang pag-e-emote. Wala namang patutunguhan yan eh. Kung ako sayo, makipag-ayos ka na lang kay Ava" sabi naman sakin ni Keith. Isa pa to eh! Sarap lang batukan.

"Bro, ang hirap eh! Babaan ko pa yung pride ko!" sabi ko naman.

"Bro, minsan, kailangan talaga nating mga lalaki na babaan ang pride natin para sa babaeng mahal natin. Ano ba mas gusto m, nabawasan lang ng konti ang pride mo pero nasayo pa sya oh yang mataas ang pride mo pero hindi mo alam, unti-unti na pala sya sayo kinukuha ng iba?" tapos itinuro nya si Aster at si Ava na masayang nagtatawanan. Hindi ko alam pero nagagalit ako. Umuusok na ata ang tenga ko! Eto kasing si Keith pinakita pa eh!

"Bro, pano kung dahil dito. mainlove si Ava kay Aster?" bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Keith. Si Ava at Aster? Parang hindi ko ata tanggap yan ah. Hindi! Never mawawala ang AvaxKyle couple! Kami ata ang original couple dito noh!

"Keith, kapag ba may mahal ng iba ang mahal ko susuko agad ako? Di ba pwedeng pumatay muna? Tsaka na lang ako susuko kapag may warrant of arrest na ako" tapos binatukan naman ako ni Keith.

"Aray! Masakit yun ha!" sigaw ko sa kanya. Tingnan mo ang loko! Tawanan ba naman ako? Gusto ba nyang mamatay?!

"Alam mo pare, sa isang relasyon, imposibleng walang ahas. Nagkataon nga lang na wala ka para bantayan ang prinsesa mo nung dumating yung ahas pero, mabait naman sya" sabi naman nya. Tss, eh ano ngayon kung mabait sya?

"Eh mahal ko talaga sya eh, anong magagawa ko, so ako yung tanga?" tanong ko naman sa kanya. Nalilito na talaga kasi ako eh.  Inakbayan naman nya ako tsaka sya nagbigay ng advice.

"Bro, just trust Ava okay? Alam mo namang hindi ka nya ipagpapalit" sabi nya. Bumuntong hininga na lang ako tsaka tumango.

"Sana nga bro... sana nga..."

[Ava's POV]

After nung movie, ayun, nag-laro laro pa kami sa game zone pero biglang nahilo si Alexa kaya kinakailangan naming umuwi na. So yun, umuwi na kami at pagdating namin ni Kyle sa bahay-- err spell awkward? Kasi, sobrang A-W-K-W-A-R-D kami eh. Nagpalit na kami ng damit at bumaba ako sa living room tapos nakita ko syang naka-upo sa sofa at nanunuhod ngt tv. Huminga ako ng malalim. Well, hindi ko na talaga kaya to! I don't care about my damn pride pero gusto ko ng magkaayos kami ni Kyle!

Lumapit ako at umupo sa tabi nya. Nung hindi sya umaalis, isinandal ko yung ulo ko sa balikat nya. Tumingin naman sya sakin pero tinuloy ko pa rin yung ginagawa ko.

"Chups, sorry na talaga! Hindi ko kasi kaya na magkaaway tayo eh! I swear, friends lang kami at ikaw ang mahal ko so patawarin mo na ako!" with matching pout pa yan ha! Ngumiti naman sya tsaka nya nilapit yung mukha nya tapos...

*tsup

>///////////////////////////////////////////////////////<

Yiiiieeeeh! Kiniss nya ako! Bongga! Tiningnan ko naman sya tapos ngumiti sya sakin.

"Syempre naman bati na tayo!" sabi naman nya. Hi-nug ko naman sya ng mahigpit.

"Thank you Chups! Teka nga pala, bakit ka ba kasi agad nagselos?"

"Nagseselos kasi ako sa mga tao na nakakapagpaligaya at napapalapit sayo lalo na kapag wala ako kasi, hindi kita napapangiti katulad ng ginagawa nya" sabi naman nya. Kiniss ko naman yung forehead nya.

"Chups ano ka ba! alam mo naman na para sakin, ikaw lang ang nag-iisa"

(A/N: Sorry ngayon lang nakapag-update! Salamat po sa mga nagbabasa nito! Last 6 chapters na lang at magtatapos na ang ating storya so be sure to stay tune! Maraming salamat po at god bless!)

VOTE

COMMENT

AND BE MY FRIEND!! <3 <3

----StarDust_Wink29

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon