☆ Tune Twenty Six : lollipop [Emmy-Forty]

10 1 0
                                    

{emmy]

"Uy, 'yung prize ko!"  Sigaw ni forty habang hinahabol ako pababa ng mahaba nilang hagdan, tss. 

"Anong prize? Wala akong sinabing may prize ka sa'kin noh, 'wag kang assuming."

"Daya naman!!!"  At ayun naghabulan na kami at napunta kahit saang sulok ng mansyon nila, paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon.

****  kasi ganito 'yun.....

"Uy, paturo ako ng math at physics namin ang hirap eh."

Kanina pa ako dito sa bahay nila Forty at wala akong ginagawa maliban sa naglalaro ng xbox niya, ganito ako lagi sa bahay nila pinayagan naman niya ako eh, basta makakapag laro lang ako kung wala na akong gagawin o wala siyang ipapa turo sa'king subjects niya.

"Ano ba'ng topic niyo?"  Liningon ko siya na naka kunot ang noo habang naka tingin sa notebook niya. 

"Sa electricity, paano ba makukuha ang cost at energy used? Sabi ni Ken sa cost daw ano.... Argh!!!  Nakalimutan ko na!" 

-3- 

Sabi ko nga diba hindi ko 'to maasahan ang utak nitong lalaking 'to. Buti pa si Ken may alam kaysa naman dito, wala.

"'yung energy used muna ang kunin mo, bago ang cost." Tumango-tango siya sa akin at nakinig ng mabuti sa pinagsasabi ko na hindi ko naman alam kung tama ba pero nung huli ay nakuha niya rin kung paano. Iniwan ko siya sa study table niya at bumalik sa paglalaro ng xbox niya, eh sa nag e-enjoy ako eh. 

Minsan napapa isip na ako kung ano na ba ang mangyayari sa akin at sakanya kung nasa entertainment world, hindi ko pa kasi nasasabi sakanya ang tungkol doon eh. Paano kaya kung wala na ako dito? Sigurado hindi siya makaka pasa sa kahit anong subjects niya lalo na't wala akong magtuturo tuwing hapon pero p'wede rin namang si Ken nalang. Pero tamad din 'yun kung magturo eh.

"Oh yes!!!  haha kita mo 'yan nagawa ko kahit na walang tulong galing sayo! Ang galing ko talaga!!" 

Patalon-talon at tumatawa pa niyang sabi sa akin habang nasa harap ko at hinaharangan ang nilalaro ko. 

"Lumayas ka nga jan."  Medyo inis kong sabi pero hindi parin siya umaalis at naka ngiti parin sa harap ko.

"'Yung prize ko muna."

"Anong prize?"

"'Yung prize ko dahil nasagutan ko 'yung assignment ko ng ako lang."

Binigyan ko lang siya ng poker face at binato ang controller sakanya, bahala siya jan. Kinalkal ko 'yung bag ko at winagayway ang nag-iisang lollipop na binili ko kanina sa kanto habang papunta ako dito, wala lang natripan ko lang na bilhin. Pero may naisip tuloy ako, haha ito nalang prize niya since wala akong ibang maibigay sa kumag na 'to.

"Uy, lollipop!!"  Tumakbo siya papalapit sa akin kaya, tumakbo na ako palabas ng kwarto niya hanggang sa nakababa ako ng hagdan.

***  yun  na yun 

Nandito ako sa graden nila at nagtatago malamang kukunin niya ang lollipop ko eh, nag-iisa lang 'to buti sana kung dalawa para ibigay ko ang isa sakanya. 

"hmm...hmmm..hmm..hmm...."

Ang tagal naman nun na mahanap ako, nakita naman niya siguro na lumabas ako dito diba? Lols, baka akala parin niya nagtatago parin ako sa kabinet doon sa kusina as if kasya ako, liit liit nun eh. 

Kaysa ma-bored ako dito kakahintay sakanya ay pinatugtug ko muna ang munti kong cellphone. 

"I hope to see the dawn of daybreak 

And the sun rise to cloudless skies 

And now I've tried to see the truth but I close my eyes 

And you were there for me and I was there for you 

Don't say goodbye say goodnight so it's not over 

And if you try and answer why it's just over it's goodbye 

But now I lie upon my face and though we tried 

I guess that's the way it's supposed to be 

Don't say goodbye say goodnight so it's not over 

And if you try and answer why it's just over it's goodbye 

It's goodbye"

Anu ba 'yan goodbye nanaman. peste lang? Tss... ilang araw palang ba nung pinirmahan namin ang contract sabi ni Manager bukas na daw nila sisimulang aayusin ang papers of transfer namin ng walang nakaka alam maliban kay sir Matt na isa ring tutulong, at starting monday ay lilipat na kami ng bahay at school ng walang nakaka alam kung saan man. Syempre baka daw pagkaguluhan kami. -3-  

Dami nilang alam eh p'wede namang doon nalang din kami sa school namin eh. 

"lollipop!!!!"  Biglang sulpot ni Forty at ayun nakuha na niya ang lollipop na inaasam-asam niya,isip-bata talaga.

Pinabayaan ko nalang siya at pinanood na buksan ang lollipop at nilantakan na parang isang bata talaga. 

"saan nga pala kayo nagpunta nila Ken nong isang araw?"  Napalingon ako sakanya. 

"ano.,..... sa----"

"excuse me sir but  you have a call."  Save by the maid. Next time  ko nalang sasabihin kapag may oras pa ako. 

"Ghe bye na, gabi na rin eh."

Tumango lang siya at pumasok na, ako naman umalis na doon at umuwi,.

*bzzzt*

kinuha ko ang phone ko na bigla nalang nagvi-vibrate. 

*from: forty panget:

                 don't say goodbye say say goodnight.* 

ok..... agad ko naman siyang nireplyan ng goodnight at tumakbo na pauwi.

--------------

:)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now