CHAPTER 2: The new ME

2.3K 49 2
                                    

CHAPTER 2: The new ME


Nakarating na kami't lahat sa mall, pero hindi ko alam kung ano ba ang bibilhin ng pinsan ko. Kanina pa kasi kami naglilibot pero mukhang hindi naman makita ni pinsan yung hinahanap niya. Until we stop in this shop name 'FASHION71', nakita ko ang pag-ngiti niya so I guess this is the shop she's been looking for kanina pa.


Pagpasok namin sa loob, ang daming damit, sapatos and different accessories. Para siyang department store but more on fashion items ang nandito. May mga section din para mas madali mong mahanap ang gusto mo, from dresses to pants and jackets.


"Bibili ka ba ng damit mo?"


"Pwede rin pero ng damit mo, oo."


"Wala namang okasyon pinsan, bakit kailangan kong bumili ng damit?"


"Don't talk, just let me. It's all on me pinsan, libre nga kita diba?"


Speaking of rich kid, eh di siya na.


Pumunta kami sa mga two-piece dresses at kung anu-ano ang mga kinukuha niya, ako naman busy sa pagtingin-tingin din. May nakita akong dress na style ko pero bago ko pa man makuha, may pumalo na sa kamay ko.


"Wag kang magkakamaling humawak ng mga damit diyan, ako ang pipili lahat."


Napanguso lang ako, sinama pa niya ko hindi rin naman ako makakapamili diba?


Inabot lang niya sakin yung mga kinuha niyang damit at tinulak ako sa fitting room. Wala na kong nagawa, sinarado na niya yung pinto. No choice but to try this on. Kaso pagkakita ko pa lang doon sa panda, ang iksiiiiiiii!! >_____________<


"Pinsanhindi ba makikita kaluluwa ko dito?"


Hindi siya sumagot, nasan kaya yon? Sinukat ko na rin yung mga pinili niya at lumabas ako. Nakita ko ang pagngiti niya, she looks satisfied with the view but I'm not, hindi ako kumportable.


Pinasukat pa niya sakin yung iba at binayaran na niya, hinila niya naman ako sa isang salon?


Teka, ano namang gagawin namin dito? If she's planning to cut my hair? NO, NEVER> Hindi ko ipapaputol tong buhok ko, ang tagal kong inalagaan to at pinahaba, pwede na nga to sa commercial ng shampoo eh.


"Good afternoon Ma'am, anong sa inyo?"


Lumapit ako kay Cris at binulungan siya na hindi ako magpapagupit, over my dead body. Tinawanan lang ako ng bruha.


"Kulutin mo siya, I want it wavy or your can perm her hair but not too curly." Lumingon siya sakin at nagsabi na hihintaying na lang niya daw ako sa waiting area. Hinila naman ako nung bading paupo at sinimulan ang trabaho niya.


After 7468675236357568 minutes, inantok ako doon. Gutom na din ako, ang tagaaaaaal, pero pagtingin ko sa salamin...

(◑_◑)

=^.^=

≧✯◡✯≦

(✿◠‿◠)

Bagay pala sakin ang kulot, ang ganda ko lalo. Wahahaha! Conceited Ana.


"Lumabas lalo ang ganda niyo Ma'am sa new hair niyo, bagay sa inyo."


Nahihiya akong ngumiti sa nagkulot sakin.


Tinawag niya si Cris at sinabing tapos na ko, kanina dun sa damit she's satisfied, now she looks proud sa kinalabasan ng buhok ko.


"Mas bagay sayo compared to your super straight hair, mukha kang manang doon."


"Oo na, ikaw na ang may sense of style."


*****

NOTE: Hi guys, here's the edited chapter 2 :)))


Heartswings ➳♥

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now