☆ Tune Four :: past (part-three)

26 1 3
                                    

(Lexa)

Nasa kalagitnaan ako nang pagwawalis ng biglang sumulpot ang dalawa, Ina at Emmy.

"May maitutulong pa kami?"

Umiling ako sakanila, darating lang sila kung tapos na ako? Nasa timing talaga silang mang-asar. Pinalinis lang naman ako ni Aling Marting eh at pinabantay dahil may pupuntahan siya sa sementeryo. Bibisitahin daw niya ang anak niya.

"Samahan niyo nalang akong bantayan ang bahay niya"

Tumango-tango naman sila.

Sanay akog mag-isa pero NOON yun kasi iniwan na ako ng lahat as in lahat nanay, tatay at pati ang tinuring kong kapatid sa ampunan kinuha na kasi siya eh, nasa langit na siya dahil sa sakit niya.

Tinanong ko sa sarili ko dati, bakit lasi akong iniiwan ng mga mahahalagang tao sa akin? May galit ba ang mundo sa akin at lahat nalang kinuha?

Akala ko noon wala nang kakampi sa akin, wala nang magkakagustong samahan ako sa buhay pero nagkamali ako hanggang sa nakilala ko ang dalawang wierdong babaeng 'yan. Sila ang nagbigay ng rason sa akin para ituloy ang buhay ko. Hindi ko binalak mamatay ha, sadyang ayoko lang talagang mabuhay.

Lagi na silang nandiyan sa tabi ko pinapasaya at pinapatahan ako pag umiiyak sa gabi dahil may napaginipan ako, para ko na silang mga kapatid, kaibigan at kapamilya na hindi nang-iiwan.

Hindi naman puno ng drama ang buhay ko tulad ng dalawang 'yan na nakita nila kung paano sila iwan ng mga magulang nila. Eh ako, hindi ko manlang nakita maski mukha nila. Kwento ni mother Lorraine sa akin basta-basta nalang akong iniwan ng dalawang tao sa gate ng ampunan hindi na niya tinanong kung sino ang mga ito dahil biglang umalis. Masakit para sa akin nung nalaman ko 'yon sino ba namang hindi? Pero nakakatawa pa ay nagsayang pa sila ng pera para lang asikasuhin ang birth certificate ko at ilagay sa karton kung saan nila ako nilagay. Ang kapal nila, parang nang-iinis lang eh, iniwan na nga ako binigay pa ang birth certificate ko?!

Kahit ayaw kong dalhin ang pangalan ng mga taong nang-iwan sa akin ay dinala ko parin ano pa ba ang magagawa ko ando'n na eh.

At hangga't dala-dala ko ang pangalang CRUZ ay dala ko rin ang sakit na dinulot nila.

"Lalim ng iniisip ha? Andiyan na si Aling Marting, binigay na rin sweldo mo heto"

Tsaka inabot ni Ina ang 500 pesos sa akin.

"Tulala ka kasi eh, tara uwi na tayo" aya nila tumango nalang ako at umuwi na kami.

Syempre pag-uwi ako ang nagluto ng pagkain, wala kayong maaasahan sa dalawang 'yan dahil hindi sila marunong magluto. Kahit turuan mo pa 'yan ng habang buhay walang papasok sa kokote nila. Pag sinabing asin ang ilagay, asukal na puti naman ang nailagay. Hindi pa nila alam ang pagkakaiba ng patis sa toyo, kaya pag sila ang humawak ng kusina siguraduhin niyong handa ang mga kabaong niyo dahil di niyo alam kung anong lason ang nalagay ng mga 'yan. Baka akalain pang suka ang zonrox todas agad ng wala sa oras.

" Lexa, bukas daw maglalaba tayo kanila 'nay Cynthia, wala anak niya bukas"

"Oo sige, maghanda na kayo jan sa mesa malapit na 'tong maluto"

Sinunod naman nila ako, 'yun nalang ang pwede nilang gawin pag oras ng kain ang maghanda ng plato sa mesa.

Naghain na rin ako at nagsimulang lumamon. Habang kumakain kami ay natanggal ang isang paa ng mesa, ayun natapon yun pagkain sa lapag.

"Anu ba yan, 'di pa ako busog natapon na yung ulam at kanin. Tsk, may natira pa Lexa?"  Tanong ng nayayamot na si Ina, kahit kailan talaga pag kain ang nasa utak.

"Oo meron pa kaso unti nalang,"

"Sige yun nalang"

Tumango ako at naghain ulit, sa lapag na rin kami kumain alangan namang sa mesa eh wala na nga yung isang paa, haay!! Kawawa yung mesa lumpo na.

"Ayusin nalang natin, sayang pag itapon yang mesa, kahit bulok-bulok na ayos parin 'yan kung ayusin" sabi ni Emmy.

Tumango-tango ako at kumain na. May isang tanong pang bumabagabag sa akin.

Habang buhay kayang magiging ganito ang buhay naming tatlo? Ang saklap naman kung gano'n, minalas na nga kami sa pagkakaroon ng pamilya pati pa ba naman sa buhay?

Hay!!!!! Sakit sa puso!

------

(salamat po.

votes and comments po, if ever nagustuhan niyo, salamat.

Dedications are available para sa next chapie, just comment if you want thank you. :)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now