☆ Tune Forty Six : the dance

13 1 2
                                    

(INA)

Nasa studio ako para sa practice ng isasayaw ko next week, may magtuturo naman daw sa akin at may mga kasama rin ako pero ilang oras na ang nakakalipas ay wala parin sila ako palang mag-isa.

Bumuntong hininga ako, bakit kasi pagsayaw pa ang napunta sa akin ang last na naisayaw ko lang ay Cariñosa noong grade six ako ang komento pa nga ng teacher namin ay matigas daw katawan ko, eh sa nate-tense ako eh.

Humarap ako sa malaking salamin, payat naman ako, sexy, at flexible pero pag dating sa sayaw ay para akong tuod kung gumalaw. Noong bakasyon bago kami mag first year ay may sinubukan akong  sayaw kaso tinawanan lang ako nila Lexa kaya hindi ko na sinubukan a ulit na sayawin.

Pero hindi naman siguro masamang i-try ngayon diba? Lumingon lingon ako sa paligid walang tao. Sinimulan ko ng igalaw ang katawan ko at inisip na ako si T.O.P ng bigbang at sinasayaw ang Fantastic Baby. Nakakatawa dahil may mga mali-mali pa akong steps pero tinatawanan ko nalang.

"1 2 3, 1 2 3." Paulit-ulit kong bilang.
Napatigil nalang ako nung may pumalakpak. Tumingin ako sa pinto, andoon si  Toshihiro Hirayama or Toshi, haba kasi ng pangalan.

"You're good in dancing." Komento niya.
"Thanks. Ah why are you here?"
"Eh? You don't know? I'm also dancing, in short i'm your partner in the dance."

Partner? Sa pagkaka alam ko ay wala namang sinabi si manager tungkol doon.
"I'm not informed about it."
Hindi niya ako sinagot at nagsimulang mag stretching, kailangan ba 'yun?
Hindi ko nalang pinansin ang ginagawa niya at umupo sa pwesto ko kanina.

"So... Toshi, is this your first project?"
"No, i've done some projects in Japan, mostly is voice acting in anime's."
"Voice acting?"
"Do you watch cartoons? Anime's?"
"Hmm. Yep, tom and jerry, Amnesia and Dragon ball."
"Amnesia? You watched that?"
Tumango ako bilang sagot sakanya.
"Voice acting is just like acting but without actions, it's only your voice that is used. In Amnesia i'm one the voice actors, i'm Shin in that series."

Napangiti naman ako sa sinabi niya, ang astig, ang voice actor ng anime na napanood ko at ang favorite kong character sa Amnesia ay nasa harapan ko.
Akala ko ay hindi tao ang nagsasalita doon.
"Shin is my favorite in Amnesia, oh and Orion too, Shin is handsome, and always there for Heroine, he's like a knight and shining armor."

"Thanks."
Sagot niya lang at nanahimik sa tabi. Makalipas ang ilan pang minuto ay dumating na rin ang iba pa naming mga kasama, ang magtuturo sa amin ay isang professional choreographer.

Itinuro niya sa amin ang mga steps na gagawin namin at ang kanta na isasayaw namin. Madali lang naman ang steps eh pero kailangan eh mabilis.
Pagkatapos niyang ituro ay inayos naman ang formation at kung kailan papasok ang mga back-up dancers na lahat ay lalake, so ako lang babae na sasayaw? Great.

After that prinactice na namin ang sayaw.

"1 2 3, 1 2 3 -- stop!"  Biglang sigaw ng choreographer kaya napatigil naman kami.
"Shaina, you're out of beat. At mukha kang tuod kung sumayaw, payat ka nga't sexy na tignan pero 'di ko akalain na ganyan katigas ang katawan mo."
And thank you for announcing that, bastard.
"Sorry sir." Sagot ko nalang at napayuko habang pinaakinggan ang tawanan ng ibang dancers. Edi sila na ang malambot ang katawan sorry ha! 'Di kasi ako pinanganak na isang dancer, pinanganak akong singer.

"Let's have a break." Anunsyo niya at nagsi alisan na ang mga back up dancers habang tumatawa at tumitingin sa akin. Inirapan ko nalang sila.

"You coming?" Tumingin ako kay Toshi at umiling, nagkibit balikat nalang siya sa akin bago umalis.
Pagkasara niya ng pinto ay napayuko ako sa kahihiyan. Kainis! Alam ko namang matigas ang katawan ko pagdating sa pagsayaw pero hindi ko naman kasalanan 'yun andami kayang tao nahihiya akong sumayae kaya nga mas confident akong sumayaw kapag mag-isa lang eh.

*bzzzt!*   kinapa ko ang phone ko sa sahig at sinagot ang tawag.  Si Kenneth. Ano naman kayang kailangan neto? Wala ba siyang trabaho? Kung maaalala niyo Idol din siya parehas kami ng uniform eh.

"Hmm?"
[Ba't parang patay 'yung sumagot?]
"Kapal ha. Oh bakit? Kailangan mo?"
['San ka?]
"Studio bakit?"
[Ah, ghe hintayin mo ko may ipapakita ako sa'yo.]
Mag tatanong pa sana ako pero bigla niya akong binabaan, bastos 'yun ah.

Siguro wala pang limang minuto mula nung tumawag siya eh nandito na siya sa harapan ko. -_-

"There you are." Sabi niya at pumasok ng room, sinara din naman agad 'yung pinto.
"Anong ginagawa mo dito? Sa pagkaka alam ko sa ibang company ka?" 
Umupo naman siya sa harapan ko kasama ang isang malawak na ngiti.
"Bawal ba? Magkaibigan naman ang mga manager natin eh kaya pwede akong maglabas pasok sa kahit anong company, pero syempre basta walang makaka kita sa aking ibang idols."
Napatango nalang ako sakanya wala ako sa mood para kausapin 'to.

"Oh? Ba't parang byernes santo ang mood mo?"
"Eh kasi naman..." kwinento ko sakanya ang tungkol sa project at ang sinabi ng baklang choreo kanina hayun natawa nalang siya, palibhasa marunong din 'to.

"Ganito kasi ang trick jan, tayo ka turuan kita."
Sinunod ko naman siya at tinuruan niya nga ako ng isang sayaw.
"Una, kapag nate-tense ka dahil sa mga audience, isipin mo nalang ay para kang kumakanta, walang pinagkaiba ang pagkanta sa pagsayaw, kung ano ang ginagawa mo habang kumakanta ay ganun din sa pagsayaw, kung mas comfortable ka sa pagkanta kapag nakatingin ka lang sa isabg direksyon ay ganun din sa pagsayaw, ang gawin mo lang ay 'wag mong pansinin ang mga taong nanonood sa'yo. Kay kapal ng mukha mo habang kumakanta eh sa pagsayaw nahihiya ka, wow ha."

Bigla ko naman siyang binatukan, laki ng bunganga eh sarap ipakain ang sampong daga.
"Salamat sa insulto ha."
"You're always welcome." Sagot niya at tumawa.

Itinuloy niya ang pagtuturo sa akin ng sayaw hanggang sa nagsidatingan na ang ibang back-up dancers napatigil tuloy ako.
Dumating rin nang magkasama ang choreo at si Toshi.

"Eh? Kenneth? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng choreo.
"Wala naman, papanuorin ko lang sana si Ina na sumayaw."
"Naku 'wag na, mu--"
"Gagawin ko ang gusto ko, at 'wag na 'wag kang magsasabi ng kahit anong masama." Sabi niya sa masama at seryosong tono, napatikom naman ang bunganga ng choreo, nagyon ko lang ulit marinig ang tono na 'yun galing sakanya.
Umupo naman siya sa gilid at nagsimula na kaming mag practice nanaman.

Hindi tulad kanina ay mukha akong tuod pero ngayon, parang ang gaan na ng katawan ko, habang sumasayaw ako ay may nga naririnig akong iba't ibang komento, hindi ko nalang sila pinansin at tumingin sa direksyon ni Kenneth, naka ngiti lang siya sa akin, binawian ko din naman siya ng ngiti.

I owe him for this.
And in the end of the day umuwi kaming dalawa ni Kenneth na natatawa dahil sa feed backs ng mga back up dancers.

-------

SARREY, KEKE. MASABAW NOH?  ayos lang yan alam ko naman eh. Salamat po. :)

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now