☆ Tune Thirty One: i'm leaving...

10 1 0
                                    

(Lexa)

Hi! Long time no POV!! kasi 'yung isa jan 'di ako naaalala sila Ina at Emmy lang..  *kamot sa batok*

Ok, hihi.. ano ba'ng current status ko ngayon? Uh.. single, pero may crush ako. 

Hindi naman ako abnormal tulad nila Ina at Emmy na walang crush eh, pero sa totoo lang meron ang mga 'yun tinatago lang nila, syempre deny-deny muna eh ako? Lantaran, hindi naman sa lantaran talaga, sadyang ayaw ko lang sa mga paligoy-ligoy gusto ko kasi ng straight to the point na agad, walang arte-arte o kaya pakipot. 

Pero hanggang salita lang ako MINSAN eh kasi naman, nakaka hiya namang umamin na may gusto ako dito sa kasama kong 'to na sa iba pa naka tingin nagpapasama sa akin 'di naman ako kinakausap nakaka sira ng araw grabe!

Tumakas pa ako para lang puntahan 'to tapos deadma lang ang beauty ko. -.-" 

"Uwi na ako Ed,"  Paalam ko, napalingon siya sa gawi ko hindi na ako naghintay pa ng response niya at umalis nalang bigla, magmumukha lang akong tanga doon. 

Siya si Edward, Ed for short pero ako lang ang tumatawag nun sakanya, kung maaalala niyo siya 'yung pesteng lalaki na maarte sa Jep-O House noon, well, hindi naman kami automatic na naging close agad pagkatapos ng incident na 'yun. 

Noong doon pa kami sa Calden High nag-aaral, nagpasama sa'kin ang isa kong classmate sa Mall para bumili pumayag akong sumama since boring naman ako nung araw na 'yun. Habang nasa mall kami nagpalinga-linga ako sa paligid habang 'tong kasama ko daldal lang ng daldal, sa kakalingon ko ayun 'di ko nakitang may tao pala sa harap ko kaya nabangga ko. Nag-sorry naman ako kaso ngalang ayaw akong patawarin ng naka bangga ko, tinignan ko kung sino kasi pamilyar 'yung boses at 'di nga ako nagkamali siya nga 'yun ;yung maarteng lalaki. Kung 'di  nga naman nang aasar ang tadhana sa dinami rami ng p'wede kong makabangga siya pa talaga, hindi ba p'wedeng si Pinokyo o Mickey mouse nalang? Hindi ko napansin na umalis na pala 'yung kasama ko kaya naiwan akong tunganga sa harap ng lalaking to. 

"Ikaw nanaman, baka kasama mo 'yung amazona mong kaibigan?"

"h-huh? Amazona?"  Napa-isip ako baka si Emmy 'yung tinutukoy niya. 

"Tss..  stalker yata kita, oh sige para 'di ka naman mahirapan 'yan ang phone number ko, textan mo ko kung may kailangan ka ha.. Alis na ako.'

'Yun ang nangyari kaya kami nagkaroon ng communication sa isa't isa, Then nagload ako, malay ko kung bakit pero feel ko ang mag group message kaya lahat sinendan ko ng text, nag hesitate pa ako kung magse-send ba ako ng isa sakanya, but in the end nag send ako ng isa with hash tag ng saling 'feeling' ayun textan kami buong gabi. 

Days pass, ganun parin same old routine, text, minsan may call and then kinabukasan maglo-load ulit para textan siya. i don't know but i feel happy when i text him and when he replies i smile like there's no tomorrow. 

Until... 

Hey! 

Ako :  What?

galit?

Ako:  nope.

free ka bukas?

Ako:  Uh... nope.

Samahan mo ako, wala namang pasok eh.

Ako:   saan?

Somewhere in hell.

ako:   ikaw nalang, mag-isa mong lakbayin ang hell.

Just joking, samahan mo ako sa mall bibili lang ng damit.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now