☆ Tune Twenty Four : contract"

12 0 0
                                    

(ina) 

"Huy, gising na..."  

Naalimpungatan ako sa yumuyugyog sa akin, kitang natutulog 'yung tao eh. Hindi ko nalang pinansin at tinuloy ang pagtulog. Pero napabangon ako ng bigla itong sumigaw sa tapat ng tenga ko pa!

"ano ba'ng problema mo?!"  sigaw ko. Si Chanak lang pala. 

"Umaga na, tara na uwi na tayo."   Nilibot ko ang paningin ko sa paligid naka tulog ang lahat, ano ba'ng nangyari kagabai?  Ang naaalala ko lang ay nag-inuman kami tapos... kwentuhan ano pa ba? 

"Anong nangyari---Ouch.."  Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla itong sumakit, parang may nangangalkal na kung ano. Hindi  niya ako sinagot kundi kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa balikat niya tsaka niya ako inakay palabas ng bar. 

"ano ba'ng nangyari?"

"The three of you are wasted last night. Just stay there and sleep. Babalikan ko lang si Lexa---or not."

May humintong kotse sa harap namin, may lumabas na lalaki, sa pagkakatanda k ay Edward ang pangalang sinabi ni Lexa. 

"Bro, si Alexa?" Tanong niya kay Chanak. 

"Nasa loob puntahan mo nalang."  Sagot ni Chanak sakanya, tumango nalang si Edward at pumasok na sa loob, ilang minuto pa ay lumabas na din siya na buhat-buhat si Lexa. Pinasok niya ito sa kotse niya at pinaharu-rot na paalis. Sumakay na din si Chanak sa kotse at umalis na kami ng walang paalam sa ibang natira sa loob. 

----*

"Oh, inumin mo muna 'to baka mawala 'yang hang over mo."  Hinarap niya sa akin ang isang baso ng mainit na kape. Tinanggap ko ito at ininum agad. Masakit na talaga ang ulo ko at, nahihilo pa ako.

"S'an pala si Emmy?"  

"Inuwi ni Forty dahil masyado na siyang maingay kagabi at hindi na namin siya makontrol kung ano-ano pa ang ginagawa, in short, mukha siyang baliw kagabi."

"Eh, ako anong ginagawa ko?"

Napatingin ako sakanya kasi ni hindi manlang siya umimik nung tanungin ko kung ano ang ginawa ko kagabi, wala talaga akong maalala. Mapula ang tenga niya, talo pa ang red light sa kalsada. Inirapan ko nalang siya at ininom ang kape bago bumalik sa pagtulog. 

------------*

Kasalukuyan akong nagtatago dito sa library dahil kumpulan ang mga tao sa labas, malay ko kung bakit pagkarating namin dito ay dinagsa kami kaagad, may iba na nagtatanong ng auto-graph at pictures pero tinakbuhan ko lang, as if naman noh!

"Ms. Smith, hindi ka po p'wedeng magtago dito sa library dahil padami sila ng padami baka magulo ang mga libro dito."  Sabi ng Librarian sa akin na gulong-gulo ang buhok, i feel her, kawawa si Ms. Librarian. 

"May, iba po bang labasan dito?--bukod sa pintuan?"

"Sa bintana hindi naman masyadong mataas eh, pero sa restricted part ka ng school lalabas."  Napasilip ako sa bintana dahil sa sinabi niya, ngayon ko lang ulit naalala ang folder na 'yun. 

"Sige po, may tali po kayo?"

Naglabas naman siya ng mahabang lubid, girl scout si ma'am laging handa eh. Tinali ko sa isang bakal tsaka ito hinulog sa sliding window ng library at bumaba na. Pagka baba ko ay tumakbo na agad ako sa principals office. Nangalkal ako doon ng kahit anong folders dahil nawawala 'yung folder na nakita ko dito na may pangalan nila mom. Napa-upo ako sa sofa na andoon, wala talaga eh, kahit saan ko pa hanapin ay wala talaga. 

*bzzzzt*

Kinuha ko ang nakabulsa kong phone at binasa ang isang text na galing sa chanak na 'yun. 

'San ka na?! '

'Wag na siyang umasa na magre-reply ako dahil wala talaga akong load. Nagpalipas  muna ako ng ilang minuto bago umalis sa kwartong 'yun. Nagmukha pa akong ninja sa pagiging trying hard kong magtago, aba naliliparan ang mga taong gusto akong murdurin. 

Napatigil ako sa isang kwarto ng may paparating na tao, nagtago ako doon at hinintay silang maka daan. 

"Nabalitaan mo ba na nanalo daw ang section 1-B kahapon?"

"alam ko na 'yan. Naku!! Tinalo nila ang mga pinsan ko humanda sila, pangarap ng mga pinsan kong makilala ang banda nila pero dahil lang sakanila eh nawala na at napahiya pa sila sa harap ng madaming tao!" 

Bigla kong naalala 'yung banda ng 1-A na natalo kahapon, -3- ni hindi pa nga kami sikat eh, may haters agad-agad?! Grabe na this ha!.   'Di ko nalang pinansin at tumakbo papunta sa gate, andoon sila Sir Matt, Lexa, Emmy at walang iba kundi si Chanak!.

"Minsan matuto kang magpaload!"  Sigaw niya sa akin.. tss.. kung alam niyang wala akong pera dapat alam niyang wala akong pangload.

"Bakit ka ba nandito ha?! Escape ka nanaman noh?!"

"And so? Pake mo ha?"  Inirapan ko nalang siya.

"Sige, na alis na kayo habang walaa pa ang mga avid fans niyo, lakas ng hatak niyo eh, maging sa ibang school dumadagsa na dito. "

"weh?"

"oo nga."

Napatigil kami sa pag aasaran ng biglang dumating angmga halimaw kaya napatakbo kami papunta sa kotse, aga namang pinaharu-rot paalis ni Chanak ang kotse. 

Walang nag-imikan sa aming lahat, at ramdam ko ang awkward atmosphere between them, anong meron?

Imbis na tanungin ko 'yun ay tumahimik nalang ako baka hindi rin lang nila ako pansinin. Ilang oras ang lumipas ay tumigil kami sa harapan ng isang building, hindi ito ang condo ni Chanak. 

"Tara."  Aya niya nagsi labasan na kamig tatlo, at pumasok sa building may mga taong nagmamadaling maglakad at pumupunta kahit saan. May mga sigawan ding nagaganap, pero tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa tapat ng elevator, may pinindot si Chanak na number at tumaas ang elevator, kita ang buong syodad sa mula dito sa elevator palang, glass type kasi ito. Tumigil ang elevator, lumabas kami at sinundan lang si Chanak kung saan man niya kami dadalhin. 

Sa hall way may mga picture ng mga sikat na singers,  at mga banda mula 1990?  'Yun 'yung nakalagay eh.  Napatigil ako ng tumigil din sila. Nasa harap kami ng isang pintuan, may nakasulat dito na "manager" . 

Kumatok si Chanak at may sumagot ng 'come in'.  

May babae, naka upo sa dulo ng isang mahabang mesa, Maganda at batang-bata ang mukha, siguro nasa 20's palang siya. 

"Good morning, please have a seat."

Sinunod lang namin ang sinabi niya at wala paring umiimik. " I assume, sinabi na saniyo ni Matt kung bakit kayo nandito?

"uh... hindi po eh. pero sino po kayo?"

Napangiwi nalang siya sa tanong ko, bakit ba? Eh sa hindi ko nga siya kilala eh.

"okay, I'm Ms. Silvia, the manager of King's Entertainment."

Entertainment?  *ting!* naalala ko na isa siya sa mga judges!

"Sorry po, hindi ko po agad kayo nakilala."

"it's alright,"

"ah, ano po 'yung dapat na alam namin?"  Pagtatanong ni Lexa. 

"Well, i'm offering you a contract, be part of king's entertainment family. Ako na ang bahala sa lahat ng problems niyo, school transfer, financial at house. So, are you fine with it? Just be part of the family."

"po?"  Sagot ko kasi, ano daw?  Family?

"be part of the family, ang gagwin niyo lang ay kakanta that's all. You'll be a great singer just like taylor swift, and others."

aa... ok... WHAT?!!!!

napanganga ako sa sinabi niya, kami magiging singers? weh?! 

"So, sign the contract if you want my offer."

"Eh... p'wede po bang pag-isipan muna?"

"sure, go ahead.

--------------

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now