☆ Tune Nine :: prince chanak & sleeing chakadal

23 0 0
                                    

(Emmy)

Andito kami ngayon sa bagong tutuluyan namin pansamantala lang. Condo ito ni K.N or mas kilala ng lahat ng Chanak, dito niya kami dinala kanina nung iniwan kami ni Ina. Hindi naman sa nakalimutan namin ang nangyari sa amin eh, sadyang inaalala lang namin ni lexa kung saan tutungo ang katiting na ipon namin walang masyadong sidelines ngayon dahil sa pag-aaral namin di rin naman kasi namin yun pwedeng pabayaan.

"oh, iwan ko muna kayo hahanapin ko lang si chakadal" sabi ni K.N at umalis dito lang kami naka upo sa sofa at nakatingin sa sahig. Wala namang pwedeng gawin dahil wala namang sinabing pwede naming galawin ang mga gamit dito baka pagbalik no'n eh hindi na 'yun chanak baka maging demonyo pa.

*bzzzzzzt*

K.N calling....

sinagot ko naman yung tawag tinanong lang kung saan pwedeng makita si Ina pero wala akong maisip nagtanong ako kay Lexa wala rin daw....pero may nakalimuta  ako.

"K.N subukan mo sa sementeryo baka andun, dun sa may bandang dulo"

[se-sementeryo? si-sigurado ka?!]

"oo, teka! wag mong sabihing natatakot ka? ala-sais palang wala pang multo dun." sagot ko.

Imba naman kasi kalalakeng tao takot sa sementeryo.

[hindi ako takot! si-sige na pupuntahan ko na!]

At ayun binabaan na ako ng cellphone. Nanatili kaming tahimik doon at nakatingin sa walang buhay sa sahig ni hindi manlang magsalita. Napapanis na ang laway ko eh.

"uh...Emmy, ayos lang kaya si Ina?"

pambasag katahimikan ni Lexa. Nagpasalamat naman ako sa panginoon at nagtanong siya dahil kung hindi panis na talaga ang laway ko.

"oo naman, kilala mo si Ina mula nung bata pa tayo malakas na siya kahit mag-isa. Limang taon siya ng iwan siya ng mga magulang niya kaya, kaya niya yun. At papunta na rin si K.N doon.----"

*gruuuuu~~*

(tunog po ng tiyan xD)

Napatingin ako sa papansin kong tiyan, wala eh, gutom na ako wala kaming dalang pagkain alangan namang galawin  namin ang mga gamit dito?

*bzzzzt*

from: KN

magluto na kayo jan may gulay sa ref basta anjan na ang lahat, damihan niyo dahil gutom na ako pag-uwi ko

'yan lang naman. Kaya nagpunta kami ni Lexa sa kusina ang gara, mamahaling stove, at mga kitchen utensils. Sayang ngalang wala akong talent sa pagluluto, naka tulog ako nung nagpaulan ang diyos ng kagalingan sa pagluto at lahat ng iyon ay nahakot ni Lexa, kaya nga siya na yung nagluto. Pagdating sa kusina wala talaga kaming alam ni Ina jan, hanggang kainan lang kami at paghuhugas.

------

Naaalala ko tuloy nung unang beses akong nagluto dahil may sakit si Ina nun, wala naman si Lexa eh hindi ko naman pwedeng bulabugin ang mga kapit bahay para lang magluto. Kung ano-ano ang kinuha ko sa tray kung saan may mga mumurahing gulay. Tinanggal ang balat tsaka nilagay sa kawali hanggang sa nasunog iyon.

Pagkarating ni Lexa naabuta niyang nangitim ang kawali. xD

-----

Kaya mula jung nakita ni Lexa yun hindi na niya ako pinayagang magluto pero mas grabe tung kay ina.

Hindi alam  ang pinagkaiba ng asukal sa asin at zonrox sa suka, patis sa toyo at iba pang panlasa sa luto.

-----

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now