☆TUNE FIFTY FOUR: Parents

17 0 0
                                    

(LEXA'S POV)

Napabuntong hininga ako nung marinig ko nanaman ang dalawang 'yun na nag aaway. Mula nung sinabi ni Ina na adopted brother niya si sir Matt ay lagi nag aaway ang dalawang 'yan. Ngayon na kami babalik sa Manila, tapos na ang training camp namin, nakapag practice na rin ang Trio Magnifico para sa battle of the bands. At handa na kaming sumabak next week.

"Why do you keep on calling me Kuya Perv? Sabi ko naman sa'yo nagpaalam akong pumasok sa Cr ng girls."

"Bla...bla...bla... basta kuya Perv ka parin. Nga pala kuya paano ang Hacienda? Sinong titira doon?" -Ina

Kwinento na sa amin ni Ina ang mga nangyayari, nag-iipon pala siya para mabawi lahat ng kinuha ng bangko sakanila. And sakanila pala ang buong Cauldwin High. -.-

"Okay. Off we go, be sure na wala kayong nakalimutan ha." -manager.

Nauna akong pumasok at sumunod si Ed. He's behaving so well, para siyang three years old na sumusunod sa mommy niya.

Tumingin ako sa bintana, at napatitig ng mabuti sa punong 'yun. Sino ang mga 'yun? Dalawa sila, isang babae at isang lalake.

"Alexa?" Napatingin ako kay Ed na may hawak na chocolate.

"Here."
"Thanks." Pagpapasalamat ko at tinanggap ang chocolate, pagtingin ko sa punong 'yun wala na silang dalawa. Ang creepy naman parang mga stalker.

"May problema ba Alexa?"
"Wala naman... can I lean to you? I'm still sleepy."

Tumango siya at lumapit sa akin, niyakap ko siya sa beywang at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya, habang 'yung left hand niya ay naka akbay sa akin. We're like couples kung titignan pero hindi, he's just courting me. Hindi pa ako handang magka boyfriend kaya hinahayaan ko siyang manligaw. Nagiging sweet ako para kung handa na ako may experience na ako kung paano maglambing oh 'di ba?
HAHA! Just don't tell to those two alam ko hindi nila ako papayagan dahil maiiwan silang dalawa sa single-zone.

"Wow, kakasakay palang tulog na agad." Dinig kong sabi ni Ina at nasa likod niya si Kenneth na kasunod naman si Toshihiro, the rivals are here. Hindi ko siya sinagot at natulog.

---
Ginising ako ni Ed gamit ang isang halik sa pisngi.
"We're here." Bulong niya. Bumangon ako at tumingin sa labas ng bintana, bilis ah.

"Tara." Aya niya tumango ako at sabay kaming lumabas ng Van. Nasa parking lot kami ng agency. Pagkalabas namin isang kaguluhan ang naabutan namin. May isang siguro 30's na babae at lalake na nakikipag sigawan kay manager hinaharang lang sila ng mga guard, sila Ina ay nandito parin.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Ina na hinahaplos ang buhok ni Nico na mukhang inaantok pa, nakayakap siya kay Ina eh parang Koala lang.

"Oh, gising na pala ang sleeping beauty natin. Well pagkarating natin dito agad silang humarang at sinasabi na 'ilabas ang anak ko.' Or so... Kilala mo ba sila?"

"Hindi, sino ba'ng walang magulang dito? Nico, hindi ka ba nagpaalam sa parents mo?" Pagloloko kong tanong kay Nico.
Sinamaan niya ako ng tingin. Masungit na Koala!

"Nani???? (What???) Alam nila mama noh. And why are you and that jerk hugging each other?"
Sabay nguso niya kay Ed.

"Huh? Ganito naman talaga kami ah, may masama ba?"

"Yes, maraming masama. Ako lang dapat yumayakp sainyong tatlo. Nee-chan (ate)." Sabay lipat sa akin at ako ang niyakap, para lang akong isang puno na nilipatan ng isang Koala. -.-

Nalipat ang attensyon ko nung mas lumakas ang sigawan.

"NASAAN ANG ANAK KO?! GUSTO KO LANG SIYANG MAKITA! NASAAN SIYA?!" -Babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now