Chapter 15: The Haunted House

3.2K 36 6
                                    

[Ava's POV]

Waahh! 2nd day na namin ngayon sa tagaytay! I am so excited! Nandito kami ngayong mga girls at nagpeprepare ng pagkain para sa mga tamad at natutulog pang mga boys -_- Grabe sila noh?!

"Ava tapos na ba yung mga bacon na niluluto mo?" tanong sakin ni Alexa na itino-toast yung mga bread.

"Ah oo malapit na tong matapos, konting hintay na lang" at yun, itinuloy ko na ang pagpiprito ng mga bacon. Sana magustuhan ni Chups ang luto ko ^_^

"So, kamusta naman kayong dalawa ni Kevin, ha Alexa?" natigilan naman si Alexa sa tanong ni Roxanne at bigla syang namula. Yiieeh!

"Nag-kiss na kayo kagabi noh?" pang-aasar ko pa pero mas nagulat na lamang kami nang lalo syang mamula.

"N-nakita nyo ba yung k-kagabi?" namumulang tanong niya sa amin. Tumawa naman kaming 3.

"hahaha! sabi ko na nga ba naka-first base na yang si Kevin eh" pang-aasar pa ni Roxanne. Lumabas naman si Nicole galing cr at tsaka naghugas ng mga pinag-gamitan namin.

"Eh ikaw Nicole? Kamusta naman kayo ni Keith?" tanong naman ni Alexa kay Nicole. Bigla namang  natigilan si Nicole.

"Kami? Okay naman kami pero sa tingin ko hindi pa nya ako mahal ng lubusan eh. Hindi naman lingid sakin na minahal ka Ava ni Keith at naiintindihan ko naman yun kaya pumayag ako na maging kami para naman mahilom yung sugat nya sa puso pero.. parang may kulang eh. Oo, ipinapakita nya sakin na mahal nya ako pero never pa nya yung sinabi sakin eh"

"Eh diba action speaks better than words?" saad naman ni Roxanne

"Oo nga pero, i wanna hear those 3 words" pagkatapos ay nginitian nya na lamang kami at tsaka muling binalingan ang ginagawa nya. Natigilan naman ako sa sinabi nya. Para bang nakaka-guilty -_-

"GOOD MORNING BEAUTIFUL LADIES!!" napatingin naman kaming lahat sa mga nagsalita. Aba! At gising na pala ang mga herodes na ito mula sa masarap nilang tulog habang kami ay nagkakanda-ugaga sa pag-luluto at paglilinis nung resthouse! Hmmp! Kainis!

"Morning Chups" niyakap nya na ako mula sa likuran at tsaka hinalikan ang buhok ko. Hindi ko ba alam kung kikiligin ako o kung maiinis ako eh -_-

"Hoy! Kayong dalawa ha! Mamaya na yang landian na iyan at tayo ay kumain muna! Gutom na ako" pang-aasar naman ni Ian. Well, umupo na kaming lahat at kumain na...

------*

After naming kumain ay naligo at nagbihis na kaming lahat tsaka kami nagkanya-kanya ng pamamasyal. Syempre by couples daw para naman masolo namin yung mga bf/gf namin. As if!

Kami ni Chups? Pumunta muna kami sa isang park at doon kami nag-pipicture at kung anu-ano pa. Pumunta din kami ng souvenir shop upang bumili ng mga pasalubong para sa mga maid at butlers namin sa bahay ^_^

After naming mamili ay napag-isipan naming umuwi na lamang sa resthouse. Syempre! Para may alone-time naman kami ^_^

[Alexa's POV]

So ayun nga, we went our own separate ways at ngayon, sinosolo ko ng bonggang-bongga ang super duper fafalicious kong si fafa Kevin!! >//////////////<

Naglalakad kami ngayon sa park, nakapalupot yung kamay ko sa mga braso nya. God! Ang macho nya! Ang swerte ko naman lord! Super mahal nyo talaga ako ^_^

"Bebe ko, san mo gusto pumunta?"

>///////////////////<

Oo nga pala, Bebe ko ang tawagan or endearment namin ngayon. Hehehe ^_^

"Ah, upo muna tayo sa bench.. Ayun oh" itinuro ko naman yung empty bench sa kanya at saka kami umupo doon. After naming maka-upo, bumalot ang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa. Ako na ang unang bumasag noon.

"Alam mo Kevin, hindi ko pa siguro nasasabi to sayo pero ikaw lahat ng first ko. Fist Love, First Boyfriend at First Kiss. Sana magtagal tayo noh? At kung mangyayari man sana, sana pagdating ng araw, ikaw ang mapangasawa ko" tumingin naman sa akin si Kevin tsaka hinaplos ang mga pisngi ko.

"Oo naman syempre. Kung gusto mo nga tayo na forever eh" then unti-unti na nyang inilalapit yung mukha nya sa mukha ko, ako naman ay napa-pikit na lamang. Nung malapit nang lumapat yung labi nya sa mga labi ko, may narinig akong humagik-gik..

Napatingin naman kaming dalawa ni Kevin sa mga halaman doon, bigla namang lumabas sina Keith,Nicole,Roxanne at Ian dun. Grabe! Nakakahiya! >///////////////////////////////////////<

"Oops! Sorry to disturb you two! Hehehe ^_^" nagpaumanhin naman si Roxanne pero hinabol ko naman sya.

"Napaka-KJ nyo talaga! Malapit na eh! Sayang" at nagpatuloy kami sa paghahabulan.

Nang mapagod na kami ay umupo na kaming lahat sun sa may mga bench.

"Uy, mamayang gabi, dare tayo" napatingin naman kami kay Nicole na syang nagsalita.

"What kind of dare?"

"May haunted house daw dito and papasok tayong lahat by couple. Ang couple na mananalo at makakalabas agad ng haunted house ay may special prize mula sa ating 8! Tara! Sabihan na natin sina Ava tungkol dito ^_^" at ayun nga, pinuntahan na namin sila Ava..

------------LATER------------

T_T Waaaaaaah!

Nandito na kami ngayon sa tapat ng haunted house at kinamalas-malasan, kaming dalawa ni Kevin ang mauunang pumasok! T_T huhuhu

Ayoko pa naman din sa kahit anong spooky or scary T_T

"Bebe ko ano? Tutuloy ba tayo?" tanong sakin ni Kevin. Kumapit na lamang ako sa braso nya at tumango. Pumasok na nga kami sa loob.

[Kyle's POV]

At ayun, pumasok na nga sina Kevin at Alexa sa loob. Yumakap naman sakin si Ava. Hehe ang cute nya talaga kapag natatakot! Kami na kasi ang sunod kayna Kevin at Alexa. Takot pa naman si Ava sa mga madidilim na lugar kaya sure ako mapapa-yakap yan sakin ^_^

"Chups! Ayokong pumasok!"

"Ava naman, andito naman ako"

"Basta ayoko ko parin Chups!"

"sige na please?"

"Eh baka may magpakita dun!"

"Wala yan!"

"Sure ka ba?"

"Oo nman! Sure ako------"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!!" napatingin kaming lahat dahil may biglang umirit sa loob ng haunted house. Biglang bumukas yung pinto ng haunted house at nagmamadaling lumabas si Kevin at Alexa. Si Kevin at hinihingal na at si Alexa ay parang naiiyak na.. Nakakatawa sila,!

"Guys! Wag na kayong pumasok! May multo!" sabi naman ni Alexa. Lalong humigpit ang yakap sakin ni Ava.

"Hehe! Wala yan! Tara na Ava!" at ayun nga, pumasok na kami....

<ITUTULOY>

(A/N: Lol! Ano kaya ang mangyayari sa kanila sa loob ng haunted house? baka naman mas mauna pang matakot si Kyle kesa kay Ava?! Lol! Bakla lang ganun?! Well abangan nyo na lang sa susunod na chapter ng I HEART YOU KUYA... VOTE AND COMMENT PO!!)

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon