Chapter 41: I Need You...

1.1K 22 2
                                    

[Ava's POV]

 

Wala na akong pakialam nung mga oras na yun, basta ang alam ko lang, kailangan kong puntahan si Kyle. Tumakbo na ako papuntang ospital kahit naka uniform at toga pa ako. Wala akong pakialam kahit pagtinginan ako ng mga tao. Eh ano bang pake nila?! Eh kung nag-50/50 na yung taong mahal mo iisipin mo pa ba yan?

Kaagad akong pumunta sa ICU at nakita ko si tita at tito na umiiyak. Niyakap ko naman kaagad sila nang nakarating ako doon.

"T-tita... s-si Kyle po? A-anong pong nangyari?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanila.

"Dear, papunta na kasi dapat sya sa school mo, he was texting you a reply while he was crossing the street ng biglang mabangga sya..." at umiyak na ulit si tita.

Seriously?

Ang tanga mo naman pala Kyle eh! T______T

Bakit ka nagtetext habang naglalakad?!

hindi mo ba alam na delikado yun!?

Ayan tuloy...

Tiningnan ko sya mula sa labas at humingi ng lab gown, hair net at face mask tsaka pumasok sa ICU. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.

"Chups... alam kong hindi mo ako naririnig ngayon... pero kung sakaling marinig mo man ako ngayon..." hindi ko na napigilan kundi ang umiyak.

"Please lumaban ka... k-kailangan kita... hindi ko kaya kapag nawala ka sakin... I can't imagine life without you... diba promise mo sakin hindi mo ko iiwan? tuparin mo yun ha? Promise mo na lalaban ka... wedding na dapat natin bukas eh..." sabi ko tsaka ako sumubsob sa chest nya at umiyak.

"Wag mo naman akong iwan Kyle oh... wag ka namang ganyan... hindi maganang biro yan eh.." sabi ko. honestly, mukha na akong tanga dito. Iyak ng iyak. Eh ano bang magagawa ko? nasa ganitong kalagayan si Chups eh.

Pumasok naman si tito at tita sa loob.

"Ava, umuwi ka muna at magpahinga. Kami na muna ang magbabantay kay Kyle." sabi nila.

"No tita. Hindi ko sya iiwan"

"Pero you need to rest sweetie" umiling na lang ako.

kahit magkaroon ako ng sandamakmak na eyebags, hindi ko iiwan si Kyle.

"Ava, alam mo naman na hindi magiging masaya si Kyle kung makikita nyang pinapagod mo ang sarili mo. Its fine. Take a rest, we'll be here with Kyle" tumango na lang ako at sumunod dahil alam ko na wala rin namang mangyayari kapag nagmatigas ako. Tumayo ako at lumabas bago tumingin ulit kay Kyle.

"Chups... i need you..."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAG-UD! >< sobrang busy kasi sa school eh T_____T daming gawain. tapos, basta! Sorry talaga! Promise ko, sa susunod na UD ko, mahaba na kasi magtatapos na din naman ito. Uy, may new story akong iniisip ngayon, support nyo ha? :D hmmm.. yun lang ^^

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon