Chapter 29: Confession

823 12 4
                                    

Chapter 29: Confession

Lexter's POV

At sa pangalawang pagkakataon, mukha na naman akong nalugi. Sinamahan ko si Ana sa pinakamalapit na CR. Noong una nga ayaw pa niyang mag-CR, nakakahiya daw baka may ibang makaamoy kasi public CR. Alangan namang umuwi pa kami, maabutan pa siya sa daan, mas nakakahiya yon.

Wala na siyang nagawa kundi ilabas lahat ng sama ng loob niya sa CR. Hinintay ko lang siya sa labas, nagpromise ako na wala akong ibang papapasukin. Kaya kanina pa ako nagdarasal na wala munang mag-CR na iba kasi hindi ko rin alam anong excuse ang pwede kong sabihin.

"Miss hindi pwede"

"Bakit naman?"

"Basta bawal."

"Paano naging bawal, ladies comfort room nga yan."

"Sino nagsabing pambabae to?"

"Kuya hindi mo ba nababasa yung nasa pinto? Ladies, ang linaw-linaw."

Alam kong naiinis na siya, baka sampalin na lang ako bigla.

"Ladies nga nakalagay pero panlalaki na yan sa loob, hindi pa lang kasi napapalitan yang signage. Sa iba ka na lang mag-CR, may ilang lalaki na ang nasa loob baka mabastos ka pa."

Sana wala ng dumating pa. Maya-maya lang, lumabas na siya si Ana. Mukha namang successful at nakangiti na siya.

"Success ba?"

"Yep."

Pumunta na lang kami sa mga bench at umupo, walang nagsasalita. Tahimik lang kami parehas, tiningnan ko siya, sa iba siya nakatingin. Parang biglang naging awkward.

"Hmm Lex..."

Lumingon ako sa kanya, nakatingin na siya sakin. Natatae na naman ba siya? Kasi kung oo, uuwi na lang kami.

*****

Ana's POV

Hindi ko alam kung paano ko to sisimulan, pero gagawin ko ba talaga?

"Hmm Lex..."

Ayan na tumingin na siya sakin.

"A-ano?...mahal mo ba talaga ko?"

Tae ka Ana, bakit yon ang tinanong ko? Alam ko na naman ang sagot. Tanga mo talaga Ana.

Tiningnan ko siya, ngumiti siya bigla. Pero yung ngiting hindi masaya, alam niyo yun? Yung may lungkot. Na-offend ko ata siya sa tanong ko.

"Until now, you didn't notice what I feel for you, Ana? Akala ko lahat ng effort na ginagawa ko magpapatunay kung gano kita kamahal, but I was wrong. Hindi mo pa rin pala nakita. Dahil ba hanggang ngayon si Dustin pa rin ang mahal mo?"

Namisinterpret pa nga ni Lexter ang tanong ko, hindi naman yon ang gusto kong itanong sa kanya. Namali lang talaga ako ng pagkakasabi.

Bigla siyang tumayo, at nagsimulang lumakad palayo.

"San ka pupunta? Lexter."

"Susunduin ko si Dustin. Siya magpapasaya sayo di ba? Siya ang mahal mo?"

Luh! Wala naman akong sinabing ganoon. Kung anu-ano na naman pumasok sa kukote nitong si Lexter. Si Dustin agad? Matagal na akong nakamove on kay Dustin, si Lexter na lang ata ang hindi pa nakaka-move on. May pagka-tanga rin tong lalaking mahal ko.

"Parang tanga to."

Lumingon siya sakin. Hala, galit na sakin.

"At ako pa ngayon ang tanga? Edi tanga na. Tanga na minahal kita, tanga na nabaliw sayo at tanga na nasasaktan ngayon, putcha naman Ana."

Iniinis talaga ako ng lalaking to. Kinuha ko yung sapatos ko at ibinato sa kanya. Pinulot niya yung sapatos ko na tumama sa ulo niya at lumapit sakin na nakakunot ang noo.

"Ano bang problema mo Ana? Sinasaktan mo na nga ako emotionally ngayon naman physically? Sadista ka ba? Gustong-gusto mo akong saktan?"

Hindi ko siya sinagot.

"Ano?"

Hindi pa rin ako umiimik. Action speaks louder than words sabi nga, kaya hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ko siya sa labi. 

"Ang daldal mo kasi, tinatanong ko lang naman kung mahal mo ko kasi gusto kong makasigurado na nandiyan pa rin yung nararamdaman mo para sakin bago ko sabihin yung nararamdaman ko. Baka kasi sigurado na ako sa feelings ko tapos nag-iba na pala sayo."

Kinurot niya bigla ang pisngi ko.

"Aray, para san yon?"

"Ako? Hindi ka mahal? Saan mo napulot yang katangahan na yan?"

"Naninigurado lang naman."

"Baliw ka din minsan Ana."

"Mahal mo naman."

"Mahal naman talaga kita."

"Tanga ka naman."

"Mahal mo naman!."

"Oo na."

Para kaming tangang dalawa dito.

"So inaamin mo na mahal mo nga ako?"

"Oo"

"Ano? Hindi ko rinig."

"Oo nga."

"Ano? Bingi ako."

Bingi pala ha, tinapat ko yung bibig ko sa tainga niya at sumigaw.

"OO NGA MAHAL KITA."

Pero imbes na ilayo niya ang mukha niya sakin. Hinawakan niya ang bewang ko at inilapit pa ako sa kanya, this time magkatitigan na kami. Bigla niyang hinawakan nang isa pa niyang kamay ang mukha ko at hinalikan niya ko. This time, I know it's real. Walang lokohan, walang ilangan, no pretentions. Feeling ko, kami lang ang tao. Walang iba, siya lang at ako. I respond to his kisses, I also respond to his feelings.

"I love you Ana."

"I love you too Lexter."

"You made me the happiest man right now."

And we kissed again. Naaadik na ata ako sa halik niya. Pero masaya ako ngayon. Alam ko, tama ang naging desisyon ko na mahalin ang lalaking to. 

*****

A/N: sorry talaga, hindi ako magaling sa pagpapakilig...naman ee.walag lablayp si author kaya ganyan. Pagbigyan niyo na ha, babawi ako sa ending nito, promise po talaga T^T

Pabasa po ng ROMANTIC FANTASY...20 reads bago ako mag-UD dun..hahaha! demanding agad?!

READ.COMMENT.VOTE.BECOME A FAN

Heartswings <3

Book 1: 10 Ways to Find your TRUE LOVEWhere stories live. Discover now