Chapter 1: The beginning of Love

8.5K 109 29
                                    

Sabi nila ang true love daw, minsan lang dumating sa buhay ng tao. Kapag daw nahanap mo na ang taong gusto mong makasama sa habangbuhay, wag mo na daw pakawalan. Pero pano kung mainlove ka sa maling tao? Na dapat, hindi lalagpas sa pagmamahal mo bilang "KAPATID" ang feelings mo sa kanya.. Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo kung sa puso mo siya na talaga? Pano kung habang tumatagal na magkasama kayo, unti-unti kang nahuhulog para sa kanya? Lalabanan mo pa ba ang nararamdaman mo?

Ako si Ava Courtny Villamayor o mas kilala bilang AC, 16 years old na ako at ito ang kwento ko...

[Ava's POV]

Bata pa lang ako nung mag-start akong humanga sa kakambal kong si CK o si Christian Kyle Villamayor. 10 years old pa lang ako noon nung nag-simula akong makaramdam ng kakaiba para sa kakambal ko. Palagi kaming magkasama ni Kuya CK. Kadalasan nga eh palagi kaming nasa kwarto at nagkukulitan kapag walang pasok. Magkatabi rin kami sa upuan sa school at magkatabi din kami sa kama.

Picture nung kwarto nila --------------------------------->  

6 years before....

Grade 4 na kami ni kuya ngayon. First day ngayon ng pasukan kaya maaga akong nagising. Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko ang oras

5:15 am

Ayos, maaga pa! Kailangan ko rin kasing pumasok ng maaga ngayon eh, ayoko kasing late dumadating sa school kapag unang araw ng pasukan. Tiningnan ko naman si Kuya na nasa tabi ko at ang himbing pa ng tulog at nakayakap pa sa unan niya.

"Hehe, ang cute mo naman kuya kapag tulog" bulong ko sa sarili ko habang tinititigan ang maamong mukha ni kuya..

*dug dug

*dug dug

*dug dug

O_O

Ano yun? bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? May sakit ba ako sa puso? Hmmp! Hahayaan ko na nga lang ito, mawawala din naman ito, ninenerbyos lang siguro ako at first day ngayon ng klase. Dahan-dahan naman akong bumangon ng kama para hindi magising si kuya saka ko binuksan ang pinto at bumaba ng hagdan papuntang kusina.

Pag-kababa ko, nakita ko ang mga yaya namin na na nag-aayos ng lamesa at inihahanda ang mga pagkain. Nang nakita nila ako, kaagad silang tumigil sa ginagawa upang batiin ako.

"Magandang umaga po Señorita" sabi nila sakin habang pababa ako ng hagdan. Kailangan talaga senorita? charotera lang talaga mga maid namin..

"Si mommy?"

"Naku kaka-alis lang po ni Mam Elyssa papuntang kumpanya ninyo, hindi na nga po kumain at nagmamadali po" sabi nung isang katulong.

Syempre ako naman disappointed kaya hindi na lang ako umimik at naupo na sa hapag-kainan. Inabutan nila ako ng cereal at gatas kasi yun lang naman talaga ang kinakain ko sa umaga. Si kuya lang naman ang nag-kakanin eh.. Habang kumakain ako, biglang may tumabi sakin. Paglingon ko, si kuya na pala yun!

"Gising ka na pala kuya?"

*dug dug

*dug dug

"Oo, baki hindi mo ako ginising nung nagising ka na ha?"  naka-pout si kuya. Grabe ang cute nya talaga!

"Sorry kuya, ang himbing kasi ng tulog mo eh" pagkatapos nginitian ko na lang siya saka itinuloy ang pag-kain.

Nang matapos na kaming makapag-handa ay inihatid na kami ng driver namin sa school. Inihinto na nung driver ang sasakyan at bumaba na kami sa gate ng school namin. By the way, ang school nga pala namin ay exclusive lang para sa mga mayayaman kaya lahat kami dito ay mayaman at isa ang pamilya namin sa pinaka-mayaman sa school namin.

Habang naglalakad kami ni Kuya CK, bigla na lang may sumigaw mula sa likod namin..

"Kyle My Labs! Namiss kita!"  at pag-lingon namin, hindi nga kami nagkamali ni kuya, si Pamela nga ang natawag kay kuya. Patakbong lumapit sa amin si Pamela saka niyakap ng mahigpit si Kuya. Si Pamela ay ang bestfriend ko at patay na patay kay kuya CK ko.. hahaha sanay na kami ni kuya kay pamela. At pagkatapos ay lumitaw mula sa likod niya si Keith. Ang cute na si Keith na may crush sakin since grade 1! Oh di ba? mahaba na rin ang hair ko!

Lumapit naman sakin si Keith na medyo nahihiya pa saka hinawakan ang kamay ko.. 

>///////////////////////////////<

Ang cute nya talaga!

"Ah, Ava of my life, kelan mo ba ako sasagutin?" tanong sakin ni mokong. Bago pa ako makasagot ay nabatukan na siya ni kuya Ck na halos umiyak na sa katatawa.

"Pwede ba Keith! haha tigilan mo nga ang kapatid ko ng kalokohan mo! Ni hindi mo pa nga yan nililigawan eh pano ka sasagutin?"  halos gumulong na si Kuya sa katatawa.

"Eh natatakot akong manligaw dahil sayo Kyle eh! Lalapit pa nga lang ako kay Ava para ka ng papatay ng tao, manligaw pa kaya?!" sabi ni Keith

Niyakap naman ako ni kuya sabay kindat sakin.

"Syempre naman noh! Si Ava ang prinsesa ng pamilya namin kaya back-off ka na lang muna Keith, akin siya" naka-ngiting sabi ni kuya.

Akin siya

Akin siya

Akin siya

Akin siya...

Ganon? Paulit-ulit lang? Unli-unli? hay naku, hindi ko alam pero parang ang sarap sa tenga nung mga sinabi na yun ni Kuya. Siguro nga kasi kapatid ko siya eh.. Masaya na ako na iniingatan ako ng kakambal ko..

Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa classroom namin..

(A/N: Eto po yung first chapter ng I heart You Kuya, medyo wala masyadong kilig parts dahil bata pa sila pero as the series go on, dyan na madedevelop ang love at selos. Salamat po for reading this first chapter, sana po basahin nyo pa ang mga susunod na chapter)

I Heart You Kuya [FIN]Where stories live. Discover now