☆ Tune one :: The start

67 4 5
                                    

(Shaina's POV )

Nasa harap na kami ng school, oo KAMI as in with capital K-A-M-I, ako, Lexa, at Emmy ang tinaguriang  Trio Magnifico

(kami lang nagpangalan sa sarili namin. XD)

ay nasa harap na ng skwelahan namin ang Cauldwin High. Hindi man ito perpektong eskwelahan para sa mga mayayman in fact isa lang itong public school kung saan nagtitipon ang mga tinatawag ng mga mararangyang taong 'cheap' ang sakit man sa loob ko pero itong skwelahan lang ang kaya ng mga bulsa naming tatlo. Sabi nga ng iba itong skwelahan daw ang pinaka mahirap sa lahat. Oo na mahirap na kung mahirap and so what? Basta makapag aral ayos na yun basta may pumasok sa utak ayos na yun.

"Ow! Look the cheaps are amazed to their new cheal school, how poor. Sige mga cheap jan na kayo. Ciao" At humarurot na paalis ang kotse niya.

'Yan si Lyra ang diva ng Private school na malapit lang dito. Kilala ko siya dahil naging classmate ko siya nung elementary mahilig kaming ibully niyan dahil sa mahirap lang kami. And so what? Kung mahirap kami at least nga may laman pa utak namin kaysa sakanya mayaman nga, maganda na pero walang laman ang utak kundi puro kalandian.

'Di na namin siya pinansin at pumasok sa school. Ang daming studyante, siksikan sa corridor. Salita dito..salita doon, di mo alam kung sino ang nagsasalita. Halo-halo pa ang mga tao dito may bakla, tomboy, butiki at baboy. Dejok. Pero seryoso halo-halo nga para kang nasa palengke.

*kriiiiiiiiiiiiiing!!!!*

'All freshmen students please proceed to the gymnasium for the opening. Thank you'

Sabi sa intercom. Sinunod nalang namin, at dahil hindi namin alam kung saan ang gym sumunod nalang kami sa mga nagtutulakan at nagtatakbuhang studyante na mukang mga freshmen din. At ayun nga naka rating din, dahil sa maliit lang ang gymnasium ng school medyo sik-sikan sa loob kaya ang init akala mo'y nasa loob ka ng oven. May mga nagtutulakan pa si Lexa nga muntil matumba eh. Nakarating kami sa unahan ng matiwasay, wala manlang upuan? Oh well, mahirap nga eh diba? Ano pang inaasahan, ilang minuto ang lumipas ay may lumabas na medyo may katandaan na siguro principal. Tumahimik naman ang lahat ng nandito.

"Sa school year na ito, kayo ang pinakamarami kumpara sa mga nakalipas na taon. Maraming salamat sa inyo...bla..bla..bla..chu..chu" 

Salita lang ng salita yung principal, at patagal ng patagal ay nag-iingay nanaman dito para silang mga ahas hindi matigil sa pag sasalita. Siguro sa lahat ng studyante dito five percent over one hundred ang nakikinig. Mga walang respeto.

Sa haba ng sinabi ng principal ay pinapasok na rin kami sa mga rooms namin, at dahil sa hindi namin nakita kanina kung ano ang section namin pumunta kami sa bullitin board at kung sinwerte nga naman nasa same classlang kaming tatlo. Buo parin ang Trio Magnifico.

1-B, pumasok kami sa room, pero mukhang nagkamali ata kami kaya chineck ko ulit yung section tama naman. Baka yung classmates lang namin ang nawawala. Imbis na matinong room ang madadatnan ay naging parang Zoo ang daming wild animals. May aso (madadaldal) may baboy (matataba) mga ahas (malandi)

Ibon ( mga feeling) at marami pang iba.

"Eherm" napagilid kaming tatlo sa umubo yung teacher pala. Adviser siguro.

"Good morning po sir" bati naming tatlo. Ngumiti lang yung teacher sa amin at pumunta sa harapan.

"Okay, guys! Upo!!" Pero walang pinakinggan yung mga animal.

"Guys..upo na daw po!" Sigaw naman si Emmy pero walang effect.

"GUYS UPO NA DAW PO!!! " see trios nga kami effective ang sigaw namin pag tatlo kami. :D napatingin sa amin ang lahat at pati sa teacher kaya naman napa-upo silang lahat.

The Angels VoicesWhere stories live. Discover now