Chapter 30: 10 Ways to Find your True Love

880 13 3
                                    

Chapter 30: 10 ways to Find your True Love

Cris' POV

Hindi alam ni Ana kung gaano kami kasaya ngayon para sa kanila ni Lexter, lalo na para sa kanya. All my life, ang tanging ginusto ko is maging masaya ang pinsan ko sa piling ng isang lalaking alam kong mamahalin siya ng higit sa pagmamahal na kaya niyang ibigay. Ngayon alam kong nahanap na niya yon kay Lexter kaya sa simula pa lang sinuportahan ko na si Lexter kasi alam kong siya ang magpapasaya sa pinsan ko. At hindi ako nagkamali doon.

Simula ng pumunta sila sa park hanggang sa pag-CR ni Ana, nakasunod lang kami. Oo kami nga...si Dustin, Nara, Selene at ako. Nung una kinabahan na ko na baka hindi mag-succeed si Lex sa plinano nilang 10 ways revise chuchu ni Nara. Kasi naman, si Lexter ang tanga-tanga. Malamang kaya tinanong ni Ana si Lexter kung mahal niya si Ana dahil gusto lang makasiguro ni Ana na tama yung magiging desisyon niya once na aminin niya yung totoong nararamdaman niya kay Lexter.

Si Ana, mali naman ang pagsasabi. Pwede naman niyang itanong kung hanggang ngayon, yun pa rin ba ang nararamdaman ni Lexter sa kanya, yan tuloy sa katangahan nilang dalawa...nagalit si Lex at nag-walk out.

Nakita din namin kung paano batuhin ni Ana si Lexter ng sapatos, buti nagkaayos sila bago pa magkaroon ng world war. 

After ng away, naging rated PG na. Waiiitttt! Nanonood kami sa gilid, bakit may paghalik pa?

"Inggit ka ba babe?"

Nilingon ko siya at tinanguan, oo na nainggit ako. 

"Hoy, tigilan niyo nga yang pagiging mushroom niyo. Sisipain ko kayo, may dalawang inosente kayong kasama o."

"Nakakahiya naman sa pagiging inosente niyo. Mga inggitera."

"Uwi na lang tayo Ate Nara."

Padabog na umalis si Nara habang hila-hila niya si Selene. Kami na lang ni Dustin ang naiwan doon. Bakit parang naging awkward? Kanina naman hindi. Parang napasama pa ata yung pag-alis nung dalawa.

"Babe, umalis na sina Ana."

Saan naman sila nagpunta?

*****

Nara's POV

Ang saya ko, success lahat ng plano namin nina Lexter. Lalo na nung ginawa namin yung 10 ways para kay Ana. Mahal ko si Lexter pero hindi ako tanga para ipagpilitan ko ang sarili ko sa kanya. Mas okay pa na makita siyang masaya sa taong mahal niya. Magaan din naman sa pakiramdam, siguro kasi tanggap ko na hindi talaga siya ang para sakin.

Tumingin sakin si Selene na kasama kong pauwi...nakita niya ata akong ngiting-ngiti.

"Ate, have you gone crazy? Why are you smiling?"

"Nothing, I'm just happy for Ana and you're cousin."

"Ako din. Sila talaga ang gusto kong magkatuluyan. Akala ko nga dati sila na, pero pinagpanggap lang pala siya ni Kuya."

Hindi na ko umimik. Naglakad lang kami. Thankful ako na at last nakita na ni Ana at ng taong minahal ko ang isa't-isa. I know, someday darating din yung taong nakalaan sakin.

"Miss sorry."

Tiningnan ko yung nakabunggo sakin. Bigla akong nasilaw, ang gwapo niya.

"Miss are you okay?"

Inabot ko yung kamay ko sa kanya, para tuluyan akong itayo.

"Yes. Thank you."

"I'm sorry again, by the way I'm Philip."

"Nara."

Ang bilis mo naman Lord, kakasabi ko lang na someday darating din yung sakin. Dumating naman na agad.

*****

Dustin's POV

Sa dinami-dami ng sakit na naramdaman ni Ana dahil sakin, ngayon makakahinga na ko ng maluwag for I know na hindi na siya masasaktan sa pagmamahal niya sakin.

She deserves to be happy and be loved. Nagkamali man siya na mahalin ako nung simula at least ngayon alam kong matatapos ang istorya namin ng masaya.

Si Ana kay Lexter at ako kay Cris. Hindi ako nagkamali na si Cris ang pinili kong mahalin, kasi as times goes by I keep loving her deeply. At hindi ako mapapagod na mahalin ang babaeng katabi ko ngayon. She makes me fall in love with her even more. At wala na kong hahanapin pang iba. We're perfect for each other, hindi man kami perfect na dalawa at least we can love perfectly. Kontento na ko doon.

"Babe, I'm really happy for Ana."

Tumingin ako sa babaeng pinakamamahal ko, niyakap ko siya mula sa likuran at hinalikan sa ulo.

"Me too."

"Sa pagtulong ko sa paghahanap ng lalaking para sa pinsan ko,ikaw ang nahanap ko."

"Are you happy with me babe?"

"Of course I am, no one can explain how happy I was when I found you."

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. I will never let her go, NEVER.

"Babe."

"Hmmm?"

"Marry me."

Bigla siyang kumawala sa yakap ko at humarap sakin. Napatawa naman ako, gulat na gulat ang mukha niya.

"What did you say?"

"I want you to marry me. After graduation, let's get married."

Hinawakan ko yung mukha niya and stare to her closely.

"I love you so much that I don't want to let you go. Everyday I keep on imagining what my life would be if you were the one whom I sleep with, whom I kiss every night and every time I wake up. I don't know my life would be if you're not here next to me. And I don't want to think about everything that will happen if you're not there. I love you Cris, please marry me..."

She didn't answer but instead she hugged me tightly. I hug her back. Maya-maya I could hear her cry. I smiled, I can sense it, I know her answer and I'm happy about it. I'll live my life having her in my arms for forever.

*****

Ana's POV

Nandito kami ngayon sa harap ng bahay namin. Nakaupo sa may garden habang magkahawak ang kamay. Sweet isn't it?

"Alam mo ba yung 10 ways to find your true love?"

Tumingin ako sa kanya, umiwas siya ng tingin. Ang cute ni Lexter. Hahaha

"Hindi, ano ba yon?"

"Yon yung inilalagay mo sa locker ko."

"H-ha?"

"Hindi mo kailangang tumanggi, hindi naman ako magagalit. From the very start alam ko na ikaw ang naglalagay ng maliliit na notes sa locker ko. Because of that, thank you."

Lumingon ako sa kanya...alam ko naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. Ang slow talaga nito.

"Thank you, kasi it help me realize one thing...


...it made me realize how much I love you."

*****

A/N: Di pa po tapos to, please wait for the Epilogue. Thanks everyone.

READ.VOTE.COMMENT.

Heartswings <3

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now