Chapter 27: Little Sister Blues

2.2K 27 9
                                    

[Kevin’s POV]

“Aya?!?!” Na-shock ako. Anong ginagawa ng babaeng yan dito? Hindi ba dapat may pasok sila? Napatingin naman ako kay Alexa at medyo hindi maganda ang expression nya sa mukha. Uh-oh…

“Yes! The one and only me! Ikaw naman! Parang binibisita lang kita eh ^___^” tapos inintertwined nya yung braso nya sa braso ko. Patay!

“Ah, Alexa, si Aya nga pala. Aya si Alexa, girlfriend ko” at nagkamayan naman sila. Si Aya ayun, todo smile lang pero iba ang pakiramdam ko kay Alexa eh. Parang mangangain ng buo.

“Hi Alex! I’m so glad to finally meet you! Palagi kang nakukwento sakin ni Kevin” sabi naman ni Aya kay Alexa.

“Ah talaga? Sorry ha, hindi ka pa nya nakukwento samin eh” medyo Parang may sarcasm yung boses nya. Naku, if I know, nag-seselos na yan ^___^

Bigla namang lumingon sakin si Aya at pinaghahampas ako sa dibdib. Aray ha!

“I hate you! Anong klaseng kuya ka ha?! Bakit hindi mo ikinukwento ang little sister mo sa Barkada mo?! I sooooo hate you na kuya Kevin! Isusumbong kita kay mommy! Ipapa-cut ko ang allowance mo!” yup. You heard her. Iannelle Star Samonte is my younger sister. Mas matanda ako sa kanya ng 1 year. Nasa 3rd year high school pa lamang sya ngayon at kami naman ay nasa 4th year na.

(A/N: kung mapapansin nyo, si Aya ay 4th year highschool na sa We’re Unexpected Yet Meant To Be kasi po iba ang storyline nun. Ito po ang sitwasyon ni Aya before that story ^___^)

“KAPATID?!?! YOUNGER SISTER?!?!” at sabay-sabay silang na-shock. Sinasabi ko na nga ba eh. Kaya ayaw kong sabihin sa kanila. Daig pa nila ang na-stroke kung makapag-react ngayon eh.

“Oo guys, kapatid ko sya. Aya is actually in 3rd year high school ngayon sa St. Charles University. Kung magtatanong kayo kung bakit hindi kami magkasama sa iisang school, well, nakaka0inis sya okay? Masyado syang girlish” at after kong magpaliwanag, lumapit naman si Alexa kay Aya.

Hinawakan ni Alexa ang kamay ni Aya at kunwari ay mapapa-iyak na ewan.

Ewww…. Girls!

“I can feel the pain Aya. Alam ko ang hirap na dinadanas mo sa pagkakaroon ng stubborn na kuya” at bigla namang nagliwanag ang mukha ni Aya.

“Grabe ate Alex! Alam mo pala ang nararamdaman ko?” Wow! Pagtulungan  ba daw naman ako? Well, bagay na bagay talaga kayong mag-ate! Sa bagay, magpopropose naman ako kay Alexa after college or baka nitong high school graduation eh ^___^

“Uhm guys, gusto nyo gumala tayo?” pagtatanong naman ni Ava. Ay oo nga pala!

“Sige ba!” at ayun, nag-shopping Kami kasama ang makulit Kong Little sister, nang papauwi na Kami, nag-decide kaming mag-hiwahiwalay na ng daan. Si Alexa, hindi nagpahatid sakin kasi andyan daw ang driver nya. Well, okay lang naman sakin. Naiintindihan ko sya.

Habang nasa loob Kami ni Aya ng sasakyan, Bigla syang nagsalita.

“You know kuya, i like ate Alexa for you. She’s nice, pretty, sexy, thoughtful, sweet and very caring. Feeling ko, hindi mo pagsisisihan kapag naging mag-asawa kayo ^____^”

“I hope so too Aya… Maybe someday, kami din sa huli. Who knows?”

“Yeah right! I hope so!”

{A/N: Guys! Sorry po for the short and ugly update! Babawi na lang po ako sa inyo sa next chapter! Busy po kasi ako ngayon sa school eh. Sorry po talaga! Well, aya, approved na si Alexa kay little sister Aya. Eh si Kyle at Ava kaya? Kelan magkikita? Abangan na lang :DD VOTE COMMENT AND PA-FAN NARIN KUNG GUSTO!!)

I Heart You Kuya [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon