☆ Tune Ten :: Masaya ka na?

21 0 2
                                    

(Shaina)

takte! kanina pa ako naririndi sa dalawang 'to. At kanina pa ako naka tayo sa harap nila at kanina pa sila nakaharang sa daanan ko.

"Ina, dito nalang tayo? pleaseeeeee????"

-Emmy

"ayoko, at kasama natin 'yang chanak na 'yan, hindi ba kayo aware na baka may gawin 'yang kababalaghan sa'tin?"

"Ina? green minded lang? Wala siyang gagawin sa'tin. Niligtas ka na nga nung tao ganyan ka parin sakanya? Imba ka sa taray at sungit 'te" -Lexa

"'wag mo akong madaan daan sa pilosopo mo Lexa, hahampasin kita jan"

Tinaas ko naman ang kamay ko na akmang hahampasin siya pero syempre di ko ginawa.

"Sige na kasi dito na kasi tayo, libre na tayong titira ang kapalit lang ay alagaan natin siya, at gawin ang mga gawaing bahay. Oh diba ? simple lang? Makakapag sidelines pa naman tayo eh." Pagpupumilit parin ni Emmy pero nanahimik ako.

Wala si chanak, iniwan kami dito nung natutulog pa ako, may pasok daw. Hindi manlang ako ginsing para pumasok rin, eto namang dalawang 'to nagpaiwan dahil babantayan daw ako baka lumayas kaya heto ako mukang ewan na nagpupumilit lumabas.

"umal---"

"ow!!!!"

ayun po nauntog silang dalawa sa pintuan, may nagbukas po kasi ayun nauntog sila naka upo na sila sa harap ko habang hawak-hawak ang likod ng ulo nila.

Pumasok si Chanak na naka kunot ang noo.

"oh, ano ginagawa niyong dalawa jan?"

"shunginerns lang? Chanak ka talaga! Malamang sa nauntog kami sa pinto dahil bigla mong binuksan!" sigaw ni Emmy.

"a..--"

"Layas jan aalis na ako. Ikaw bahala sa dalawang 'yan"

Akma ko siyang itutulak palayo pero nahawakan niya yung kamay ko.

"Sino nagsabi sayo?"

"Ako, ay bobo lang chanak?"

" Tsk, walang aalis sa bahay na 'to maliwanag dahil kung aalis man ang isa sainyo lahat kayo lalayas din."

Inirapan ko siya. As if naman matatakot ako?

" So? Matatakot na ba ako? Madali lang naman eh, oh kayong dalawa kunin niyo na mga gamit niyo aalis na tayo" sabi ko pero 'di sila gumalaw.

Tinignan ko sila ng masama at sinasabing gumalaw-kayo-look . Yumuko sila.

"Ina, isipin mo saan mapupunta ang katiting nating ipon?"

"'Yan ba ang iniisip niyo? Ako ang bahala basta 'wag lang tayong tumira dito."

Tumingala si Lexa may luha na siya sa pisngi. D*mn pinaka ayaw kong nakikita ay 'yong umiiyak silang dalawa. Kahinaan ko 'yon eh.

"I-ina.... 1000 nalang ang natira sa ipon natin."

Napatingin ako sakanila. Last time na chineck ko 'yon eh mahigit Limang libo 'yon eh! Bakit ngayon?

"Paanong---"

"Shuna lang? Ina? Nakalimutan mo ata ang mga pinambili natin ng gamit natin sa skwela at yung matrikula natin na humigit kumulang 980 ang isang studyante?! May apat na taon pa tayo sa high school, sa tingin mo asan mapupunta ang Isang libo?"

Pagpapa-alala sa akin ni Emmy doon ko lang naalala ang mga pinagbibili namin nung bakasyon para sa mga gamit namin. Paano ko 'yon nakalimutan?

"Oh, ano na Chakadal? Take it or leave it? Nasaiyo ang desisyon"

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now