☆ Tune Twenty : Gift Hunt

28 0 0
                                    

[Ina]

"today was a fairy tail,

you were the prince

i used to be a damsel in distress

you took me by hand and you picked me up at six

today was--"

Napatigil ako sa pagkanta ng may hayop na bumato sa akin sa ulo, bakit ba lagi nalang akong natitirahan doon? Balak ba nila akong patayin?

"Problema mo?!"  sigaw ko doon sa namato, si Chanak na nasa pinto at nakasandal. "samahan mo ako." Tnaasan ko siya ng kilay. 

"At bakit naman aber?!" 

"Sige na wala akong alam sa mga regalo para sa mga babae." 

Numisi ako sakanya, ano siya chicks? asa siyang sasamahan ko siya jan.

"Asa ka dude, namamato ka jan tapos sasamahan kita? Asa!" 

Mas nilakasan ko pa ang volume ng radio at nagwala dito. "hoy! Masisira eardrums ko sayo!" Sigaw niya pero di ko ito pinansin, bahala siya jan, masakit ang batok ko dahil sa pambabato niya.

Napatigil ako sa pagwawala ng biglang tumigil ang kanta, tumingin ako sa radio hindi na pala ito nakasaksak at hawak-hawak pa niya ang kable habang naka kunot ang noo. "Ano ba! balik mo nga 'yan!" sigaw ko pero hindi niya sinunod at lumapit siya sa akin tsaka ako hinila at pinasok sa loob ng banyo, at ang masama pa kasama siya. 

"h-hoy! Anong ginagawa mo?!" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin at tinanggal ang t-shirt tsaka binuksan ang shower. Napatalon ako sa lamig na bumungad sa likod ko. 

"tanggalin mo 'yang shirt mo." utos niya pero 'di ko ginawa. At bakit ko naman tatanggalin hayop pala 'to eh! Itapon ko kaya sa dumpsite at malaman kung saan siya nababagay. 

"Alam ko maligo! At bakit mo ba ako pinapaliguhan ha?!" pinatay ko ang shower pero binuksan niya ulit. 

"kasi sasama ka sa akin."

"anjan sila Emmy at Lexa. Labas ka nga!" binato ko siya ng bote ng shampoo pero naka ilag naman, sabon, towel, PH care? paanong nagkaroon nito dito? Lahat na ng pwedeng ibato binato ko sakanya pero ni hindi manlang natirahan ni isa. hayup! 

"maligo ka na kasi, sasamahan mo lang ako eh. Wala 'yung dalawa." 

"Ayoko nga kasi!"

"sige na please!!" Sinamaan ko siya ng tingin at akmang babatuhin ng slipper ko pero lumabas na siya ng banyo, Agad niya namang sinara ang pinto lalabas na rin sana ako ng bigla siyang sumigaw ng nakaka bwisit. 

"Flat ka lang eh!!" 'yan, 'yan ang sigaw niya, napaka hayup talaga. agad naman akong napatingin sa hinaharap ko, hindi naman matumbok nga eh -3-  binalot ko ang sarili ko ng towel bago lumabas. 

"wow, sabay kayo naligo?" biglang bungad sa akin ni Lexa na naka upo sa sofa nasa harap nito si Chanak na masamang naka tingin sa akin. 

"Hindi 'yang hinayupak na 'yan bigla akong hinila sa banyo."

"okay."  sabi niya at umalis ng kwarto.  pero ang chanak na to hindi pa umaalis.

"oh? papanuorin mo akong magpalit?" sarcastico kong tanong, napa lingon nalang siya sa ibang direksyon at umalis sa kwarto. Nagpalit ako ng simpleng damit lang, t-shirt at jeans tapos rubber shoes tapos na. Lumabas ako ng kwarto naabutan ko silang nag uusap, naka palit na rin siya. 

"Date kayo?" tanong ni Emmy.

"hindi, hoy! akala ko ba wala sila?!" 

"Bumalik lang kami para i-check kung ayos pa ba kayo dito, pero mukhang ayos pa naman kayo sabay pa nga kayong naligo eh diba?" Mapang -asar na sabi ni Lexa inirapan ko nalang sila. "Tara na para maagang makabalik!" Utos ko naka ngiting aso naman siyang sumunod.

--------------------

MALL

"Anong meron at kaialngan mo pang maghanap ng regalo?"

"birthday ni Lyca, kaya kailangang may regalo para mamayang gabi. At invited kayong tatlo."

Napatigil ako sa paglalakad, si Lyca daw may birthday. ngayon ko lang naalala ang dapat kong itanong sakanya.

"Anong meron sainyo ni Lyca?" Lumingon siya sa akin at nagsimula ulit maglakad.

"Pinsan ko. Anak siya sa labas ni tito, last year ko nga lang nalaman eh."

"anak sa labas?"

"Oo, lasing si tito ng magawa niya 'yun sa isang kasambahay nila na which is ang nanay ni Lyca." Napatahimik nalang ako sa sinabi niya, mali pala ang akala ko na mag syota sila. 

Pumasok kami sa isang botique, at kung ano-anong damit ang pinapatingin sa akin pero malay ko ba sa mga ganung damit? Hanggang jeans ngalang ako eh.

"Ay, bakit mo nga pala nasabing invited kami? Ni hindi nga kami close eh."

"Ako ang nag invite,  kahit naman 'di kayo close eh.--Eto nalang kaya."

Pinakita niya sa akin ang isang  blue dress, cute and simple but looks elegant. Bagay na 'to kay Lyca. Tumango ako sakanya, akala ko 'yun na eh pero nangalkal ulit siya ng iba pang dress.

"Anong gagawin mo sa maraming dress? Susuotin mo?"

Tumingin siya sa akin na parang hopeless.  "Utak rin Ina noh? Malamang susuotin mo at ni Lexa."

"At bakit?" 

"Nakikinig ka ba kanina?"

"kailan?" Napa facce palm siya at pinaliwanag ulit, invited kami sa birthday, angal pa nga ako ng angal pero wala naman akong magawa baka hilain ulit ako neto papunta sa fitting room, nakakahiya kaya pumayag nalang ako, white cocktail dress with ribbon sa waist. Kay Lexa ay color Black dress with white laces.

"Eh, kay Emmy?"

" don't worry, may sasagot na sakanya." 

"Who?"

hindi siya sumagot, nag diretso nalang kami sa parking lot at umuwi, ako na rin ang nagbalot ng gift. Ngayon lang kami nagkausap ng matino ng Chanak na yun. Pagdating ng hapon eh pinag ayos na kami ni Chanak, naligo at sinuot ko lang ang dress pero paglabas ko ng banyo bumungad sa akin ang isang bakla.

"Anong meron?"

"Aayusan ka niya, kaya wag kang makulit." Napamulat ako ng mata ko, ni hindi pa ako naayusan sa buong tanang buhay ko.  Sinimulan na akng ayusan ng baklang 'to, sabi niya light make up lang para tugma sa damit ko at maputi na daw ako at maganda, oh yeah i know!

Pagkatapos akong maayusan lumabas na ako, iba rin ang itsura ngayon ni Lexa, naka taas ang buhok nito at medyo makapal ang eyeliner niya which made her more stunning.

"Looks good on you, now shall we go?" Sabi ni Chanak nilahad niya ang kamay niya na tinanggap naman ni Lexa wala akong ibang choice kaya tinanggap ko na rin. 

Nagpunta kaming parking lot, may dalawang sasakyan na naghihintay ang isa ay may nakasandal na lalaki. "Dave." tawag nitong lalaking 'to tumingin naman yung lalaki. Gwapo, at ang cute ngumiti. 

"Dave this is, Lexa and Ina, take Lexa with you." 

"sure, now may i?" niilahad niya ang kamay niya kay lexa na tinanggap naman ng loka, sa kabilang sasakyan sila sumakay, kaming dalawa lang ni Chanak sa loob walang imikan hanggang sa nakarating kami doon sa venue. Maganda at elegant naman. 

Sumalubong sa amin si Lyca with that face again. "Oh, look it's the cheaps!" sabi niya tinaasan ko lang siya ng kilay pero napa baba na rin ng may marinig ako na nagpalungkot sakanya.

"ano namang tawag sayo." sabi ng isang babae na maganda rin naman. Walang reaction si Lyca pero kitang kita sa mata na malungkot siya. 

"Happy birthday,couz." bati ni Chanak

"thanks couz. Wel maiwan ko muna kayo ni cheap ha, enjoy the party." Paalam niya hindi niya ako pinansin at umalis nalang bigla. 

"'wag mong pansinin ang nagsalita kaina, that's her older step sister. Pero hindi sila close." 

Tumango nalang ako sakanya, weel, naiintindihan ko naman si Lyca eh. She's alone.

------------------

:)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now