p☆Tune Fourty Four: Charity Work; First Kiss

22 1 0
                                    

(Emmy)

"Hey." -Kenneth.

"Hi. Aga mo ah. Excited?" -Ina

"Tss.  Shut up. Hindi noh. Ayoko lang nale-late ako." Paliwanag naman ng lalaking kakarating lang na si Kenneth. Kilala na namin siya, school mate eh, pero mas close sila ni Ina, hindi ko alam kung ano ang status ng dalawa, pero sana naman eh hindi parang kay Ken lang na naudlot dahil nagtransfer kami at nawala sa bahay niya. Noong una boto ako kay Ken kaso wala eh may iba nang nagugustuhan si Ken kaso niloko lang siya na ikina pahamak pa ni Lyca, ngayon di ko alam kung ano na ang gagawin niya since wala ng Jenny sa buhay niya.

"Guys!" Tumingin naman ako sa sumigaw na si Lexa na nasa gate, kay lawak talaga ng bunganga ng babaeng to.

"Ano?" Tanong ko.

"Si Ed pala." At may hinilang lalaki papasok ng gate, nakayuko yung lalake kaya halatang nahihiya. Asus nahiya pa ang loko.  Habang noon napaka walang hiyang mambintang at maningil sa Jep-O House sipain ko siya eh.

"H-hi" bati niya tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Oh? Maniningil ka na?"

"W-wha--"

"Emmy. He's here to accompany us. Kaya walang away please."  Sabi ni Lexa. Nagkibit balikat nalang ako. Hindi naman sa ayoko parin sakanya kaso naiinis lang ako sa ugali niya. Sa ampunan baka may batang makatapon sakanya maningil pa siya sa mga bata.

And so ako lang ang taong walang inaya, well may pinadalhan naman ako ng sulat eh, hindi ko lang alam kung pupunta ba siya o hindi.

Pinilit lang naman ako ng mga to na magsama ng isang kaibigan para the more the merrier daw eh, ako naman si uto-uto walang maisip na tao bigla nalang siyang nag pop-up sa utak ko.

"Emmy. Tulala ka jan? Anjan na 'yung kasama mo oh." Sabay nguso ni Ina sa gate, andoon nga siya parang ewan habang nakatayo. Sinenyasan kong pumasok, sinunod naman niya. Since maaga pa, pumasok muna kami sa bahay habang nag iintay ng oras.

Yung apat nag uusap sa living room habang ako nandito sa kusina kukuha ng pagkain dahil kanina pa ako nagugutom.

"Hey."

"Ay kabayong engot!" Napa talon ako sa gulat. Lumingon ako sa nagsalita, si Forty pala.

"Oh?" Tanong ko at naghanap nanaman ng makaka kain sa ref.

"Nagpapakuha sila Ina ng coffee and bread at since nandito ka naman daw ay ikaw na rin daw ang maghanda."

"What? Sabihin mo sila ang kumuha hindi ako yaya."

"Ikaw na kasi dali na, tinatamad na akong bumalik para sabihin ang mahaba mong sinabi. " sabi niya at umupo sa dining table, minsan talaga sarap hambalusin ang isang to.

"Oo na." Sagot ko nalang at naghanda na ng coffee.

Habang naghahanda ako ay hindi ko maiwasang tumingin sa gawi ni Forty, bakit kasi siya nandito hindi tuloy ako makapag concentrate.

"Umalis ka na kaya."

"Ayoko nga. Inaya mo ako--"

"I mean, doon ka nalang sa living room."

"Ayoko din. Tutulong ako sa pagdadala ng coffee."

Inirapan ko nalang siya at tinapos ang kape tsaka dinala sa living room sakto namang may nag doorbell.

"Emmy." Utos ni Ina.

"Oo na."

Pinagbuksan ko ng pinto ang kung sino mang nilalang ang nag door bell.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now