Chapter 8: Kuya, ayoko na! Sobrang sakit na!

4.1K 57 28
                                    

[Kyle's POV]

 (Picture ni Kyle-------->)

"Ikaw ang destined person ko?!" sabay naming sabi ni Ava. Grabe, hindi ako makapaniwala na si Ava na pala ang kasayaw ko. At destined person ko?! Ang weird kasi hindi kami pwede dahil magkapatid kami for God's sake! Kaya CK, dapat mo ng alisin kung anumang meron dyan sa puso mo para sa kakambal mo, hindi kayo pwede!

Tinitigan ko na lang ulit si AC at tsaka ako nag-salita. AWKWARD na kasi =_=

"Umm, siguro kaya eto yung kinalabasan, dahil destined na naman kasi tayo kasi nga, kambal tayo.." pagkatapos, nginitian ko na lang sya. Ngumiti na lang din sya sakin.

"Oo nga kuya, yun lang yun at wala ng iba pa.." sabi nya din saka nagkamot ng batok nya. Siguro nahihiya na 'toh ayaw lang sabihin. Aish!

"So? Did you enjoy meeting your destiny? Don't worry because at this moment, i-aannounce ko na kung sino ang King and Queen ngayon plus, tandaan, dapat may kiss sa cheeks! Hahaha, okay, so Our title of the King goes to, Christian Kyle Villamayor" at pagkasabi noon ng MC, pumalak-pak at nag-hiyawan na ang mga tao. Umakyat na ako sa stage  at isinuot na sa akin ang crown. Tumingin ako kay AC at nginitian ko naman sya. Pagkatapos noon, nagpalakpakan  ulit yung mga tao.

“Then, i shall announce the title of our queen. Ms. Ava Courtny Villamayor” at pagka-sabi nung mga words na yun, natulala ako. Si AC ang prom queen? Ibig sabihin nun, may kiss ako galing sa kanya?

Badump

Badump

Badump

Bakit ba ganito ang puso ko? Bakit ayaw tumigil nito sa katitibok. Pagkatapos, umakyat na si AC sa stage at kinoronahan na siya. Napatingin naman ako sa kanya at nginitian nya ako.

“So Ms. Ava, hindi mo ba bibigyan ng kiss si Mr. Kyle?” tanong samin ng MC. Tumango lang si AC at dahan-dahang lumapit sakin. Isinara ko na lang ang mga mata ko nang maramdamang kong lumapat na yung mga labi nya sa pisngi ko. Sayang naman..

O_O

Anu ka ba naman Kyle?! Ano bang pinag-iiisip mo? Hindi kayo pwede okay? Magkapatid kaya kayo! Mahiya ka naman!

Pagkatapos noon ay bumaba na kami ng stage at sumama na kayna Pamela at Keith.

[Ava’s POV]

Nandito na kami ngayon ni kuya sa tabi nina Pamela at Keith. Gosh! Hindi ko akalain na mahahalikan ko si kuya >/////////////////////////<

Kahit kasi sa pisngi lang yun, ang lakas ng impact sakin. Ganun ba talaga kapag inlove? Hay naku, hindi ko na alam!

Habang nag-mumuni muni naman ako, nilapitan ako ni Pamela.

“Sayang best, gusto ko sanang maging prom queen pero buti na lang ikaw ang naging prom queen. Atleast, kahit halikan mo sya, wala namang malisya kasi kapatid mo sya diba?” sabi nya sakin. Naguilty tuloy ako ng konti. Kawawa naman si Pamela.

“Syempre naman best. Hindi ko nga akalaing ako ang magiging prom queen”

“Buti na lang best magkapatid kayo noh? Kasi kung hindi, hindi ko na siguro alam ang gagawin ko..” sabi nya sakin tsaka kami umalis.. Pumunta na kami sa sasakyan pero si Pamela, sa tabi ni Keith tumabi. Hindi ko alam kung bakit pero tumabi na lang sya kay Keith. Si kuya ngayon ang katabi ko.

“Kuya, alam mo namang mahal kita di’ba?” sabi ko sa kanya

“Oo naman, syempre magkapatid tayo eh..” OUCH! Tagos naman yun oh! Ipamukha ba naman sayo na magkapatid lang kayo?! Kamusta naman yun?

“Kuya, pano kung sabihin ko sayo na mahal kita mas higit pa sa isang kapatid?” bigla syang tumingin sakin.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong nya sakin

“K-kuya, m-mahal kita...” sabi ko sa kanya. Tiningnan nya lang ako at hindi na sya nag-salita.

Simula noong umamin ako kay kuya, hindi na nya ako masyadong pinansin. Lalo din syang dumidikit kay Pamela. Halata ko rin na iniiwasan nya ako at sobrang sakit noon para sakin. Nag-lakas loob pa naman din ako para umamin sa kanya tapos eto magiging reaksyon nya? Parang hindi ko ata ito kaya at mas matindi pa nito, isang araw, pag-uwi ko sa bahay, nakita ko si kuya at si pamela...... naghahalikan...

O_O

Ano to? Bakit hinahalikan ni kuya si Pamela?! T_T and sakit naman nito! Hindi ko na at toh kaya.

Nakita naman agad ako ni Pamela kaya kumalas sya kay kuya at halatang gulat na gulat din si kuya sakin. Umalis na si Pamela ng dali-dali at ako naman, nandoon parin sa pwesto ko na para bang nanigas na lamang doon. Aalis na sana si kuya ng bigla ko syang sinampal.

“Aray! Bakit mo ginawa yon?!” galit na sigaw nya sakin pero wala akong paki-alam. Umiiyak ako ng sagutin ko sya.

“Kuya, alam mo bang masakit yon? Hinalikan mo na nga si Pamela, dito pa sa bahay natin! Ni hindi ka na nahiya! Alam mo naman na mahal kita diba? Bakit mo ba ginagawa to sakin ha?! Alam mo bang nasasaktan na ako? Pinipilit kong ibalik sa dati ang samahan natin dahil sa pag-amin ko pero kung ikaw yung ayaw, edi wag! Wag mo naman sana akong pag-mukhaing tanga dahil hindi ako tanga!” todo iyak ako doon pero si kuya tahimik lang na nakikinig.

“Kuya ayoko na! Sobrang sakit na! Sawa na ako sa kahahabol sayo, hindi ko na kaya! Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo din ako dahil alam kong bawal pero ayoko na! Hindi porke’t gwapo ka kaya mo na tong gawin sakin! Hindi porke’t kuya kita kaya mo na akong ganituhin! Lagi mo na lang pinapasikip ang dib-dib ko! Hindi na naawa!” at dahil nanlulumo na ako, napaupo na ako sa sahig.

Bigla na lang lumapit si kuya sakin at humarap sa akin.. Umupo sya sa tapat ko at hinawakan ang balikat ko.

“Alam mo ba kung bakit kita iniiwasan ha?! Kasi mahal na din kita! At pinipigilan ko ang sarili ko na lalo pang mahulog sayo!” napatigil ako dahil umiiyak na din si kuya.

“Akala mo ikaw lang ang nasasaktan?! Ako din! Hindi mo ba alam kung gaano kasakit kapag tadhana na mismo ang nagpamukha sayo na hindi pwede maging tayo?! Alam mo ba kung gaano kasahit yon?! Kailangan kong magkunwari na gusto ko si Pamela para hindi magulo ang buhay natin, kailangan kong lokohin kayong lahat! Para walang mapa-sama sa ating dalawa! Hindi mo na naisip na masakit yun para sakin, yung nakikitang ibang lalaki ang nakakapag-paligaya sayo at hindi ako!” sabi nya sakin. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

“Pasensya na pero sa tingin ko, kailangan ko munang lumayo...” sabi ni kuya tsaka umalis at iniwan akong mag-isa sa living room. Bakit ganito? Sobrang sakit ng puso ko?

(A/N: Nagustuhan nyo ba readers? Sorry po kung medyo madrama yung chapter, emo kasi ngayon si author eh. Pasensya na po talaga J pero anyway, salamat po sa wagas nyong pagtutok sa I heart you kuya!)

I Heart You Kuya [FIN]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن