Chapter 16: Sana, we can stay here forever..

3.1K 40 0
                                    

[Kyle’s POV]

At eto na nga, pumasok na kami ni Ava sa loob ng haunted house na toh ^_^

.

.

.

.

.

.

.

.LECHUGAS NAMAN OH!! NAKAKATAKOT PALA TALAGA DITO!!

Alam mo ba yung feeling na parang maiihi na matatae ka sa sobrang takot?! Pano nga kung may multo dito!? Hindi naman sa takot ako pero.... Oo na! Takot ako sa multo! Kasi noong bata pa kami ni Ava, palagi kaming nagtatakutan eh ako yung naapektuhan!

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Ava..

“Wag ka nang matakot Ava, andito naman ako ^_^”  ang yabang talaga! Hahaha syempre para hindi nya mahalata na takot na takot na ako. Bakit ba kasi ako nagpumilit pa na pumasok dito?!

Well syempre dahil baka sabihan nila ako ng bakla noh.. HOY! HINDI AKO BAKLA NOH!

Naka-first base na nga ako kay Ava eh ^_^

Bakit ba naman kasi napaka-unfair ng mundo? Kapag babae ang matatakot kadalasan nasasabihan pa sila ng cute pero bakit pag kami namang mga lalaki ang natatakot, pinagtatawanan o di kaya sinasabihan ng bakla?! Bakit, pwerke ba takot sa multo bakla na?! Wala na ba kaming mga lalaking karapatang matakot?

Haayy -_-

Ano ba naman yang mga pinagsasasabi ko?! Nababakla na nga ba ako?! Sus! Nagpapaka-emo lang naman ako eh..

“Kyaaahh!!!” napatalon na lamang ako nung biglang sumigaw si Ava. Pagtalikod ko naka-kita ako ng isang nakakatakot na mukha..

“WAAAAAAAHH!!!!” hinawakan ko yung kamay ni Ava at tumakbo na kami. Grabe! Pati ako napapa-irit na eh! Lechugas talaga na mga multo yan!

“Kyaaaaah!”

“Waaaaaaah!”

“Kyaaah!”

“Waaaaaaaahh!”

“Waaaaaaaaaahh! Ayoko na!!!!!!!” at pagkatapos ku yung maisigaw ay dali-dali kong kinuha yung kamay ni Ava at hinanap na namin yung exit. Pagkalabas namin, nakita namin sina Kevin,Alexa,Ian at Roxanne na tumatawa.

“Oh? Anung itinatawa nyo dyan?” tanong ko sa kanila

“Dude! Narinig mo ba yung mga sigaw nyo habang nasa loob kayo? Grabe dude! Ang lakas ng sigaw mo!”

*Booogshh!

“Aray! Bakit mo naman ako binatukan dude ha?!” tanong sakin ni Kevin

“Kung makapan-lait ka akala mo kung sinong napaka-lalaki ah. Bakit?! Umirit ka rin naman diba?!” natigil naman si Kevin nun pero tumawa ulit.

“Guys tigilan nyo na nga si Chups ko!” aww.. nakaka-touch naman si Ava. Buti pa sya -_-

“Kasi alam nyo naman na napagod sya sa kaiirit eh ^_^” naku isa ka pa pala Ava!

“Chups, akala ko ba kakampi kita? Bakit pinagkakaisahan nyo ako?” nag-pout naman ako..

Its UNFAIR!

Kinurot naman niya ang mga pisngi ko at tsaka yun kiniss..

“Eto namang si Chups, hindi na mabiro! Napaka-pikon! Meron ka ba ngayon?!”

O_O

“Anakngtowka! Anung meron huh?! Hoy babae! Lalaki po ako at ang mga lalaki hindi dinadalaw noh!” grabe! Namula tuloy ako sa hiya! Bawas pogi-points din yun noh >////<

“Hehe! Sorry na talaga Chups, tara uwi na tayo! Nagugutom na ako eh” at ayun.. Mas pinili naming umuwi na lamang.

After naming kumain, kinuha ko ang gitara ko at pumunta ako sa may puno nang narra at dun ako tumugtog.

(Play background music... Your Love)

“Chups, patabi naman ako” napatingin ako sa nagsalita... Si Ava pala..

Tumabi sya sakin at nagulat na lamang ako nung humiga sya sa damuhan. Humiga din ako..

“Ang ganda dito Chups noh? Sana we can stay here forever” sabi nya sakin

Bigla naman akong natigilan

“Ayaw mo ba ng idea ko?” tumingin sya sakin

“Hindi, may naisip lang ako..”

“Alam mo kung pinapahirapan ka lang nyang iniisip mo, kalimutan mo muna. Basta ang isipin mo muna, sa ngayon, wala tayong problema.. Tahimik dito and we should cherish every moment” god! Napapaluha tuloy ako sa sinabi nya.. Ava...

“Salamat Ava ha. I promise i will love you forever..” unti-unting lumapit ang mukha ko sa kanya. Konti na lang ng biglang....

“Ehem...”

O_O

Ang KJ naman ng mga toh!

“Tara na po sa loob, manunuod daw po tayo ng the grudge” pagyayaya nila samin. Tumayo na kami at pumasok sa loob..

Sana nga, we can stay here forever...

(A/N: Yiiieehh! Bedtrep naman oh! Hahaha! Sayang! Ilang inches na lang eh! Oh well nagustuhan nyo ba?? VOTE<>COMMENT<>FAN... Salamat po sa lahat ng nagbabasa ng I Heart You Kuya! Sana po suportahan nyo pa ang iba kong stories!)

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon