☆ Tune Fourteen :: Lexa the new worlds amazona!

16 0 0
                                    

(Ina)

Isang linggo, isang linggo na akong binabangungot ng hayop na 'yun! Hindi ako makatulog, kada pipikit ako ang nakikita ko ay ang panget niyang mukha. Kapag uuwi ako siya lagi ang bubungad, pag kakain siya lagi ang nasa harap ko. Asan ang hustisya?!

"Hoy, Chakadal."

'Yan nanaman, sabado ngauon kaya wala akong magawa ayoko namang pumunta sa part time ko dahil baka magwala lang ako doon, ayos lang naman sakanila eh.

"Chakadal!"

"Ano?!"

"Oh, ba't galit ka?, wala pa nga akong ginagawa sa'yo eh."

" Manahimik ka nalang p'wede?"

"Last week mo pa ako hindi pinapansin at kinakausap ng matino problema mo?"

"Ikaw"

"Ha?"

Takteng 'yan, ayaw kong humarap sakanya baka mamaya eh halikan pa ulit ako, kawawa naman ang labi ko.

"Tsk. Peste." 'Yun lang ang sinabi ko at nagdiretso sa kwarto, pupunta nalang pala ako sa part time ko.

Kaysa naman nandito ako na minonolestiya ng hayop na 'yun. Baka nga sa utak niya eh, hinuhubaran na ako.

Konsensya: 'wag madumi ang utak Ina

Dali-dali akong nag bihis at umalis hindi naman niya ako pinansin mabuti naman. Naglakad ako papuntang Jep-O house medyo malapit naman eh kaya ayos lang.

Naabutan ko doon si Tyche na nakatingin sa mesa at parang malungkot? Walang masyadong costumer, at halos sila naka tingin sa direksyon ni Tyche, problem?

"Eva, anong nangyari?"

Tanong ko sa isang kasamahan ko na may pag-aalala sa mukha.

"Si Tyche kasi..."

"kasi?"

"kasi ano..." napakamot pa siya sa ulo.

"kasi????"

"Kasi ano...ganito...uhmmm paano ba."

"Eva pag 'di mo pa sinabi sasabunutan na kita!"

"Oo na nga diba?! Tsss... 'Yung isang VIP costumer nagreklamo kanina na natapunan ang coat niya ng coffee tapos ayun pinahiya niya si Tyche mula kanina pa ilang oras na nga siya doon eh. Ay ayan na 'yung lalake."

Napatingin ako sa tinutukoy ni Eva.

"Pffft." Ang...ang pangit niya!! Kung hindi lang seryoso ang mood dito baka kanina pa ako tumawa.

"Ina, anyare sa'yo?"

"wa--pfft--wala"

"Kung 'yung tinatawanan mo ay 'yung lalakeng mataba mali ka, hindi siya 'yun."

Napaseryoso ako ng mukha, hindi siya?! WTF akala ko pa naman. -3-

"'Yun oh, 'yung lalakeng puti ang tux."

Tinignan ko ang tinuturo niya, oo nga siya nga nasa harap siya ni Tyche. Maputi naman at kung titignan ng mabuti ay gwapo.

"So ano na? Babayaran mo ba ang coat ko o hindi?"

"S-sorry po sir pero wala po akong perang pambayad, mahirap lang po ako."

Kumunot naman ang noo nung lalake. Saglit parang pamilyar 'yung lalake, saan ko nga ba siya nakita, isip Ina, isip. Hmmmm....

*kuliling*

(Sorry, hehe 'yung bell po 'yan sa may pinto 'yung nakasabit na pag may bubukas eh tutunog.)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now