☆ Tune Thirty Two : call

8 1 0
                                    

(Ina) 

It's been a week, at one week na ring malungkot at tulala si Lexa, malay ko kung bakit natatakot naman akong magtanong sakanya, pati si Emmy 'yun na din ang napapansin sakanya. Kung hindi ang cellphone niya ang tinititigan sa laptop kung hindi naman sa laptop sa langit at kung hindi naman sa langit sa isang libro. Anong meron at ganyan yan? Hindi na rin siya tulad ng dati na lalabas at maglalakwatsa lagi nalang siyang nandito sa bahay.   -.-" Nakaka irita.

"Tanungin mo na kasi siya."

"Hala.. bakit ako? Mamaya pag nagtanong ako sakana eh lasunin pa ako sa pagkain."

Binatukan naman ako ni Emmy. 

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Tatanungin mo---"

"geezz... lumabas nga kayo jan." Napalingon ako sa direksyon ni Lexa nakatingin pala siya sa amin. 

"Ahehe, sorry. Ano kasi.. nag aalala na kami sayo one week ka nang tulala jan, ano ba'ng problema?"

*sigh*

"Hindi pa kasi siya tumatawag eh."

"Siya?" Sabay naming tanong ni Emmy.

"Si Ed."

"Ed? You mean 'yung maarteng lalaking lagi mong kasama? Si Edward?"

"Yeah."

"Bakit 'di nalang kayo magkita ngayon?"

Umupo siya ng maayos at tumingin sa amin, what's with the gloomy eyes? Geez..   -.- 

"One week ago  nag paalam siyang aalis siya at pupunta sa US at doon mag-aaral."  Nagpakawala nanaman siya ng buntong hininga na malalim talaga. 

"And?" Tanong ni Emmy na nasa chin ang kamay niya, parang detective naman to.

"Sabi ko sakanya, tumawag siya or email ako para lagi akong maka balita sakanya, kaso hanggang ngayon wala pa siyang tawag o kaya message sa'kin. Nakalimutan na niya agad akong best friend niya dito.."

Malungkot niyang kwento, well dalawa lang naman ang nararamdaman ko sa kwento eh, masaya, kasi wala na siya wala ng maarte na aaligid kay Lexa, pero malungkot rin kasi malungkot ang kaibigan ko. 

"Tara, ice cream tayo sa labas."

Aya ko sakanila tumango naman silang dalawa sa'kin.

------------------

Nasa Jep-O House kaming tatlo, masarap kasi ice cream nila dito eh, lalo na 'yung chocolate with caramel. 

"Masarap diba?"

Tumango sila sa akin dalawa. Kinain lang namin yun at umalis na din, pero ganun parin ang mukha ni Lexa, parang byernes santo. 

"Tara nalang sa Park."

Naglakad kami hanggang doon, at nagpahinga sa isang bench. 

"Emmy, teacher niyo ba si sir Matt?"

"Uh.. hindi eh, sayang nga eh, terror kaya teacher namin sa Mapeh. Nakaka-inis wala akong maintindihan sa lesson  niya. Eh ikaw Lex--a??"

"Hala! Asan na 'yun?!" Taranta kong tanong, parang kanina lang andito siya sa tabi namin ha, ngayon nawala nanaman. 

"Ikaw katabi niya, 'di mo manlang napansin na nawala siya, ay Ina naman oh! Hanapin nalang natin baka mamaya nakidnap na pala yun."

Um-oo nalang ako sakanya at naghiwalay na mag hanap kung sa kalaki laki ba naman si Lexa ay mawawala pa siya, ganito pala ang epekto ng pagkawala ng Edward na 'yun. 

Tsk, Tsk..

 -------------------

Kalahating oras na akong naglilibot dito sa park pero walang Lexa na makita, saan saan kasi napapad pad. 

Tinextan ko nalang si Emmy na pumunta ulit dito sa park. After ilang minutes ay nandito na siya at hingal na hingal with kunot ng noo pa. 

"Remind me to kill her pag nakarating tayo sa bahay."

"sure."  Sagot ko nalang sakanya. 

Pinagpahinga ko muna siya bago kami nag-plano sa paghahanap sakanya, ngayon na wala siya sa kahit saan man dito.

"Saglit may load ka diba?"  Tanong niya sa akin.

"Oh?"  Binatukan naman niya ako, pero hindi naman masakit.

"Para saan 'yun?!"

"Tange, may load ka pala bakit 'di mo nalang textan kaysa naman sa andito tayo at nagpapagod na hanapin siya mamaya nasa bahay na pala siya."

Sorry ha.. Sorry at napaka bobo ko pala at 'di ko naisip na textan siya, sinunod ko nalang yung sinabi niya. 

Lexa:  Oh? Nasa bahay ako ni Ed, hinahanap kasi nila ako.

Ako: What?!  Bakit 'di ka nagpaalam?

Lexa:  Nagpaalam ako 'di niyo lang narinig dahil busy kayo sa pag kwe-kwentuhan.

Ako:  -.- K. Umuwi ka na pagkatapos mo jan ha.

Lexa.:  K.

-end of convo-

Galing niya noh?  Sinabi ko kay Emmy ang tungkol sa convo namin at ayun parang bulkan kung mag-alboroto. 

Tinawag ko nalang si kuya driver para ihatid ulit kami pauwi dahil sobrang board na ako dito sa park at pagod na ako kakahanap sakanya. 

Habang nasa byahe 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako. 

-----------------

:) 

Nota:   Pasensya na po kung lahat ng chapters ay masabaw ang updates....  -.-  Ewan ko kung bakit pero ganun po talaga ako kung mag-UD -.-  pasensya na po..  :((((

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now