☆Tune Fifty One: Found 'ya

10 0 0
                                    

"Hoy babae ka! Saan ka nagsusu-suot ha?!" -Lexa.
"Kung 'di lang kami kinausap ni Mike 'di ka namin mahahanap. Alam mo bang dahil sa'yo sira-sira na ang sched natin?" -Emmy.

"Tama na 'yan girls, kanina niyo pa siya pinapagalitan. Ako naman."
Kita niyo? Dapat hindi na rin ako nagpakita kay Mike, sinumbong lang ako eh, one week lang naman ako doon tapos biglang kahapon nandoon na rin sila Lexa at kinaladkad ako pabalik dito sa Tagaytay.

"Ina, dahil madami kang na-miss na schedule kailangan mong magtrabaho ng over time. No buts. No excuse. Then it's settled "

Napatango nalang ako, ano pa bang magagawa ko? Si manager na nagsabi eh. Hindi na rin ako nakipag kita pa sa dalawang boys, baka ma-loka lang ako pag nakita ko sila tama na muna ang pinagsasabi nila last week. Ayoko munang makarinig ng kung ano man jan. 'Yung nalaman ko naman sa Cauldwin High, 'di ko muna binabanggit sa dalawa at lalong lalo na kay sir Matt o kuya Matt, gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin.

"Girls ituro niyo sakanya ang dance step kung hindi siya makasunod ulit-ulitin niyo."

"Yes ma'am. Okay Ina, tara sa dance room."
Hindi pa ako nakakasagot at nakaka tanong ay hinila nila ako papunta sa dance room.

"Bakit sayaw? Akala ko ba band?"
"Tungkol jan. May appointment tayo next week at 'yun ay sasayaw tayo, back up natin ang ST☆RS kaya don't worry. Panoorin mo kami ha, siguraduhin mong makaka sunod ka. And tungkol doon sa battle of the band mag pra-practice tayo pagkatapos ng practice natin sa dance."

Tumango ako ng alanganin, hindi kasi ako confident sa dancing skills ko, matigas katawan ko eh.

"'Di ba ngayon dapat ang balik natin?" Tanong ko.
"DAPAT kung hindi ka lang nawala. Pero ngayon nakabalik ka na, extend tayo-- okay ito 'yung kanta, Lexa sabayan mo ako."

"Sure sure."
Pagkasimula nung kanta ay nagsimula na rin silang sumayaw, naalala ko tuloy si
Tosh-- nevermind. Isipin niyo hindi ko naalala ang lalaking 'yun.

"Na-gets mo? Kung oo tumayo ka jan at tuturuan ka namin."
Tumango ako at tumayo. Kailangang kong maging obedient bilang isang kabayaran sa pagkawala ko ng isang linggo.

Itinuro nila sa akin ang first step hanggang sa pinaka huling step. Feeling ko nga hilong hilo ako eh.
"Okay from the top."-Emmy. Walang patawad!

Sinimulan ulit namin ang pagsasayaw.
---
(KENNETH'S POV)
Kasalukuyan akong naka kulong sa kwarto na ginagamit ni sir Matt pagkagising ko kanina biglang bumungad ang pagmumukha ni sir Matt at kinaladkad ako papunta dito tapos sinabihan na; 'stay here.'
At ayun nung sinusubukan kong buksan ayaw magbukas. -_-
Ayoko namang lumabas sa bintana dahil mataas nasa second floor po kasi.

"Hey! Lunch na, kakain ka?" Tanong galing sa labas ng kwarto.
"Malamang! Sinong 'di magugutom dito?! Hindi ako kumain ng gahan at pati lunch pamandin ba?! Seryoso ka? Ah.. sino ka pala?"

Hindi kasi niya kaboses si sir Matt kaya alam kong hindi siya.

"Si Nico 'to."
"Oh. Hey Nico, pwede na ba akong palabasin?"
"No. Magdadala nalang ako ng pagkain so wait there."
Nakarinig nalang ako ng yabag ng paa na paalis.
Ikinulong ako dito dahil nahanap na nila si Ina at pauwi na siguro ayaw nila akong palabasin para 'di ako makita dahil baka umalis nanaman. As if naman may gagawin akong masama.

Mga ilang minuto pa ay dumating din si Nico at kasama si sir Matt na may dalang pagkain.

"Ayos ah, para kang batang grounded. Kamusta ang buhay preso?" Tawang tanong ni Nico sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Masaya Nico, gusto mo i-try?"
"No thanks. Sensei, kamusta si Shayna-chan?"
"Maayos naman siya. Kumain ka muna Kenneth mamaya ibabalik kita sa room mo."
May sama ng loob akong kumain, para talaga akong bilango dito.

"Si Toshi?" Tanong ko.
"Naka kulong din sa isang kwarto at nagpra-practice mag-isa."
Buti nga sakanya.
Tahimik among sinamahan nila Nico na kumain may awa din naman siguro silang pakainin ako na may kasama 'di ba?

"*lunok* sir Matt kamusta pala siya?"

"Maayos naman at nagpra-practice. Don't worry about her."

"Kailan mo sasabihin?"
"Any time." Sagot niya at napa yuko.

Pagkatapos kong kumain ay umalis din agad silang dalawa at iniwan ako kasama ang isang teddy bear. As if may magagawa ako sa teddy bear na 'yan?

Geez. Pero ayos na rin ang naka kulong ako, matutulog lang ang gagawin ko at alam ko na rin na ayos lang siya kaya makakapag pahinga ako.
But i feel really bad, siguro nga ayaw na rin niya kaming makita dahil sa nangyari eh, 'di ko naman kasi kasalanan na hindi ko alam na busy siya at mas lalong 'di ko rin sinasadya na mahulog sakanya.
She's just too nice and pretty that i fell for her, noon sa academy walang kumakausap sa akin dahil sa rude but cool attitude ko at wala rin akong naging kaibigan and then she pop out of no where siya ang unang tao na kumausap sa akin at binara ako tapos ang innocent niyang tignan nung first day.
Hindi ko alam kung kailan ako nagkaroon ng ganitong feeling para sakanya basta isang araw nalang nagising ako na siya na lagi ang nasa isip ko at kapag wala at busy siya nag-aalala ako ng sobra na parang boyfriend niya at kapag malungkot siya sa room gusto ko siyang laging i-comfort. At sobrang saya ko kapag nandiyan siya sa tabi ko at kapag inaaya niya ako sa mga outings eh sumasama ako kaagad buti nga at magkaibigan mga manager namin eh. Nakakabading man pakinggan dahil nanggagaling sa akin 'to pero ganun ang naramdaman ko eh.

Sana ngalang i-consider niya ang feelings ko para sakanya, kahit hindi ko matanggap ang gusto kong sagot ngayon basta tanggapin niya lang ang feeldings ko ayos na ako dun kaya ko namang maghintay ng ilang taon para sakanya eh, kahot lima o sampung taon pa 'yan kakayanin kong mag hintay basta para sakanya.

--**

HAHA! sorry po kung ngayon lang nag UD nakakalimutan ko po kasi eh.
Gomenasai

Thank you po pala.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now