Chapter 21: If it's you

957 24 10
                                    

A/N: Aloha!!I'm back!! Nakita niyo na si Selene? She's so cute right?wahihi!!

Nag-UD na ko, hay!! Di naman kasi pala maga-grant yung request ko, feelingera lang.hahaha!! Sana irecommend niyo naman tong story na to. puhleeeaaassse?!! Malapit na ang christmas at ang story pong ito ay hanggang next year. May date akong itatapat ang ending na to, at special yung date na yun. Kaya sana bago matapos tong story na to, ma-reach na tin kahit 6000 reads lang. Masaya na ko dun.hahahah!! Christmas gift niyo na sakin na irecommend tong story ko. Thanks you ^^

Ang chappy na to is for you...thanks for becoming a fan

READ.VOTE.COMMENT.LIKE.BECOME A FAN.RECOMMEND


Chapter 21: If it's You

Umuwi rin ako kaagad after akong maglabas ng sakit ng loob kay Lexter, hindi ko alam kung anong sinabi niyang dahilan kay Selene nung nakita niya akong umiyak pero sabi niya siya na daw bahalang magbigay ng dahilan kay Selene kung bakit ako umiyak. Sumakay na lang ako pauwi, pagpasok ko hindi ko napansin nandoon pala sa sala si Lola at hinihintay ang pag-uwi ko.

"Ana"

Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan, nilingon ko si lola. Hindi ko alam nakalapit na pala siya sakin.

"Apo, bakit ka umiiyak?"

Gusto ko mang pigilin pero hindi ko magawa. Yumakap ako agad kay lola at umiyak na naman. Naramdaman ko hinahagod ni lola ang likod ko. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Ngayon ka lang ulit umiyak ng ganyan. Nung una dahil sa nawala ang mama at papa mo, ngayon ano ang dahilan apo?"

"Lola...masakit po ba talagang magmahal ng lubos?"

"Apo, so what kung magmahal ang pulbos?"

"Lola naman..."

"Joke lang, ikaw naman apo pinapatawa ka lang ng lola. Sige ilabas mo lang yan."

"Alam mo yon 'la matagal ko na siyang gusto tapos hinihintay ko na mapansin niya tapos malalaman ko na may girlfriend siya at pinsan ko pa. Ang sakit lang po eh. Bakit ganun? Kailangan ba 'la maging ganito kasakit?"

"Apo, kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan...hindi ka nga natakot magmahal di ba? Dapat hindi ka rin takot sa maaring mangyari sa pagmamahal mo sa iba. Dahil ang sakit ay kakambal lagi ng pagmamahal. Pano ka matututo kung hindi ka masasaktan at pano mo mahahanap ang tama kung hindi ka nagkamali. Isa lang ibig sabihin niyan, hindi siya ang para sayo."

"Pero pano kung siya lang ang gusto ko?"

"Apo sa ngayon iisipin mo na siya talaga ang para sayo, pero pag tumagal na mawawala rin ang sakit na mararamdaman mo at saka mo lang makikita yung isang taong matagal na palang para sayo. Tulad ng namatay ang lolo mo, nung una labis akong nasaktan dahil sa iniwan niya ko. Matagal kong pinanghawakan yung sinabi niya nong hindi niya ko iiwan pero iniwan niya pa rin ako. Hindi ko matanggap yun, pakiramdam ko dinaya ako ng lolo mo pero habang tumatagal nawawala yung pangungulila at yung sakit na nararamdaman ko ng iniwan niya ko ang natira na lang ay pagtupad ko sa pangako ko sa kanya na magiging maganda ang buhay ko katulad ng dati ng nandyan pa siya. Saka ko lang ulit nakita ang ganda ng buhay ng tanggapin ko yun."

Ngayon ko lang naintindihan lahat, siguro nga hindi ko pa alam ang tungkol sa pagmamahal dahil ngayon lang naman ako nagkagusto sa isang tao.

"Ito lang ang ipapayo ko sayo apo, wag kang titigil sa pagmamahal dahil lang sa nasaktan ka. Isipin mo, mas pinatibay nito ang puso mo."

Tumango ako sa sinabi ni lola. Tama naman siya, hindi dahil nasaktan ako hindi na ulit ako magmamahal.Pero hindi pa ko handang buksan ang puso ko sa ngayon.

"Hay, ang bilis nga naman ng panahon. Dati karga-karga kita at wala kang tigil ng iyak dahil pinipilit mo na hindi ka iniwan nina mama mo pero ngayon umiiyak ka ulit dahil naman sa pagmamahal. Dalaga na nga talaga ang apo ko."

Napangiti ako doon, di na nga pala ako ang baby ni lola. Malaki na ko para maging baby pa ni lola.

"O siya, siya, ika'y umakyat na sa kwarto mo at magbihis. Magpahinga ka na rin ipagluluto kita ng paborito mong ulam ha?"

"Thank you lola"

Niyakap ko ulit siya.

"Ang apo ko talaga. Sige na, pupunta lang ako sa may talipapa para bumili ng iluluto mamaya."

Dumeretso ako ng kwarto at ginawa ang sinabi ni lola. Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ko.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, may nag-message pala. Tiningnan ko ang cellphone ko.

From: Lexter 

To: Ana

Hoy, ano kamusta ka na. Nahirapan ako kay Selene na mag-alibi, inaaway kasi ako. Inaway daw kita ang sama ko daw kasi pinaiyak pa kita. Hindi tuloy agad kita napuntahan diyan. Txtbck ka.

Napangiti ako doon, ano kayang sinabi nung dahilan kay Selene kung bakit ako naiyak?

Hindi ko sinagot ang tawag ni Lexter, natulog ulit ako. Ramdam ko ang antok kakaiyak kanina. Hindi pa ko nakakatulog nang...

"Ana, kakain na."

Minulat ko ang mata ko at bumangon sa kama, nagpulbos lang ako para hindi ganoong kahalata na paga ang mata ko. Bumaba na ko at pumunta sa kusina.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ayaw mong sagutin ang tawag ko kaya pinuntahan na lang kita dito. Tara kain tayo."

"Wow kakahiya, bahay mo to ha."

"Wag ka na mahiya, ito naman. Masarap yung luto ni lola."

"Oo nga, at yung paborito ko pa nilalantakan mo."

Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"Ayaw mo ba nung luto ni lola?"

"Aa, nakakainis ka. Wag yang paborito ko."

Kinuha ko sa kanya yung bowl ng ulam at nilagay sa kalapit ko.

"Bakit mo kinuha?"

"Akin to, bakit ba?"

"Eh di share na lang tayo."

"Ayoko nga."

"Ana,wag kang madamot. Masam yan."

Nag-aagawan kami sa bowl ng pagkain. Nang...

"Argh, nakakainis ka natapon tuloy."

"Ang damot mo kasi."

Naiinis talaga ko, maya-maya lang maiiyak na naman ako.

"Ana, naiyak ka ba?"

Tiningnan ko siya, di ko na napigilin napaiyak na talaga ako buti na lang wala si lola dito.

"Ana, sorry na. Ano,ipagluluto na lang ulit kita. Saglit lang. Basta wag ka lang umiyak."

Dali-dali si Lexter pumunta ng kusina. Rinig ko nagbabagsakan ang mga kawali dahil sa pagmamadali niya. Natataranta kasi. Tiningnan ko siya habang hindi niya alam kung ano ba ang uunahin niyang gawin at napapangiti na lang ako. Ganyan ba talaga ako ka-espesyal sayo Lex? Simpleng iyak ko, di mo na alam ang gagawin mo. Sana lang talaga ikaw si Dustin, para ikaw ang minahal ko diba?

Narinig kong tumunog ang tiyan ko.

"Lex, gutom na ko."

"Wait lang. Eto na nanginginig pa."

Lumabas siya ng kusina, dala-dala yung ulam na niluto niya. In fairness ang bango ha, marunong palang magluto tong si Lex kaso ang hindi ko alam ay ang itsura ng kusina namin. Natatakam na tuloy ako kaya pagkalapag niya ng ulam kumain na agad ako.

"Lex ba't ang tabang?"

"Nakalimutan kong lagyan ng asin, pero dinala ko naman yung salt. Lagyan mo na lang"

Ipinatong niya sa table yung garapon ng asin.

"Lexter!"

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now