☆ Tune Thirty Nine : Rival

24 0 0
                                    

(Ina) 

"*Yawn* So saan na?" 

Inaantok pa ako pero ang dalawang 'to ginising ako para daw mamasyal dahil wala na kaming time bukas para mamasyal. 

Two weeks naman kami dito pero sabi nga ni manager, mas maaga, mas masaya. Dahil bukas ay puro practice na ang gagawin namin. At next week na ang main concert. 

"Kung mag suot ka muna kaya ng disguise mo noh? May mga fans tayo dito sa Japan at ayokong pagkaguluhan naman tayo." -Emmy. 

Oo nga pala halos makalimutan ko na ang tungkol doon, paano kasi sanay naman ako na lumalabas ng walang disguise. Bumalik ako sa k'warto at nagpalit, simple jeans and t-shirt, nerd glass, at cap. hayan ayos na mukha na akong ibang tao.

Pinuntahan ko agad sila sa lobby. 

---

"Una nating pupuntahan ay ang Meiji Shrine, malapit lang 'yun dito..uh sa.... Shibuya, Tokyo sasakay lang tayo ng bus at nandoon na tayo." -Lexa.

"Hmm... Nag research ka talaga noh?" -Emmy. 

"Oo naman noh, nung andoon pa tayo sa Pilipinas ako naglista ng mga pupuntahan natin. Tara na marami pa tayong pupuntahan.!" 

Sinundan ko lang sila kung saan sila pumupunta, tulad nga ng sabi ni Lexa sumakay kami ng bus, hindi naman traffic tulad sa pilipinas eh. Kapag nasa bus ka ay may mga makikita ka pang ibang tanawin, kaso 'di ko naman alam kung ano ang mga 'yun. 

After 12 minutes ay nakarating na kami, Bilis noh? 

Lakad lang sila ng lakad habang ako eh palinga linga kung saan. 

"This area is covered by evergreen forest, kaya mapuno may iba't ibang species rin ng mga puno dito. Refreshing nga dito sa Meiji Shrine eh, para kang nabuhay muli sa pagkamatay." 

Uhh... Pagnaririnig ko 'yan feeling ko ang mga tao dito ay nanggaling sa lupa. -_- 

"Tara sa main yard. Magsusulat tayo ng prayers." 

Mukha namang angsaya nilang dalawa habang naglalakad, nagkwe-kwentuhan rin habang ako nandito lang sa tabi nila naka tunganga, abay ano bang kinalaman ko sa Japan? At... Prinoproblema ko rin kung ano ba ang mga pasalubong na sinabi nila, ang naaalala ko lang ay ang melon bread 'yun lang. 

Nasa main yard na kami at 'yung dalawa nagsusulat na ng kanilang mga prayers, ako? Wala. Wala naman akong maisip eh. Paano kaya kung, 'sana maalala ko na ang mga pasalubong ko sakanila.'

Prayer pa ba 'yun? Hindi..Hindi.. Uh... Ay alam ko na!

'Success!'

Simple pero maraming meaning. Success in life, success in carreer, success in love *eherm*  at marami pang iba. 

 Sinabit namin iyon sa sabitan. (Malay ko kung ano ang tawag doon. Basta sinasabit ang prayers para "daw" magkatotoo. -_- Something like that.) 

"Hmm? Success? Anong prayer naman 'yan?" Lumingon ako sa nagsalita si Emmy. 

"Uh... Ewan ko. Bakit ba? Prayer ko 'yan eh, walang basagan." Nagkibit balikat nalang siya sa akin, hinarap naming dalawa si Lexa na naka tingin sa phone niya. 

"May problema ba Lexa?" 

"Uh?Wala naman, next stop natin ay sa Tokyo Disneyland. Tara na!" 

Tumakbo na siya palayo kaya sinundan namin siya. Tulad kanina sumakay kami pero ngayon ay cab naman ang sasakyan namin. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating kami sa Maihama kung nasaan ang Tokyo Disneyland. Ang daming tao, ang ganda. 

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now