☆ Tune Forty One

11 1 0
                                    

(Emmy)

Nakabalik na kami ng Pilipinas, sa ngayon sa ay nasa private hospital kami kung saan naka-confine si Lyca. Kahit hindi namin siya ka-close eh naaawa parin naman kami sakanya.

"...And that's what happened. Janice is on run, and Annika is denying."-Ken. 

 Nandito ang lahat ng kaibigan ni Lyca at Ken para damayan sila --- syempre nanjan si Foryt, pero hayaan na muna ang inis-- Tulog palang si Lyca mula ng dumating kami dito, ang sabi ni Ken maayos na ang kalagayan niya kaso 'yun nga laging tulala at nakatingin sa bintana tapos bigla iiyak at magwawala, siguro ay naaalala niya kung ano ang nangyari. 

"Ken, una na muna kami, dalhan nalang namin kayo ng notes." -Warren. Kaibigan ni Ken. 

"Sure. Salamat bro." Tumango nalang si Warren at umalis kasama ng ibang lalake at babaeng kasama niya. Bale ang naiwan nalang ay kaming tatlo nila Ina, Ken, tulog na Lyca, Forty at Dave. Parating na rin si Raille, binalita namin sakanya ang nangyari since nalaman naming nagkausap pala silang dalawa mula nung nagtransfer kami sa Antel. 

Alalang-alala nga siya nung nalaman niya eh, i think they're good friends. 

"So... What are we gonna do now?" -Pambasag ni Ina sa katahimikan na bumalot sa amin. 

"Wait until Lyca's awake? I guess?" -Dave. 

"Sayang si Janice, boto na ako sakanya para sa'yo eh. Maganda, maputi, at mukhang mabait... Tsk. Sayang talaga siya. So sino naman ang magiging bagong girlfriend mo?" -Lexa. -_- 

"Ayoko na muna, nakakatakot eh. Buti nga't hindi pa ako patay ngayon eh pinatulog lang nila ako, pero baka 'yung susunod kong magiging girlfriend eh patayin ako." 

"HAHA! Dapat kasi maglaro ka muna tulad ko, naglalaro lang sa mga babae. Pero 'di ko naman magagawa sakanila ang ginawa nila sainyo noh." -Forty. Pesteng lalake 'to. Nilalantad ang kanyang kahayupan. 

"Tss. Sabihin mo lang kasi hindi ka g'wapo kaya walang nagkakagusto sa'yo at puro nalang hipon ang mga nabibingwit mo." -Dave. Tama. Tama, hindi talaga siya g'wapo. Isa siyang malaking asungot na nilabas sa ilong ng isang ogre na nakatira sa kailaliman ng gubat. 

"Sus. ang sabihin mo lang Dave inggit ka sa kagwapuhan ko kaya mo 'yan sinasabi, o baka naman.... nagseselos ka kaya mo 'yan sinasabi. Hindi ko alam na type mo pala ako ha. Hayaan mo sa susunod ikaw na ang magiging girlfriend ko."  

Binato siya ni Dave ng throw pillow na nasa couch, sapul sa ulo. 

"Lul,  ka. Mangarap ka dude. Sa g'wapo kong 'to hindi ako pumapatol sa bakla." At ayun nagbatuhan sila ng throw pillow, nasa kabilang side kasi si Dave at sa kabila naman si Forty. Nagmukha silang mga bata na nag aaway sa titulo ng ka-gwapuhan, nanunuod lang kami sakanila. Nang biglang bumukas ang pinto, andito na si Raille kaso---- Nakaharang si Forty sa pinto ng binato siya ni Dave ay yumuko ito at si Raille ang nabato, ayun sapul sa mukha.

"Duling!"- Forty

"Gago!"-Dave.

Tawa lang ako ng tawa hindi ko mapigilan eh, mukhang sabog na nga si Raille sa itsura niyang naka jogging pants at medyo magulo pa ang buhok na parang bagong gising, nabato pa ayun nadoble ang kasabugan niya.

"Oh, Raille? Anong ginagawa mo at naka upo ka sa lapag? May couch naman doon." Takhang tanong ni Forty, kay engot talaga kahit kailan.

"Engot, ikaw may kasalanan niyan." -Lexa. Good, good.

Tinuro niya ang sarili niya, "Ako?"

Tumayo si Raille, pinulot niya ang throw pillow at binato sa mukha ni Forty.

"Masakit 'yun, pumunta kayo ng playground kung gusto niyong maglaro, huwag dito magigising niyo si Lyca." Galit man ang tono niya ay malumanay parin kung magsalita.

"So--rry." -Forty. Pumasok si Raille at nilagay sa mesa ang dala niyang bulaklak at prutas. Nakatingin siya kay Lyca na punong-puno ng pag-aalala. 

"Kawawa naman siya.." 

"Hmm.. Pero malakas si Lyca kaya niya 'yan basta't nandiyan lang lahat ng kaibigan na p'wade niyang kapitan." -Ina. Magkaaway man sila mula nung elemntary ay may puso parin naman si Ina. 

"Tama ka. Ah, nga palakumusta na kayong tatlo?"

"Ayos lang, eh kayo sa Cauldwin?" -Lexa. 

"Ayos lang, medyo nagkakaroon ngalang ng kaguluhan kasi sabi nila malapit ng maisara ang school kasi unti na rin ang pumapasok doon, karamihan ay nagiging tamad ng pumasok." 

Mula nung lumipat kami maraming nagbago sa Cauldwin High, mas lumaki na rin ang naging sakop ng private lot sa school kaya mas lumiit ang space ng school. Wala na ring mga sports activity at music activity doon, isa pang news ay bumalik si sir Matt doon para maging teacher ulit. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak ng teacher na 'yun kasi magtuturo siya doon for free. 

"So, paano na pala 'yung nag scout sa'yo sa France?" 

"Ah, oo nga pumayag ka ba?"

Yumuko siya at tumingin kay Lyca. Umiling siya. "Hindi pa, hindi ko alam kung papayag ako. Malaking opportunity naman 'yun kaso ngalang.. Si Lyca, hindi ko naman siya p'wedeng iwan sa ganyang kalagayan. Si Lyca rin ang dahilan kung bakit may nag scout sakin galing France." 

"Huh? Akala ko ba si sir Matt?"

Umiling iling siya at yumuko nanaman. "'Yung design na pinost ni sir ay ang design na binigay ko kay Lyca, para kay Lyca ang damit na ginawa kong 'yun. Kinuha niya sa akin 'yun at hindi ko alam na binigay niya pala kay sir Matt, nalaman ko nalang 'yun nung kinausap ko si sir Matt nung nalaman kong may nag scout sakin." 

First time 'to ha, ngayon ko lang nalaman na may konting kabaitan din naman pala si Lyca, siguro nga iba lang ang pagkaka kilala ko sakanya dahil lagi niya kaming binu-bully nung elementary. -_- Naaalala ko tuloy nung time na inutusan niya ang isa naming classmate na lalake na kunin ang bag ko at itago sa likod ng school building, grade 4 pa kami nun. 

"ugghh.." Lumingon kaming lahat kay Lyca na bumabangon na. Umupo siya sa kama at tumingin sa amin. 

"Uh?" 

"Hi." -Ako. 

"Emmy?"  Ngumiti ako sakanya, hindi niya ako nginitian pabalik at tumingin sa iba.

"Lyca. Ayos ka na ba?"-Raille. Tumingin si Lyca sakanya at ngumiti. Ok. Madaya 'tong Lyca na 'to ah, ako ang ngumiti hindi ako nginitian, kay bastos talaga. 

"Oo.. Ah! Kailan ka aalis?" 

Tinaasan ko ng kilay si Ken, kasi ang sabi niya tulala lang lagi si Lyca pero sa tingin ko naman ay hindi. 

"Ken?" Tumingin siya sa akin at nagkibit balikat. *Sigh* Siguro naman eh may ibang effect si Raille sakanya kaya ganyan. 

Nagkwentuhan silang dalawa na parang hindi kami nag e-exist. Makalipas ang ilang minuto a=pa ay nagpaalam na kaming umalis, hindi naman kami pinansin ni Lyca nung umalis na kami pero i'm sure...  Tumingin siya sa amin nung sinara ko ang pinto. 

Naglalakad kami sa hallway habang inaayos ang mga disguise namin para hindi kami makilala sa daan, hindi pa kami nakakalayo sa kwarto ni Lyca ay nakita ko na agad si Annika na may dalang puting rosas at may ngiting nakakaloko. Nilagpasn niya kami na parang hindi niya kami kialla--hindi naman talaga. 

Pagkalagpas niya ay sinundan ko siya ng tingin. Sinong mag aakala na may isang taong gustong mawala ang kapatid niya kahit anak sa labas lang siya? Tsk. 

Siya ang isang halimbawa ng taong walang puso. 

----- :) Ciao!

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now