☆ Tune Sixteen :: Nurse for today

15 0 0
                                    

(Ina)

Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa paligid, kitang natutulog 'yung tao eh mag-iingay pa, baka gusto nilang makita si kamatayan?

"Shhh... Ayan na, gising na 'ata siya."

Minulat ko ang mata ko at tumambad ang mukha ng tatlong taong araw-araw kong nakakasama sa ilalim ng iisang bubong.

"Oh? Anong tinitignan niyo jan?"

Tanong ko.

"Tsk, may sakit na nga nagtataray pa baka gusto mong mabatukan?"

"No thanks." Sagot ko kay Emmy. Hinapo ko ang noo ko at oo nga ang init ko. Bigla ko namang naalala ang mga nangyari, naglalakad ako sa kalsada tapos bigla akong.... nawalan ng malay? Or kahit anong kababalaghang nangyari sa'kin.

"Ano ba'ng nangyari sa'kin?" Tanong ko sakanilang tatlo.

"Nurse Ken, please take the floor."

Gumilid naman 'yung dalawa at tumambad ang Chanak na... Pfft!

"Bwahahahahaha!!" Tawa ko, kung wala lang akong sakit baka kanina pa ako nagtatalon sa tawa dito.

"Tsk, 'wag mo nga akong tawanan."  Nahihiyang sabi niya pero, tawa parin ako ng tawa.

Pa'no kasi, si chanak naka pang nurse dress, 'yung pambabae pa! haha bagay sakanya!

"Bakit ka kasi--- hahahaha!!--- Nakaganyan?"

Tumigil na ako sa pagtawa at pinunasan ang nangingilid kong luha.

"As a nurse kailangan kong magsuot ng ganito."

"P'wede namang 'yung panglalake diba?, at bakit ikaw ang nurse? Dapat sila Emmy at Lexa!"

"Gusto niyang siya daw eh." Pagpapaliwanag ni Lexa. So bading na siya?

"O-Oy! Hindi ako bading ha!"

Mind reader ka na?

"Oo nalang, sige na, layas na mas lalong sumasakit ulo ko sainyo eh." Tumango naman silang tatlo at umalis na sa kwarto.

*Sigh* Ang bigat ng pakiramdam ko, para akong binagsakan ng pagkalaki-laking bato. Humiga na ulit ako sa kama....

"hmmm...hmmm.." pag hu-humm ko,

matagal tagal na pag hu-humm ay napakanta ako.

"Sunday morning rain is falling

Steal some covers share some skin

Clouds are shrouding us in moments unforgettable

You twist to fit the mold that I am in

But things just get so crazy living life gets hard to do

And I would gladly hit the road get up and go if I knew

That someday it would lead me back to you

That someday it would lead me back to you"

Sunday Morning by Maroon 5, maganda ang kanta pero ayoko lang 'yung last part.

Napatigil nalang ako ng may pumalakpak, kaya napatingin ako sa pintuan ando'n pala si Chanak.

"Kanina ka pa jan?"

"Yep!"

-3- Bakit 'di ko napansin? Geez, para siyang multo ha, pasulpot sulpot kung saan saan.

"Bakit?"

"Hahatiran sana kita ng pagkain kaso naabutan kitang kumakanta kaya nakinig muna ako, maganda naman boses mo eh."

The Angels Voicesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें