☆ Tune Thirty

11 0 0
                                    

(Emmy)

Akala ko tapos na. Hindi pa pala. 

Akala ko tapos na ang pagiging tutor ko sa Forty na 'to, pero  hind pa pala kasi heto nanaman ako sa bahay nila. 

"Sagutan mo 'yan!" Pasigaw kong utos sakanya, ngitng-ngiti naman siyang tumango at sinunod ang sinabi ko, para siyang ewan sa ngiti niya, inirapan ko nalang siya. 

Noong nawala ako, nagkaroon siya ng bagong tutor kaso hindi naman siya nakikinig, ayun bagsak siya sa mga subjects niya, kinausap na siya ng lahat, teacher, classmate at pati tatay niya kaso hindi manlang siya nakinig sa mga sinasabi nila, ang sabi lang niya sa tatay niya ay pabalikin ang dati niyang tutor which is ako, at pag bumalik ako aayusin na niya ang pag-aaral niya. Daming alam ng baklang 'to, pinilit pa ako ng tatay niya para lang bumalik at turuan siya. Sarap ingudngud ng mukha ni Forty sa libro eh! Dapat nasa bahay na ako at nagpapahinga dahil sa sandamakmak na ginawa ko sa school kanina, 

"Tapos na." Kinuha ko 'yung paper niya at nilagay sa bag ko, doon ko nalang sa bahay iche-check, tinatamad na ako eh, at kailangan ko ng magpahinga, hindi naman ako robot na kayang gawin ang sunod-sunod na trabaho eh. 

"Alis na ako ha, ayusin mo pag-aaral mo!" Bulyaw ko, akmang tatayo ako kaso pinigilan niya ako. 

"Dito ka muna laro tayong xbox."

"Ayoko. Tinatamad at pagod ako, kaya kung p'wede pauwiin mo na ako."

*pout* Napalingon ako sa ibang direksyon ng bigla siyang mag-pout anon ba'ng nakain nito at ganito siya kung umasta?! Sipain ko kaya siya?!

"Manahimik ka, inaantok na ako."

"Dito ka nalang matulog, hatid kita sa school niyo bukas. ="

"Thanks, but no thanks, ulol ka ba?! Ako matutulog dito? Baka gusto mong mabalian ulit ng buto? Kaya please lang pauwiin mo na ako."

Binitawan niya ako kaya naman umalis na ako ng kwarto niya with out saying 'good bye'. Nagpahatid na ako sa driver nila hanggang sa bahay. Naka-off na ang mga ilaw, kaya obviously naka tulog na sila hindi manlang ako hinintay, pero oh well. Alam ko namang pagod ang dalawang 'yun. Dumiretso na ako sa kwarto at akmang matutulog kaso naalala ko ang activity ni Forty kanina. Kinuha ko 'yon sa bag at chineck tama naman ang karamihan. Simple algebra lang naman, nag-improve na siya sa pagsagot hindi tulad noon na puro kalokohan ang mga pinagsasagot niya sa bawat activity na ibibigay ko. Nahagip ng mata ko ang isang phrase na naka sulat sa baba. 

"You're mine  <3"

'Yan lang naman ang naka sulat, you're mine? Ano 'yun kanta? Adik talaga ang lalaking 'yun kung ano-ano ang pinagsusulat. 

Kinabukasan.

Ganoon parin naman ang routine, morning rituals bago lumabas ng bahay at magpahatid kay manong sa school, parang wala namang pinagbago ang buhay namin sa Calden at dito sa Antel eh. Kamusta na kaya ang mga tao doon? Maayos lang kaya 'yung mga guards kuno namin? Si raille? Nakaka miss rin ang mga 'yun eh. 

"Emmy, pasama nga ako sa library." Bungad sa akin ni Cheska, tumango ako sakanya, nilagay ko lang ang bag ko sa upuan ko at lumabas ng room. Si Cheska ang una kong naging kaibigan sa room kasi walang may gustong lumapit sa akin, dahil daw nasa entertainment compay ako at sila hindi, anong difference? Student parin naman ako ah. Ako lang kasi ang nag-iisang student na nasa entertainment kaya loner ako.

Tulad ng sabi niya pumunta kami ng library, siya kumuha ng science book at nag take down ng notes, ako naman ang liwaliw sa library, napunta ako sa mga story books, hindi naman ako interesado sa mga libro ngayon eh pero dahil sa isang libro naalala ko si Forty. 'Birthday book' Kailan kaya birthday ng lokong 'yun?

"Emmy, tapos ka na ba?"

Napalingon ako sa nagsalita nasa tabi ko na pala si Cheska, 

"Ah oo, tapos ka na ba?"

"Oo, tara na baka ma-late tayo." Tumango ako sakanya, nadaanan namin ang room ni Lexa, sobrang tahimik naman sakanila, buti nakaka survive ang madaldal na si Lexa doon. 

Maghapon lang akong nag-aral at nakinig sa mga mahahabang lectures ng mga teacher. Last subject namin ngayon ay ang P.E  kaya pumunta kaming gym kasama ang P.E uniform namin, Lesson ngayon ay ang mga girls maglalaro ng Volleyball habang ang mga lalake ay sasayaw sila. Unfair! Dapat lalaki nalanag ako para sayaw-sayaw lang ang gagawin ko. 

Nagsimula ng magteam-up si sir, nasa team A ako. 

"Team A vs. Team B!" Sigaw ng teacher kaya pumwesto na ako, masaya naman ang laro pero medyo nakaka inis lang kasi naman, may mga ka-team ako na iniialagan 'yung bola! Ano 'to? Dodge ball? Iabto ko sakanila 'yung bola eh. 

Pagkatapos naming maglaro ay pumunta kaming Shower room, off course para mag shower dahil mabaho at malagkit na kami dahil sa pawis. Ako ang huling gumamit ng shower room kaya ako na rin ang naglock nito, mag-isa akong naglalakad papunta sa pinto ng mahagip ng mata ko ang bola na nilalaro namin kanina, katabi nito ang radio at tape. Sayaw kaya ako? Pero joke lang kakahiya naman, baka may ibang tao. 

Pero sabi ko nga diba pasaway ang katawan ko at lumapit doon, sinalpak ang tape at hinintay ang kanta, Nang magsimula ang kanta ay nakisabay ang katawan ko sa himig, nagdadasal nalang ako na sana ay walang tao dito. 

Alam nila Ina at Lexa na sumasayaw ako kaso ngalang ayokong ilabas sa mga tao, kasi nakakahiya, naalala ko tuloy ang nangyari sa'kin noong elementary first time kong sumayaw tapos noong actual performance na, bigla akong kinabahan dahil sa damin ng tao na nanonood hindi ako naka galaw sa stage at ang mas nakaka hiya pa ay ang ma-out of balance ako , simula nun 'di na ako sumayaw ulit pagkanta nalang ang ginawa ko. Ayokong maulit ang kahihiyan na nangyari sa'kin noon. Baka nga mas malala pa ngayon eh. 

Nang matapos ang kanta ay tumigil na rin ako. *clap clap clap* Napalingon ako sa pumalakpak, teacher pala namin. 

"Very good miss emmy."

Nakakahiya naman kaya tumungo ako.

"You're good in dancing. No doubt that you're in a entertainment company."

"Thank you po sir." May hiyang sagot ko. 

"Did someone thought you how to dance?"

"No sir, it's my passion but i have someone who likes dancing but he can't because of his father, so i'm the one who's doing it for him."

"Too bad for him. Why don't you invite him next month for the upcoming performance, i'll be listing your names."

Tumingi ako sakanya ng gulat. Ako sasayaw? weh? At outsider kaya yung tinutukoy ko, si Forty. 

"Pero sir, outsider po siya."

"Nah, it's fine, i'll list your names, but ask him first if he wants to."

"Ok sir,"

"I'm going now, see you tomorrow, and get some shower again."

Nahiya ako sa sinabi ni sir kaya agad akong tumakbo sa shower room at nag shower ulit. Pagkatapos nun ay umalis na ako, unti nalang ang students dito na pakalat kalat ang iba naman ay nasa dorm na nila, ako pumunta ako sa parking lot at nadatnan si kuya driver na naghihintay, nauna na sila Leca sa akin pauwi. 

"Kuya, doon po ulit sa bahay na pinuntahan natin kahapon."

Tumango lang siya sa'kin at nag drive, ilang minuto pa ay nandito na kami pinauwi ko na si kuya driver, magpapahatid nalang ako sa driver nila. Pag dating ko doon hindi manlang ako sinalubong ni Forty, umupo muna ako sa couch habang hinihintay ko siya, naka rinig ako ng sigawan sa taas baka silang dalawa ng tatay niya nanaman, pangalawa ko na itong marinig, yung nagsisigawan silang mag-ama. 

Hintay ko  nalang siya dito, hanggang sa lumalabo at medyo dumidilim na ang paningin, inaantok na ako.. 

-.- 

----------------------

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now