☆ Tune Eighteen :: Sweet dreams

13 0 0
                                    

(Emmy)

" Lalalalalala~...." Pag kanta ko dahil sa oras na 'to hindi parin ako inaantok ilang oras na ba ang nagdaan? Wala talagang  bumalik dito sa room para lang buksan ang pinto.

" Lalalalala~..." Napatigil ako sa pagkanta ng gumalaw ang taong nasa harap ko well, humiwalay ako sakanya kasi you know lalaki siya at babae ako, i'm not expecting those things, pero malay ko ba!

"A-ano Forty... Ano pala 'yung sasabihin mo dapat sa bahay niyo?"

"wa-wala 'yun. Matulog ka nalang." Sabi niya at tumalikod sa akin. Anong oras na ba? Hindi pa kasi ako inaantok eh, ayaw akong dalawin ni antok, lowbat na rin ako kasi ginamit namin kanina bilang ilaw at 'wag niyo na siyang asahan tsk...

Pag mga ganitong mga pangyayari, pagkain lang katapat ko eh, pero dahil nga malas kami walang pagkain dito.

"Hindi ka makatulog noh?"

"H-ha? ah... Oo eh, 'di kasi ako sanay na may kasama akong lalake."

"Same lang pala tayo, sige ganito nalang, mag kwento ka nalang makaka tulong 'yun sa pagtulog. "

"Ano namang ikwekwento ko?"

"Kung paano ka naging matalino."

Shutanginerns naman ng lalaking 'to. Hindi talaga gumagamit ng utak, napaka --ay!! Ewan basta abnormal ang utak niya.

"Gamitin mo minsan ang utak mo. Tss.. Ikaw nalang mag kwento tungkol sa sarili mo."

"Sarili ko? Wala namang exciting sa buhay ko eh."

-3-

"Ikaw? Hindi exciting 'yang mga pang tri-trip mo sa'kin hindi ka nae-excite."

"Geez.... Nag e-enjoy ka ba sa pangtri-trip ko sayo?"

"Hindi, sarap mo ngang patayin eh."   Napangisi lang siya, pumikit nalang ako at pinipilit na matulog gusto ko na talagang matulog eh. Napa mulat nalang muli ako ng mata ng maramdaman ko na tumabi siya sa'kin. Don't tell me takot siya?

"Walang multo dito."

"Hindi ako takot nilalamig lang ako."

K-dot pahiya ako. Malay ko ba, eh sa hindi ako nilalamig eh, kung 'di naman kasi siya nag iisip hindi nagdala ng jacket tsaka pumunta dito sa school, eh anong labas niya?

Kinuha ko ang jacket ko na naiwan ko dito sa school at lumapit sakanya tsaka nagkumot, syempre share kami kahit ayaw ko.

"Salamat." Tumango nalang ako at pumikit ulit. Ilang oras ang nagdaan ay nakaramdam ako ng unti-unti akong hinihila ni antok buti naman dahil masyado ng gabi.

----------------

vahdnciejfjdjf .....

Dahil sa pag galaw ng katabi ko ay nagising ako at tumambad sa akin ang mga taong mahilig maki usyoso, mga classmates ko.

Umaga na pala.

"E-emmy? Anong meron dito?" Pagtatanog ng isa.

Napatalukbong naman ako sa jacket ko, aba 'tong kapatid ko hindi manlang nagising sa ingay na ginawa ng classmates ko, upakan ko kaya 'to.

"Hoy, Forty gumising ka nga jan."

Niyugyug ko pa siya pero ang peste niyakap lang ako. Ano ako unan?! Napatayo ako at sinipa siya ayun tumilapon, de joke, napa higa lang naman sa sahig tsaka bumangon bagtit talaga kahit kailan.

"Ano ba--Waaaa!!!"   Tinaasan ko siya ng kilay aba ngayon lang naka kita ng tao? Napa kapit sa paa ko eh -3- real talk bakla ba siya?

"Lumayas ka nga jan! Uuwi na ako." Sabi ko at naglakad papunta sa bag ko, kinuha ko ito at lumabas. Sumunod lang siya na parang aso at iwas na iwas sa mga tao, seriously problema nitong taong 'to?

"O-oy! Emmy! Hintayin mo ako."  Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy sa paglalakad, pinagtitinginan at pinag uusapan kami sa daan may narinig nga akong nagpa init ng ulo ko eh.

"Alam mo bang nadatnan daw silang magkasama sa room nila."

"Hala, baka may nangyari sakanila."

"Ang landi niya talaga, at 'yung lalake ang gwapo."

"Oo nga eh, sayang ngalang nakulam siya ni Emmy eh."

Ang pangit ng bati sa akin ng umaga, hindi ko na nga pinansin ang mga nasa room kanina kasi nakakainis sila pero hanggang dito ba naman. Binilisan ko ang paglalakad hanggang maka labas ako ng gate, nadatnan ko nalang sila Ina na papalabas ng kotse. Tumakbo agad ako sakanila.

"Oh? Nauna ka pa pala, tara pasok na tayo." Sabi ni Ina pero imbis na sumunod sakanila ay pumasok ako sa kotse.

"Problema mo? Nakanila Forty ka ba kagabi?" Pagtatanong ni Ken.

"Nasa school kamk buong gabi."

"Ano?! Ikaw at si Forty?! Weh?" Gulat na tanong ni Lexa. Inirapan ko nalang siya, akala ko nga aalis na sila eh pero pumasok ulit sa kotse at talagang dumating pa ang Forty na 'to.

"Dude, iuwi mo na ako!"

"Bakit?"

"Madaming multo sa school nila."

"O-ok." Nag drive na si Ken at lahat kami tahimik, akala ko ba hindi siya takot? Eh bakit ngayon takot na takot siya? Ang wierd niya talaga bipolar!

"So, anong nangyari at nasa school lang kayo buong gabi?"

"Kasi ganito 'yun..."  Kwinento ko sakanila lahat lahat, ang paglock sa akin sa C.R ang pagdating ni Forty, pag lock ulit sa amin sa room at 'yung nangyari kanina.

"Malaman ko lang kung sino ang gumawa nun, patay talaga siya! Alam ko eh babae siya! " Nang gigigil kong sigaw, kasi naman hanggang ngayon 'di ko parin maalaman kung sino ang naglock sa amin, guato kong manapak, kaya sinuntok suntok ko ang likuran ng upuan ni Ken.

"Ano ba!, masira pa  ang upuan ko eh."

Inirapan ko siya at pumikit na ulit. Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Forty ay nagpaalam na siya, hinatid naman nila ako sa condo at bumalik na sila sa school.

Pag ka alis nila ay nag charge na ako ng phone. Pero sana ngalang 'di kl na inopen para hindi ko mabasa ang message,

'Layuan niyo sila.'

Sino naman ang hinayupak na 'to? At sino ang lalayuan? Ilayo ko siya sa plqnet earth eh.

Bigla ulit may nagtext.

'Kung ayaw niyo parin silang layuan, araw araw ko kayong pahihirapan at gawing impyerno ang buhay niyo.'

One word; So? Kami pa ang tinakot tsk.

Pero sino nga ba siya?

--------#

:)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now